Chapter 1

1.4K 22 1
                                    

Sa isang makipot na iskinita, may isang babaeng hinahabol ang isang lalaki. Hindi niya kayang maabotan ang lalaki sapagkat mabilis itong tumakbo. Matangkad ang lalaki sapagkat ito ay isang dayohan.

Hindi lingid sa kanyang kaalaman na hindi niya talaga kayang tapatan sa takbuhan ang lalaking kanyang hinabol. Kung kaya utak ang kanyang gagamiting panangga.

Lumiko siya sa isa pang iskinita. Tatahakin niya ang ibang dereksyon upang maunahan ang lalaki sa patutunguhan nito.

Napansin ng lalaki na hindi na siya hinabol ng babae. Unti-unti na ring bumagal ang kanyang pagtakbo. Napatigil siya ng kanyang mapagtanto na pinagtitinginan na siya ng mga tao roon.

Hindi naman maiwasan ng mga ordinaryong tao na magtaka kung ano ang ginagawa ng isang dayohan sa kanilang lugar na maituturing isang squatters' area. Isang lalaking dayohan na matangkad at ubod ng kagwapohan. Nakasuot siya ng itim na tuxedo na siyang lalong nagpangibabaw sa kanyang kagwapohan.

"H-hi" nahihiyang bati niya sa mga mamamayan, kasabay namang sumilay ang isang maamong ngiti sa kanyang mga labi. Hindi naman maiwasan ng ilang mga kababaihan na nandoon na kiligin sa lalaking nasa kanilang harapan.

"Gotcha!" biglang sumulpot ang babaeng humahabol sa kanya mula sa kanyang likoran. Hinablot ng babae ang isang kulay puting flash drive na hawak-hawak ng lalaki.

Napakamot nalang sa ulo ang lalaki habang tinitingnan ang babaeng nasa kanyang harapan. Hanggang balikat niya lang ang tangkad nito. Kulot ang buhok at morena ang balat. Nakasuot naman naman ng puting tshirt at kulay asol na jogging pants ang babae na kadalasang suot-suot niya kapag nasa bahay lang siya.

Nakataas ang isang kilay ng babae habang pinagmamasadan ang lalaki. Akmang kukunin ulit ng lalaki ang flash drive ngunit agad inilagay ng babae ang flash drive sa kanyang dibdib at inipit ito sa suot niyang bra.

Napabuntong hininga na lamang ang lalaki, dahil batid niyang isang napakalaking kabastosan ang hawakan ang dibdib ng isang babae.

"Why did you snatch my flash drive?" Tanong ng babae. "What kind of relationship do you have with Claude?" Tanong naman ng lalaki.

"I asked first" bwelta ng babae habang nakahalukipkip.

"I want you to answer me first!" Bwelta rin ng lalaki at humalukipkip rin.

Sa inis ng babae tumalikod siya para iwan na lamang ang lalaki. Nabawi na niya ang flash drive kung kayat wala na siyang pakialam pa rito.

Ngunit napatigil siya ng magsalita muli ang lalaki.

"Are you his girlfriend?"

Napalingon siya muli sa lalaki nang nakakunot ang kanyang noo. Wari bang magdudugtong na ang kanyang mga kilay. Ilang saglit pa ay bigla siyang tumawa, na siya namang ipinagtaka ng lalaki.

"You know what Mister" panimula ng babae. Napamewang naman siya ngayon.

"Do you think someone like me would have any kind of chuchu relationship with Mr. Claude?" Sarkastikong tanong niya.

"If I stand beside Mr. Claude, I will look like" tumigil siya sandali sa pagsasalita at huminga ng malalim.

"Daddy daddy buy me some cotton candy. Daddy I want ice cream. Daddy I love that teddy bear" sabi niya habang gamit ang pinabatang boses at sinabayan pa niya ng pagsimangot ng kanyang mukha. Nagmumukha siyang isang spoiled na bata.

Hindi naman nakaimik ang lalaki. Maging ang mga tao sa paligid ay nakatangin sa kanya.

Nakaramdam siya ng hiya sa sarili kung kaya tumalikod siya at dali-daling naglakad papalayo.

Nang tumalikod ang babae ay saka naman sumilay ang ngiti at mahinang tawa ng lalaki.

"Sir, do you like her?" Agad napawi ang ngiti ng lalaki nang sumulpot ang isa pang lalaki. Pawis na pawis ito. Gaya niya ay nakasuot rin ito ng tuxedo.

"What are you talking?"

"Sir don't deny it anymore, I know you" panunukso ng kasama niya.

"If she don't have any relationship with Claude, you can actually court her" dagdag pa ng kasama niya.

Aangal na sana ang lalaki ng biglang may kamay na pumulupot sa kanyang mga braso. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang bumalik ang babae at nakahawak iyo sa kanya. Tila na istatwa siya sa ginawa nito.

"Babe, he's the person I am telling you. He won't stop following me. Babe please tell him to stop. I'm scared!"

Hindi nakapagsalita ang lalaki. Napatingin naman siya sa lalaking nasa harap niya ngayon na nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa braso niyang yakap-yakap ngayon ng babae.

Napatingin naman siya sa babae at binigyan siya nito ng just-go-with-the-flow-look. Napalunok na lamang siya ng laway dahil hindi niya nauunawan ang mga nangyayari.

"Hindi ako naniniwalang nobyo mo ang foreigner na yan" galit na sabi nong lalaki.

"Babe he won't believe that you are my boyfriend" pagdadrama ng babae saka yumakap na sa lalaking dayuhan. Napatakip nalang sa bibig ang isa pang lalaking dayuhan na may isang mapangahas na babae ang magagawang yakapin ng ganoon ang kanyang amo sa harap ng napakaraming tao.

"Kung totoong mag syota kayo, sige nga halikan mo siya" hamon ng lalaki.

Napalunok naman ng laway ang babae. Hindi pa man siya nakakapagsalit at hinawakan ng lalaki ang kanyang braso at hinila siya papalayo sa dayuhan.

Agad naman hinawakan ng dayuhan ang kanyang beywang upang hindi siya mahila papalayo ng isa pang lalaki.

"Don't you dare touch my girlfriend" banta ng dayuhang lalaki sa isa pang lalaki.

Awtomatiko namang napabitaw ang lalaki dahil sa boses ng dayuhan na parang isang galit na hari.

"Hindi pa tayo tapos" sabi ng lalaki sa babae bago ito umalis.

Napabitaw naman ang babae sa dayuhan.

"Who is he?" Tanong ng dayuhan.

"None of your business" sagot ng babae. Akmang aalis na ito pero pinigilan siya ng dayuhan.

"You used me and now you are saying this is none of my business"

Imbis sumagot ay tumulo ang luha ng babae na ikinabigla ng lalaki. Nag-alala tuloy siya para rito.

"Sorry please don't cry" natataranta niyang niyang pag-alo sa babae. Pinupunasan niya ang mga luha nito. Sinisinok na ang babae sa pag-iyak na mas lalo nagpapa-alala sa kanya.

Habang patuloy niyang pinupunasan ang mga luha nito ay may isang malakas pwersang tumulak sa kanya dahilan upang mapalayo siya sa babae.

Parehong nanlaki ang mga mata ng lalaki at babae nang makita kung sino ang tumulak sa lalaking dayuhan.

"Sir Claude?" Sambit ng babae sa pangalan nito.

The Obsession of Three HeartsWhere stories live. Discover now