Chapter 20

378 17 0
                                    

"Alam ko na ang totoo hindi mo boyfriend ang foreigner na yon"

"Bakit ka nagsinungaling?"

"Anong dahilan mo Ashley? Ayaw mo ba talaga sa akin?"

"Bakit ka umiiwas sa akin?"

"Bakit ka gumagawa ng paraan para lumayo ako sayo?"

Sunod-sunod ang ginawang pagtext ni Bryan kay Ashley. Hindi rin alam ni Ashley paano siya rereplayan.

Kung tutuusin pwede naman niya sabihing may hawak na mga pictures si Chleo, pero ayaw niyang mag-alala si Bryan.

Nagulat siya nang mag ring na talaga ang phone niya. Nakita niyang tumatawag si Bryan.

Ni reject niya ang call.

"Sige e reject mo pa. Pupuntahan talaga kita sa bahay niyo" text ni Bryan.

"Nahihibang na ba siya?" Sabi ni Ashley sa kanyang sarili.

"Sinong nahihibang?" Nagitla siya ng biglang magsalita ang mama niya.

"W-wala po ma" pagsisinungaling niya.

"Kilala kita anak. May bumabagabag sayo" sabi ng mama niya at tumabi ito sa kanya.

"Ano ba yon anak? Pwede kang mag kwento sakin"

Nagdadalawang isip pa si Ashley magkwento. Never siya nag open ng lovelife sa mama niya dahil never pa naman talaga siya nagkalovelife.

"Ma ano kasi, may nagkakagusto sakin" nahihiyang sabi niya sa mama niya. Napangiti naman ang mama niya.

"Bakit ka malungkot?"

"Sinaktan ko po kasi siya ma"

Narinig niya ang pagbuntong hininga ng mama niya. "Normal lang naman talaga na masaktan o makasakit kapag nagmamahal ka"

Hinimas-himas nito ang ulo ng anak. "Ikaw ba may gusto ka rin ba sa kanya?"

Hindi siya nakasagot kaya natawa ang mama niya. "Sa tingin ko hindi ka pa sigurado"

Tumango si Ashley. "Sino ba kasi ang lalaking yan anak?"

"Professor ko po sa Marketing subject namin ma"

"Ano professor mo?" Gulat na tanong ng mama niya.

Napapikit nalang si Ashley at handa na siyang mapagsabihan ng ina niya.

"Bawal magkarelasyon ang estudyante at professor"

"Kaya nga umiiwas na ako ma pero-"

Hindi pa natatapos ni Ashley ang sasabihin ng mag ring ulit ang phone niya.

Pareho sila ng mama niya na napatingin sa caller ID sa screen.

"Sagutin mo na anak"

"Ano sasagutin ko?" Iba ang pagkaintindi niya sa sinabi ng mama niya.

Na gets naman nito na iba ang nasa isip ng anak. "Ang ibig kong sabihin sagutin mo ang tawag"

"Aaaah okay" napatango-tango naman si Ashley.

"Sige sagutin mo muna yan. Maghahanda lang ako ng hapunan natin" tumayo na ang mama niya at iniwan siya sa kwarto.

Huminga ng malalim si Ashley bago sinagot ang tawag.

"Hello Sir"

"Bakit hindi ka nagrereply?"

"Ano kasi Sir busy lang"

The Obsession of Three HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon