Chapter 38

181 4 0
                                    

Naalimpungatan si Chleo dahil sa pag-alog-alog ng Van.

Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at naramdaman niya ang hapdi ng mga sugat na tinamo niya sa pagsabog kanina.

Hahawakan niya sana ang kumikirot na noo ngunit napansin niyang nakatali patalikod ang kanyang mga kamay. Maging ang mga paa niya ay nakatali rin.

Napagtanto niya na nasa loob siya ng van. Nasa bandang likod siya ng van nakaupo at pakiramdam niya ay mabato ang daan na tinatahak nila ngayon.

Madilim rin ang loob ng van kung kaya't hindi niya agad napansin na katabi niya pala si Ashley na wala pa ring malay.

Hindi niya alam kung anong oras na, napatingin siya sa labas ng van at madilim ang buong paligid kaya nalaman niyang gabi na ngayon.


Napatingin naman siya sa bandang harapan ng van. Mayroong tatlong lalaki.


"S-sino kayo? S-saan niyo kami dadalhin?" matapang na may halong kaba na tanong ni Chleo sa mga lalaki.

Lumingon naman ang isa sa mga lalaki. Namumukhaan ito ni Chleo, isa ito sa mga lalaking nakatayo sa backstage habang nakatingin kay Ashley.

"Tumahimik ka Miss kung ayaw mong masaktan" banta ng lalaki.

"Anong kailangan niyo?" tanong ni Chleo.

"Wala kaming kailangan sa inyo. Pero ang Master namin meron!" nakangising sagot nong lalaki.

"Sinong nag-utos sa inyo?"

"TAHIMIK!" sigaw ng isa pang lalaki kaya napaayos ng pagkakaupo ang lalaking sumagot kay Chleo.


Dahil sa pagsigaw ng lalaki ay nagising si Ashley, "A-aray" reklamo niya. Labis na napuruhan si Ashley sa pagsabog kanina.

"Ashley. Saan ang masakit sayo? Kaya mo pa ba?" nag-aalalang tanong ni Chleo. Hindi niya magawang alalayan si Ashley dahil nakatali ang mga kamay niya at hindi niya rin makita ang mukha nito dahil sa dilim.

"Chleo ikaw ba yan?" tanong ni Ashley sa nanghihinang boses.

"Ash, magpakatatag ka. May dumukot sa atin" pabulong na sabi ni Chleo para hindi masyadong marinig ng mga lalaki ang sinasabi niya.

"A-ano? B-bakit? Anong kailangan nila sa atin?"

"Hindi ko rin alam Ash. Hindi ko rin alam kung saan nila tayo dadalhin" napahinga naman ng malalim si Chleo. "Ash kumusta ang pakiramdam mo?" nag-aalala si Chleo dahil alam niyang lubhang napuruhan si Ashley. Nag-aalala siya na baka hindi nito makayanan ang mga tinamong sugat.

"Masakit ang katawan ko pero kaya ko pa" sagot ni Ashley.

"Sigurado ka ba?"

"Oo"

"Magpahinga ka lang diyan para kahit papano ay lumakas ka. Mag-iisip ako kung paano tayo makakatakas sa kanila."


'Ang dapat sana'y masayang graduation ng Agonicillio University ay nauwi sa trahedya. Isang grupo ng mga kalalakihan ang nagbomba ng skwelahan at walang habas na pinagbabaril ang mga tao na naroon sa naturang graduation blablablablabla'


Napahilamos ng mukha si Noel habang nakaupo sa bench na nandito sa loob ng police station. Alas nuwebe na ng gabi pero hindi pa rin nila alam kung nasaan sina Ashley at Chleo.

"Kuya huminahon ka" paalala ni Angel. Umupo siya sa tabi ng kapatid at inabutan ito ng tubig.

"Ang hirap kumalma. Gabi na! Sugatan si Ashley, ni hindi natin alam kung nagigising na ba siya, kumakain ba siya, o nagamot na ba ang mga sugat niya?" napahinga siya ng malalim at pilit na kinakalma ang sarili.

The Obsession of Three HeartsWhere stories live. Discover now