Chapter 29

246 5 0
                                    

Lumipas ang dalawa pang araw ay hindi pa rin pumapasok ng klase si Chleo. Nag-aalala na ang mga kaibigan niya. Maging si Ashley ay nag-aalala na rin.


"Hoy talaga bang nag-aalala ka sa Chleo na yon?" tanong ni Anna.

Nasa isang coffee shop sila. Nililibre ni Ashley si Anna ng kahit anong hilingin nito dahil nangako siyang ililibre ito sa sweldong nakukuha niya sa pagiging chatmate.

"Oo naman. Kahit hindi kami close classmate pa rin natin siya noh" sagot ni Ashley.

"Mag-aalala sa hindi ka close is okay, pero ang mag-alala sa taong nanakit sayo is not okay"

Napatitig naman si Ashley sa kaibigan. "Alam kong si Chleo ang nanakit sayo, kahit hindi mo sabihin sa akin ay nararamdam ko. Ewan ko sayo Ash, bawasan mo nga yang kabaitan mo. Minsan nalilito na ako sayo kung maldita ka ba o mabait" bwelta ni Anna.

"Mmmm both"

"Eeehhh besh ang creepy mo"

"Aaaarrrrggghhh matakot ka sa akin kakai-" napatigil sa kapilyahang ginagawa ni Ashley nang mamataan niya si Chleo na kakalabas sa isang mall na nasa tapat lang ng coffee shop.


Agad tumayo si Ashley. "Beshy saan ka pupunta?" tanong ni Anna.

"Sandali lang besh nakita ko si Chleo" agad siyang tumakbo palabas ng coffee shop. Naiwan naman sa loob si Anna dahil hindi niya pwedeng iwan ang laptop niyang nakacharge doon. Madali ring naglaho si Ashley sa paningin niya.


"Ashley ang pilya mo! Paano mo nagawang tumakbo ng mabilis ngayon? Pero kung sa PE ang eng-eng mong gaga ka. Iniwan mo pa ako dito" reklamo ni Anna sa HANGIN kasi wala naman siyang kausap.


"Chleo sandali" sigaw ni Ashley. Napatigil naman si Chleo na ngayon ay papasok na sana sa kotse. Agad tumakbo palapit kay Chleo si Ashley, hiningal siya sa kakatakbo.

"Bakit hindi ka pumapasok sa klase?" tanong niya.

"Matuwa ka na nga lang dahil wala na ako"

"Helow hindi ako natutuwa sa ganon. Pumasok ka sa klase" utos niya kay Chleo kaya tinaasan siya ng kilay nito.

"Bakit naman ako susunod sayo?"

"Dahil kung hindi isusumbong kita na ikaw ang tumulak sa akin"

"Edi isumbong mo"

Napakamot naman sa ulo si Ashley dahil hindi effective ang pananakot niya. Napaisip naman siya saglit. Akmang papasok na sa kotse ni Chleo ng magsalita si Ashley.

"Sasabihin ko kay Sir Bryan na crush mo siya" natigilan si Chleo kaya napangiting tagumpay naman si Ashley.

"Wag ka ngang gumawa-gawa ng kwento"

"Frustrated writer ako pero hindi ko ugaling gawan ng kwento ang isang totong tao. Pero kung magmamatigas ka, sasabihin ko talaga kay Sir Bryan lahat ng pananakot mo sa akin. Na ang dahilan lang ay nagseselos ka sa akin" mapanuksong sabi ni Ashley at sinabayan pa ng nakakaasar na pagkurap-kurap ng mga mata niya.

"Bwesit ka talaga!" inis na napasabunot naman sa buhok si Chleo.

"Kung na bwesit ka na sa akin ngayon, mas mabubwesit ka pa pag hindi ka pumasok. Kitakits nalang sa School Chleo. Bye" sabay alis.


"Chleo pumasok ka na" tawag ng lalaking nasa loob ng kotse.

"Sino ba 'yon? Kaibigan mo ba yon? Nakapagpaalam ka na ba sa kanya?"

"Hindi po dad"

"Sa tingin ko e reschedule nalang natin ang flight. Grumaduate ka muna, gusto rin kitang makitang maglakad sa stage"

"Hindi naman po ito ang gusto kong kurso dad kaya okay lang"

"Kahit na pinaghirapan mo parin yan. Isa pa alam ko ring hindi ka pa nakapagpaalam sa mga kaibigan mo."

"Okay dad, kung yan po ang desisyon niyo."



"Beshy ang bilis mong tumakbo kaloka ka " reklamo ni Anna nang makabalik si Ashley sa coffee shop. "Anong nangyari?"

"Mmmm, papasok na si Chleo sa school" masayang sabi ni Ashley.

"Ibang klase ka talaga. Kung ako sayo hinayaan ko ang bruhang Chleo na yon"



Naglalakad sina Anna at Ashley sa mall. Nakahawak si Anna sa braso ni Ashley.

"OMG! Besh tingnan mo showing pala ang 'Midnight Kisses" sabay silang napatakbo sa poster.

"OMG! gusto kong panuorin 'to" sabi ni Ashley. Nagkatinginan naman sila at sabay na tumawa. Agad silang bumili ng ticket. 7-10pm ang schedule ng film. Nagtext na rin sila sa kani-kanilang magulang na magagabihan sila sa pag-uwi.


Matapos ang movie.

"Grabi kinilig talaga ako!" sabi ni Anna na nakahawak pa sa pisngi nito.

"Ako nga rin. Naiyak rin ako sa part na umalis si girl"

"Ang sakit nga ng part na yon. Pero masaya akong nagkatuluyan talaga sila sa huli"

"Sana ganon lahat ng love story. Nagkakatuluyan"

"Sana magkatuluyan kami ni Louie at kayo naman ni Sir Bryan" kilig na kilig na sabi ni Anna.


"Ehem!" nagitla sila nang may tumikhim sa likod.

"Ay palaka!" sigaw ni Anna at sabay sila ni Ashley na napalingon si likoran. "Na gwapo, palaka na gwapo" dagdag ni Anna ng makita si Claude.

"Sobrang gabi na at nakuha niyo pang mag movie. Pwede naman sana kayo manood sa ibang araw" sabi ni Claude at hindi mabasa sa mukha niya kung galit ba siya o hindi.

Wala namang mapaglagyan ang kaba ni Ashley. Hindi niya rin alam kung saan siya kinakabahan. Sa biglang pagtikhim ba ni Claude, o dahil hindi nila mabasa ang emosyon ni Claude, o dahil mismo nandito si Claude na sobrang lapit sa kanya. Sa lahat ng dahilan na yon, puro si Claude yon.

Ngayon niya lang ulit nakita si Claude mula noong nakita niyang niyayakap nito si Angel.

"A-ano kasi na excite lang talaga kami ni Anna na manood. Di ba Anna?" nauutal si Ashley.

"O-oo n-naexcite kami" nauutal na rin si Anna. Ganon talaga sila pag kinabahan ang isa sa kanila automatic kakabahin na rin ang isa.

"Bakit hindi mo ko sinama?" tanong ni Claude.

"Ha?" sabay na tanong ni Ashley at Anna.

"Hays! Umuwi na nga tayo. Ihahatid na ko na kayo baka kung mapaano pa kayo sa daan."

Hindi pa man sila nakakapaglakad ay may biglang humawak kay Anna.

"Louie?" gulat na sambit ni Anna sa pangalan ng lalaking humawak sa kanya.

Matalim rin itong napasulyap sandali kay Claude.

"Maaari bang ako na ang maghatid sayo?" nahihiyang tanong nito sa dalaga.

"Oo naman" sagot agad ni Anna.

Napatakip naman ng mukha si Ashley dahil nagiging marupok at easy to get ang kaibigan niya.

In the end sumama si Anna kay Louie at hindi na nasurprise si Ashley doon.

The Obsession of Three HeartsWhere stories live. Discover now