Chapter 31

239 7 0
                                    

Nang makapasok na sina Ashley at Anna sa loob ng boutique agad napansin ni Ashley ang isang lalaking nakatayo malapit sa cashier.

Lumapit siya sa lalaki para tingnan ng mabuti ang mukha nito.

"Jerald?" nagtatakang tanong ni Ashley sa lalaking nakatayo. May katangkaran ito at matipuno rin ang pangangatawan nito.

Dahan-dahan namang napatingin ang lalaki kay Ashley. "Ashley?" sambit niya sa pangalan ni Ashley sabay ngiti at lumabas ang dalawang dimples sa magkabilang pisngi niya.

"Ikaw ngaaaaa" nasasabik talaga si Ashley na makita si Jerlad kaya agad siyang napayakap ng mahigpit dito. Yumakap din pabalik si Jerald kay Ashley.

"Baklaaaaa, bakit naging lalaki ka naaaaa?"

"Gulat ka noh?" sabi ni Jerald at napawink pa.

"So ano pwede na ba kita ligawan?" pagbibiro ni Ashley.

"Yuck! In your dreams" reklamo ni Jerald.

"Ito naman over ka namang mandiri sa akin" humawak naman siya sa braso ni Jerald dahil miss na miss na niya ito.

"Buti ka pa Jerald nagbago ka. Yang si Ashley pilya pa rin" sabat ni Anna.

"Halata nga eh! Hindi nag mature ang gaga!"

"Grabi naman kayo sa akin" pasimangot na reklamo ni Ashley dahil pinagtutulungan siya ng dalawang kaibigan.

Matalik na kaibigan rin ni Anna at Ashley si Jerald. Lagi silang magkasama noong high school, nahiwalay lamang si Jerald sa kanila nang tumungtong na sila sa College dahil sa Cebu pinag-aral si Jerald ng lola niya.

Bakla si Jerald at mahilig itong magdamit pangbabae noong high school. Payat rin siya taliwas sa matipuno niyang pangagatawan ngayon at lalaking-lalaki na ang kanyang anyo.

"Hi Ashley" napatigil sa pangungulit si Ashley kay Jerald ng binati siya ni Angel. Hindi siya agad nakatugon sa pagbati nito. Mula nang makita niyang magkayap si Angel at Claude sa hospital ay hindi na niya muling Nakita si Angel.

"H-hello" napipilitan niyang bati rito. Gusto niya si Angel noong una dahil maganda ito, pero ngayon ay naiirita na siya rito. Nakokonsensya naman siya sa nararamdaman niya dahil wala namang ginagawang masama si Angel para iwasan niya.

"Kumusta ka na Ashley?" napanganga naman si Ashley dahil sa pagtatagalog ni Noel.

"Mamimili ka rin ba ng gown?" tanong ni Angel na mas nagpanganga kay Ashley.

"Nagatatagalog kayo?" gulat na gulat na tanong niya.

Sunod namang pumasok sa boutique si Claude. Bakas sa mukha nito na wala ito sa mood.

Magtatanong sana si Ashley kung bakit nandito si Claude pero hindi niya itinuloy.

'Malamang nandito siya kasi sinasamahan niya si Angel' sabi niya sa kanyang sarili at ibinaling ulit ang atensiyong kay Jerald.

Hindi nalang pinansin ni Ashley ang mga foreigner at nakikipagchikahan nalang siya kina Jerald, Anna, at ilan sa mga staffs ng boutique.

Si Claude at Noel naman ay hindi maiwasang mapatingin kay Jerald. Tinuturi kasi nila itong karibal.

Napansin naman ni Angel ang palihim na pagsulyap ng kuya niya kay Ashley at Jerlad.

"Kuya, kung nais mong suntukin ang lalaking iyon. Susuportahan kita" sabi ni Angel, napakalalim niyang magtagalog dahil na rin sa nag tutor sa kanilang makapilipino talaga.

"Manahimik ka nga diyan. Nais mo bang may makarinig sa iyong mga hindi kanais-nais na pinagsasabi" suway ni Noel sa kapatid. Habang pa as if na tumitingin sa isang wedding gown na suot ng isang manikin.

"Ikaw ay binibiro ko lamang. Pero pwede mo ring tutuhanin ang biro ko. Bakas na bakas sa iyong mukha ang matinding paninibugho!"

Alam na ni Angel na may gusto ang kapatid niya kay Ashley. Bilang kapatid suportado niya ito. Mas gugustuhin niyang mahumaling si Noel kay Ashley kumpara kay Selena.

"Nais mo lang magkatuluyan kami ni Ashley upang magkaroon ka ng pagkakataon kay Claude"

"Alam mo kuya, kinalimutan ko na si Claude. So do you want me to cheer for Claude instead of my own brother?"

"Syempre hindi"

"'Yon naman pala!"

"Sir do you like the gown?" tanong ng isang staff kay Noel.

Agad namang napabitaw si Noel sa gown, hindi niya rin napansin na kanina pa siya kunwaring tumitingin-tingin doon.

"Nais niyang ipasuot yan sa babaeng nais niyang pakasalan" sabi ni Angel sa Staff.

"Anong iyong pinagsasabi? Wag ho kayong maniniwala sa mga kasinungalingang pinagsisiwalat ng aking kapatid"

Naglakad naman si Noel at umupo sa isang sofa. Sinundan naman siya ni Angel para kulitin.

"Bakit mo itinatanggi? Hindi mo na ba naaalala ang sinabi mo sa isang babae noon na gusto mo siyang makitang suot-suot ang wedding gown na tinatanaw nito dito mismo sa boutique na ito?"

Napangiti naman si Noel ng maalala ang bata na iyon.

"Sana Makita ko siya muli" sabi ni Noel.

"Paano mo makikita ni hindi mo na nga maalala ang kanyang wangis"

"Sana Makita kong suot-suot niya ang singsing na aking ibinigay sa kanya ng sa ganon ay makilala ko siya"

"Paano mo naman matutukoy na iyon ang singsing na ibinigay mo? Maraming kawangis ang singsning na iyon"

"Naiiba ang singsing na iyon dahil nakaukit doon ang aking kaarawan 12/25/1997"

"Paano si Ashley kapag Nakita mo ang babaeng yon?" napataas ng kilay naman si Angel.

"Ewan ko" napakibit balikat naman si Noel.

"Ikaw ay hindi hindi tapat sa iyong nararamdaman kuya" reklamo ni Angel.

"Bakit ikaw tapat ka ba kay Claude? Bakit mo siya sinukuan?"

Napahinga naman ng malalim si Angel "Sapat na siguro ang sampung taon kong paghahabol sa kanya at wala pa ring magandang nairesulta"

Tinapik naman ni Noel ang balikat ng kapatid bilang pakikiramay sa namatay nitong pag-asa.

Napatutulala naman bigla si Angel sabay sabing "Kuya ang ganda ni Ashley"

The Obsession of Three HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon