Chapter 48

214 7 0
                                    

"Paano ba yan? Kitakits nalang siguro sa kasal!" pagbibiro ni Claude.



Nasa airport sila ngayon. Para na silang magkakabarkada kaya nalulungkot silang maghiwa-hiwalay na naman.



"Naku! Sa kasal naba tayo magkikita-kita ulit? Ang tagal pa! Pwedeng sa proposal nalang? Ako na ang bahala sa script kung paano e susurprise si Beshy!" pagbibiro na may halong totohanan ni Anna.




"Sa tinagal-tagal nating paghahanap sa kanya isang libro lang pala ang susi para mahanap siya" sabi ni Bryan. Hawak niya ang librong sinulat ni Ashley, na published ito four years ago pero ngayon lang nila nabasa.



Humawak naman sa braso ni Bryan si Chleo, "Sana pala four years ago nalaman na natin kung nasan siya kung mas maaga ko lang na discover ang libro na yan. Hindi ko naman kasi yan nakikita sa mga bookstores dati" sabi ni Anna. Mahilig mag basa ng novels si Anna lalo na't tungkol sa pag-ibig. Kaya nang makita niya ang librong "The Obsession of Three Hearts" sa isang bookstore na pinuntahan niya ay binili niya agad ito.



"Anna paano mo narealize na si Ashley ang sumulat ng libro gayong Three Deaths ang ginamit na pen name ni Ashley at iba rin ang pangalan ng mga Characters?" tanong ni Angel habang hawak-hawak ang kulay pink niya na maleta.



"Noong una ko siyang nabasa hindi ko pa napapansin ang mga scenes doon ay tunay na nangyari sa buhay ni Ashley. Pero nong nasa bandang gitna na ako ng story napapansin kong familiar talaga ang mga scenes. Na confirm ko yon sa part na kinidnap ang bida, ang lines ng dalawang babae doon ay yon yong pinag-usapan namin noon ni Ashley habang nakakulong sa isang kwarto" sagot ni Chleo. Natawa naman si Chleo sa sarili niya nang maalalang magsasabunotan pa pala sila ni Ashley kapag nakatakas sila sa mga kidnapers.



"Alam niyo ba sinabi sa akin ni Ashley noon na frustrated writer siya. Hindi ko yon pinansin noon, pero hindi ko akalain na makakasulat talaga siya ng kwento" dagdag ni Anna.







"Five minutes left! Tara na!" sabi ni Noel kay Angel.



"Bro" sambit ni Claude kay Noel na parang isang kapatid na para sa kanya. Lumingon naman si Noel at ngumiti. Naglakad papunta kay Noel si Claude at niyakap ito.



"Aaaaaahhh how sweet!" pangbabasag ng moment ni Anna sa dalawa kaya natawa na naman silang lahat.



"Masaya akong maayos na magtatapos ang LOVE SQUARE ninyo! Grabi ako ang naistress sa inyo dati!" reklamo ni Anna.

The Obsession of Three HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon