Chapter 16

371 14 0
                                    

"Sir Claude? What are you doing here?" Tanong ko.

Lumapit siya sa akin. Pinunasan niya ang mukha.

Nabigla ako sa ginawa niya at mag lalo pa akong nagulat nang magtagalog siya.

"Ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak? Inaaway ka ba ni Noel?"

Slang lang pakinggan pero tama ang grammar!

"N-nagtatagalog ka?"

"Nag-aral ako para maintindihan kita"

Wala na akong masabi. Nasa harapan ko na ngayon ang lalaking sa chat ko lang nakakausap dati.

"What are you doing here?" Tanong ni Claude sa lalaking nagngangalang Noel.

"I just want to assure that she's not a spy" sagot nito.

Whhhutt? Ako spy? Ano ako action star? Nakakaloka.

Nawala tuloy ang iyak ko dahil sa sinabi niya. Makokonsensya na sana ako dahil ginamit ko siya kanina tapos masama pala ang iniisip niya sa akin.

"Of curse she's not. Maybe you just misunderstood the Analysis she's doing. That was purely for educational purpose. I am not interested with your business though!"

"Really? Then why of all companies, she choose our company?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. OMG isa siyang Taylor?

"Mr. John Noel Taylor, she's one of your scholars so it's not surprising if she choose your company. You should be proud of her because she did a good analysis"

"Okay I'm sorry. I was wrong!" Napabuntong hininga si Noel.

"So she's not a spy. Then what is she to you?"

"She's my friend!" Sagot ni Claude.

Tumawa naman ng konti si Noel.

"I guess the real boyFRIEND is here" yon lang ang sinabi niya saka umalis.





Nasa isang coffe shop naman kami ni Claude.

"Bakit ka ba umiiyak?"

Ang cute niya magtagalog super. Mas gwapo pala siya sa personal.

"Feeling ko kasi ako na ang pinakasinungaling na tao sa mundo" sagot ko.

"Bakit naman?"

Ikenuwento ko lahat sa kanya.

"Mahal mo ba ang Bryan na yon?"

"Hindi pa, pero ang alam ko papunta na roon" sagot ko.

"Buti naman" narinig kong may sinabi siya pero napakahina ng pagkakasabi niya kaya hindi ko alam ano yon.

"Ano yon?" Puna ko sa kanya.

"Wala! Ang sabi ko wag mong iisipin yon"

Natahimik naman kami saglit.

"Bakit nga ba ayaw mo sa pangalan mo?" Tanong ko. Sabi niyang ishishare niya sa akin ang dahilan pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya sinasabi.

Hindi naman siya nagsalita.

"Okay lang na wag mo sa-"

"Dahil sa dad ko" sagot niya.

"Dad ko ang nagpangalan sa aking Zackary Jareth. Pero never ko naramdaman na daddy ko siya. Lumaki akong galit sa kanya dahil palaging umiiyak si mom"

Ganon na ba talaga kalalim ang pagkamuhi niya sa dad niya para maging ang pangalang binigay nito sa kanya ay ayaw niya.

"Kung pwede lang pati apelyido niya wag ko narin dalhin pero ayaw kong saktan si mom. Mahal niya si Dad kahit hindi siya mahal nito."

Naawa tuloy ako kay Claude dahil hindi masaya ang parents niya. Mayaman nga sila pero kapos naman sa pagmamahalan.

"Wag na nating pag-usapan ang malulungkot na bagay!" Sabi niya saka ngumiti na first time kong makita.

"Ayan dapat ngumingiti ka para gwapo kang tingnan. Lumalabas ang dimples mo oh"

Napangiti ako ng makitang namula ang mga tenga niya. Ang cute naman kapag na flattered siya. Hahaha!

"Smile pa" panunukso ko sa kanya at hindi na rin maawat ang ngiti niya dahil hindi ko siya tinantanan!



MULA SA ARAW NA IYON AY TULUYAN NANG NAGBAGO SI ZACKARY JARETH "CLAUDE" SCHNEIDER. HINDI NA SIYA ANG MALAMIG NA ZACK NA KILALA NG KARAMIHAN. SIYA NA ANG ZACK NA MARUNONG MAINIS, MAGSELOS, MAG-ALALA, NGUMITI, TUMAWA, AT MAGMAHAL!

HINDI PA MAN NIYA INAMIN SA BABAENG NAPUPUSUAN ANG KANYANG NARARAMDAM. ALAM NIYANG ITO NA ANG SIMULA NG MAS MALALIM PA NILANG SAMAHAN!


The Obsession of Three HeartsWhere stories live. Discover now