Chapter 45

197 4 0
                                    

Nag-iimpake ngayon si Noel at Angel.

"Kuya sigurado ka ba sa gagawin natin?" nag-aalalang tanong ni Angel.

"Kailangan kong subukan" sagot ni Noel.

"Papayag kaya si daddy sa hihilingin mo? Ikakapahamak natin ang gagawin mo kuya"

"Susubukan ko pa rin" nagpatuloy sila sa pag-iimpake. Kinakabahan man si Angel sa gagawin ng kuya niya, suportado pa rin niya ito. Gaya nong ginawa ni Noel na pagsuporta sa kanya noong baliw na baliw pa siya kay Claude.


Nang matapos sila sa pag-iimpake, "Kuya hindi ka ba magpapaalam kay Ashley?"

"Makakaya ko bang hindi siya makausap bago ako umalis?" patanong na sagot ni Claude na ikinakilig naman ng kapatid niya.



Naabutan nila si Ashley na may tinatype sa laptop habang binabantayan si Chleo sa hospital.

"Ash" tawag nila. Nagulat si Ashley at dali-daling isinara ang laptop.

"Ano ba yang ginagawa mo? Tapos na ang iyong klase" pabirong sabi ni Angel.

"Wala, nagsusulat lang ng kwento" sagot ni Ashley.

"Talaga? Pwede ko bang mabasa?" na eexcite na tanong ni Angel.

"Oo naman pero tatapusin ko muna" 

"Aasahan ko sa pagbabalik namin tapos na iyan ha"

"Pagbabalik? Aalis kayo?"

"Oo babalik kami sa US"

"Aaaah ganun ba" malungkot na response ni Ashley.


Hinawakan ni Noel at kamay niya at dinala sa rooftop ng hospital.

"Kailan kayo babalik dito?" tanong ni Ashley kay Noel. Pareho nilang nilalasap ang malamig na hangin sa rooftop. Alas 3 pa lang ng hapon pero hindi mainit ang panahon.

"Depende kung mahahanap ko agad ang sagot sa tanong ko" sagot ni Noel.

"Anong tanong?" napalingon si Ashley kay Noel. Tumatama ang ilang hibla ng buhok nito sa kanyang kilay dahil sa ihip ng hangin.

"Kung bakit nagpakasal si Claude kay Selena?"

"Bakit gusto mong malaman?"

"Para patunayan sayo na hindi kagustuhan ni Claude ang magpakasal sa iba at ikaw lang ang mahal niya."

Napayuko si Ashley "Hindi mo naman kailangan gawin yan"

"Gusto ko pa rin gawin para sayo"

Tumingala si Ashley para tignan si Noel "Wag mo na gawin to para sa akin. Hindi ko naman hinihiling" may namumuong luha sa kanyang mga mata.

"Kahit hindi mo hilingin handa ko pa rin gawin para sayo"

Hiniwakan ni Noel ang mukha ni Ashley at Pinisil ang pisngi nito.

"Pwede makahingi ng pisngi?" pagbibiro ni Noel. Natawa naman si Ashley.

"Loko! Ang seryoso na ng usapan natin, bigla ka naman nag iba ng topic"

"Ayaw ko lang na umiyak ka kasi mukha kang batang iniwan ng nanay"

"Grabi ka naman!" reklamo ni Ashley.

"Yakap nga bago ako umalis" mahigpit na niyakap ni Noel si Ashley. Maaari kasing ito na ang huling yakap niya sa dalaga.



Isang linggo ang lumipas. Nagbunga rin ang pag-iimbistiga ni Noel. Nalaman niya na binihag pala ni Eross ang mommy ni Claude kaya ito pumayag na magpakasal.


Seryosong nakatingin si Claude sa monitor ng Computer niya. Sinusubukan niyang makuha ang video na sinend ni Eross kay Claude para magsilbi itong ebidensiya para mapawalang bisa ang kasal ni Claude at Selena.



Kinakausap ngayon ni Noel ang daddy niyang si Thunder Taylor.

"Why are you asking for this?" seryosong tanong ni Thunder sa anak niya.

"Because I love the woman who loves Claude. I want her to be happy with Claude" nagpapakatotoo si Noel sa dad niya.

"What you are asking will put our family in danger. Eross cannot touch us because we hold his mother hostage and now you are asking to set her free in return for the freedom of Miranda"

Napayuko nalang si Noel dahil mukhang hindi papayag ang dad niya.

"I am so proud of you son" napaangat ang noo ni Noel dahil sa sinabi ng daddy niya.

"I am so proud that you grow humble and gentle. That woman you love is so lucky." patuloy ni Thunder "But we don't need to set Olly free now."

"What do you mean dad?"



Pumasok sa opisina si Reymond na siyang ikinapagtaka ni Noel.

"Sir Reymond anong ginagawa niya rito?"

"Narito ako para maghiganti kay Eross"




Naglalakad papasok ng hospital si Bryan nang may biglang dumukot sa kanya. Tinakpan ng panyo ang kanyang bibig at ilong na agad niyang ikinawalan ng malay.


Nagising si Bryan sa isang madilim na kwarto. Nakaupo siya sa isang silya at nakatali ang kanyang mga kamay patalikod sa silya. Nakatali rin ang kanyang mga paa. Tinakpan rin ng tela ang kanyang mga mata.


"Pakawalan niyo ko rito. Anong kailangan niyo sa akin?" matapang na sigaw ni Bryan pero walang sumagot sa kanya.




Hindi makapaniwala si Noel sa nakikita niyang video ni Bryan na binibihag.

"Sir Reymond b-bakit niyo dinakip si Bryan?" nagtataka si Noel.

"Wag kang mag-alala hindi ko siya sasaktan. Gagawin ko lang siyang panakot kay Eross" sagot ni Reymond na mas nagpagulo sa isip ni Noel.

"Anong? Bakit naman matatakot si Eross?"

"Dahil anak niya sa Bryan!"

"Paanong?" hindi makapaniwala si Noel sa narinig niyang sinabi ni Reymond.



Matalik na magkaibigan dati si Eross at Reymond. Nagkaroon lang ito ng lamat nang maging pinuno si Eross sa lihim na organisasyong kinabibilangan nito

Mas naging matindi pa ang lamat ng pagkakaibigan nila ng minsang dukotin ni Eross ang asawa ni Reymond na siyang tunay na mommy ni Chleo. Sunod-sunoran kay Eross ang mga rebelde, militar naman ang ama ng asawa ni Reymod kaya binihag nila ito. Ang masakit pa ay pinatay nila ang asawa ni Reymond. Mula noon ay tuluyang naputol ang ugnayan ni Reymond at Eross.

Hindi nag-isip na maghiganti si Reymond kay Eross dahil naging kaibigan pa rin niya ito noon ngunit hindi niya inaasahan na mauulit ang nakaraan. Gaya ng asawa niya ay dinukot rin ang anak niyang si Chleo ng mga rebelding nasa ilalim ng kapangyarihan ni Eross. Hindi man sinadya ni Eross ngunit nasaktan pa rin si Chleo. Oras na para pabagsakin niya si Eross.

The Obsession of Three HeartsWhere stories live. Discover now