Chapter 8

406 14 0
                                    

"Sir here is Mr. Carlo Manabat. He is a Filipino Professor in Djuisian University"

Seryoso namang nakatingin si Claude sa professor na nasa kanyang harapan. Isa itong Pilipino at nasa edad 80 na.

"Okay thank you Miss Bieber, you may leave us"

Lumabas naman ang kanyang sekretarya at naiwan silang dalawa ng professor sa opisina.

"Okay Mr. Manabat I want you to teach me Filipino language" panimula ni Claude.

"And I want to learn it within 2 weeks" dagdag pa niya.

Tumango naman ang propesor. Wala silang sinayang na oras at agad sinimulan ang pag-aaral.

Sa labas naman ng opisina.

"Ma'am you cannot enter Mr. Schneider's office. He is busy right now" sabi ng sekretarya.

"Busy of what?" Mataray na tanong ni Angel sa sekretarya. Isang napakalaking kabaliktaran ng kanyang pangalan at maamong pagmumukha ang kanyang ugali.

Nagpupulit siyang pumasok pero hinaharangan siya ng sekretarya.

"Get out of my way. I am the future Mrs. Schneider so let me go inside" sigaw niya sa sekretarya.

Napalingon naman siya sa likuran ng may narinig siyang palakpak.

"Who told you? That you are the future Mrs. Schnieder?" Sarkastikong tanong ng isang sexing babae na nakapulang dress kung saan makikita ang gifted na cleavage nito. Pulang-pula ang labi nito dahil sa lipstick, nakasuot siya ng shades at maganda rin ang pagkakakulot ng kanyang buhok.

Napatulala naman ang sekretarya ng marealize kung sino ang babaeng yon.

Walang iba kundi ang sikat na aktres na si Selena Ashleana Laveign.

Hindi niya inaasahan na magpupunta ang sikat na aktress na ito sa kanilang opisina.

"What are you doing here?" Matapang ma tanong ni Angel.

"Visiting my future husband" bwelta ni Selena at hinubad ang kanyang sunglasses.

"Dream on"

"You have to tell that to your self"

"Are you cheating on my brother?"

"We don't have relationship either, so I am not cheating on him"

Hindi naman nakasagot si Angel dahil alam niyang hindi pa sinasagot ni Selena ang kuya niya.

Naglakad papasok sa office si Selena pero hinarangan din siya ng sekretarya.

"Don't you know me?" Tanong niya sa sekretarya.

"I'm sorry Miss Selena but Mr. Schneider is really busy. He told me not to allow any guest for the next two weeks" sagot ng sekretarya.

"I don't care!" Sabi ni Selena at itinulak ang sekretarya.

Dali-dali siyang naglakad papasok sa opisina ni Claude. Sumunod rin si Angel.

"Guard stop them" sigaw ng sekretarya at agad namang sumunod ang mga guards sa kanya.

Pinigilan nila ang dalawang babae bago pa man ito makapasok.

Agad nila ito hinila patungo sa elevator. Nagpupumiglas silang dalawa. Hindi naglaon ay sumuko na rin sila dahil ayaw nilang makita ng ibang tao na kinakaladkad sila palabas sa opisina ni Claude.


"Mr. Schneider may I ask you something?"

"Yes, go on Mr. Manabat"

"Why do you want to learn our language?"

Hindi agad nakasagot si Claude. Sa totoo lang hindi niya rin alam kung bakit. Siguro ay nadala lang talaga siya sa inis ng hindi niya maintindihan ang mga pinagsasabi ni Ashley.

Bago pa man siya makapagsalita ay nagchat si Ashley. Nabasa niya sa notification ang message nito nagpangiti sa kanya.

"Good morning Zackary :)"

Napatingin siya kay Mr. Manabat na nakangiti ring nakatingin sa kanya. Agad naman niyang binawi ang ngiting iyon at napatikhim.

"I just don't like someone speaking bad things against me on my front without understanding what he/she said" sagot niya at kinuha ang isang librong naglalaman ng English - tagalog transalations.

Nagpatuloy sila sa pag-aaral nang tumunog ulit ang celphone niya.

Nakita niyang napasulyap si Mr. Manabat sa Celphone kaya binaliktad niya ang phone. Para hindi makita ni Mr. Manabat ang mga notifications sa screen nito.

Sunod sunod itong tumunog at alam niyang si Ashley yon. Gustong gusto niyang basahin ang messages pero nasa harapan niya si Mr. Manabat kaya hindi niya binasa yon.

"Why don't you reply to your baby first?" Nakangiting tanong ng matanda kay Claude. May halong panunukso ang ngiti niya.

"S-she's not my baby" for the first time ay nautal si Claude.

Tuluyan nang natawa si Mr. Manabat sa reaksyon ni Claude.

Labing limang taon na rin ang lumipas mula nang huli niyang makita ang emosyon ni Claude. Sa loob ng Labing limang taon isang malamig na Claude ang nakikita niya. Isang Claude na parang robot ng negosyo. At ngayon isang Claude na namumula ang tenga ang nakikita niya.

The Obsession of Three HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon