Chapter 19

334 11 0
                                    

"Bakit mo tinanong si Noel ng ganon?" Nag-aalalang tanong ni Ashley kay Claude nang makapasok na siya sa kotse nito.

"Bakit girlfriend ka ba niya?"

"Hindi"

"Hindi naman pala eh"

"Pero nasa harap si Sir Bryan. Binuking mo na rin lang ako sa kanya" naiinis na sabi niya.

"Hindi ko naman alam na si Bryan ang isang lalaki. Isa pa wag ka ngang magpapahawak kung kani-kanino lang"

"Hindi naman sa nagpapahawak ako. Hindi naman ako na inform na hahawakan nila ako. Ano naman kung hawakan ako? Hawak lang naman!"

Inis na napatingin sa kanya si Claude. Napakagat nalang siya sa babang labi dahil mukhang nagalit niya ang dragon!

"Sa hawak nagsisimula ang ano" hindi na itinuloy ni Claude ang sasabihin.

"Ang ano?"

"Basta!" Sabi niya saka pinatakbo ang sasakyan.

Samantala naiwan naman sina Noel at Bryan sa tapat ng gate.

Akmang aalis na si Noel nang magsalita si Bryan.

"So you're not her boyfriend after all. But you act like a real one" sarkastikong sabi ni Bryan.

"Not now, but soon" bwelta ni Noel.

Napahilamos naman ng mukha si Bryan. "I won't allow that to happen"

"Then let see who will win. Me, you, or Claude?" Pagkatapos ay umalis na siya.

Napahigpit naman ang kamao ni Bryan na kanina pa namumuo.

Natuwa siyang malaman na hindi boyfriend ni Ashley si Noel pero nainis siya na malaman na gusto rin nito makuha si Ashley.

Di lang isa, pero dalawa pa ang karibal niya.

Sa kotse naman ni Noel.

"Sir, are you going to pursue Ashley? How about Selena?" Tanong ng PA niya na si George.

Hindi sumagot si Noel. Hindi niya rin alam kung bakit siya sumugod nang makita niyang hinawakan ni Bryan si Ashley.

Hindi niya rin alam kung bakit niya sinabing tingnan nalang kung sinong mananalo sa kanilang tatlo.

"I love Selena" yon lang ang sagot niya. Pero hindi siya sure.


Si Bryan naman ay bumalik sa classroom.

Natahimik ang mga estudyante nang bigla siyang pumasok.

"Pass your business plans" mababakas sa boses niya ang pagkairita.

"S-sir hindi pa po kami tapos" kinakabahang sabi ng isang babaeng estudyante.

"Finished or unfinished pass your business plan"

Wala namang nagawa ang mga estudyante.

May 30 minutes pa bago mag 5pm. Binasa ni Bryan ang limang business plan mula sa limang grupo ng kanyang klase. Pagkatapos niya mabasa yon ay ibinalik niya ito sa mga estudyante.

"Hindi pa sapat ang mga business plan niyo para pumasa. Ayosin niyo ang projects niyo"

Tumango naman ang mga studyante.

"Sa business plan dapat e consider ang possibility na magbago ang Market at ang pag exist ng Competitors. Dapat may plano kayo kung paano niyo haharapin ang mga possibilities na yon. Okay class dismiss"

Nang makalabas na ng room si Bryan.

"Hoy ano bang nangyayari sa prof natin?"

"Well, ba't di niyo tanongin si Ashley?" Sabat ni Chleo.

"Bakit si Ashley ang tatanongin namin?"

"Feeling ko kasi ang pag absent niya ang nagpatopak kay Sir Terrofi. Kung may dapat man sisihin dito si Ashley yon." Sagot ni Chleo.

"Wag mo isisi sa bestfriend ko ang nangyayari!" Pagtatanggol ni Anna kay Ashley.

Sarkastikong tumawa naman si Chleo.

"Bestfriend? Ni hindi mo nga alam kung anong nangyayari sa buhay ng tinatawag mong bestfriend!" Tapos ay umalis na siya.

"Wag mo nang pansinin ang haliparot na yon Anna" sabi ng isa nilang kaklase.

"Ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo niya kay Ashley!"

"Inggit lang yon"

"Oo nga!"

The Obsession of Three HeartsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum