Chapter 18

339 15 0
                                    

Agad tumakbo papuntang rooftop si Ashley. Pagdating niya roon ay nakita niyang nakaupo sa sahig si Bryan.

Nakapatong ang mga braso nito sa tuhod at nakayuko.

Parang dinudurog ang puso niya habang nakikitang nagkakaganito si Bryan dahil sa kanya.

Dahan-dahan siyang naglakad papalapit dito.

"Sir" sambit niya sa mahinang boses.

Napatingala naman si Bryan sa kanya. Namamaga na ang mga mata ng binata.

Tumayo si Bryan.

"Totoo bang boyfriend mo yong foreigner na yon?"

"Sir"

"Ash sana sabihin mo ang totoo. Masama ang magsinungaling"

Napapikit nalang sa konsensya si Ashley. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin ang totoo.

Narinig niya ang paghinga ng malalim ni Bryan.

"Wala akong pakialam kahit may boyfriend ka pa at kung sino man siya!" Matapang na sabi ni Bryan.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Aagawin kita sa kanya!"


Sa klase.

"When you are doing your advertisement you have to consider the bla bla bla bla bla"

Hindi nakakapag focus si Ashley sa discussion dahil binabagabag siya sa sinabi ni Bryan kanina.

"Hoy besh ba't parang lutang ka diyan?"

"Ha? Bakit mo nasabi?"

"Hindi ka nag tatake notes eh" sagot ni Anna sabay turo sa notebook ni Ashley na nakabukas nga wala namang laman.

"Wala may pumasok lang na ideas sa utak ko. Parang may gagawin ata akong revision sa project ko" palusot niya.

"Hays iba talaga pag matalino. Sana all may pumapasok na ideas sa utak!"

Tinawanan na lang niya si Anna.

"Sino nga palang Prof natin sa susunod na subject?"

"Si Sir Terrofi, hoy Besh nagiging makakalimutin ka na ba?"

"Besh CR lang ako ha" nagmamadali siyang tumayo at niligpit ang mga gamit niya.

10 minutes later!

Pumasok na si Bryan sa room. Napakunot ang noo niya dahil wala si Ashley.

"Who's absent?" Tanong niya sa klase.

"Wala pong absent Sir" sagot ng mga estudyante niya.

"Where is Ms. Villarez?" Napakurap-kurap naman ang estudyante dahil ngayon lang nila narinig na tinawag ni Bryan si Ashley sa apelyido nito.

"Aaahm Sir nag CR lang po" kinakabahang sagot ni Anna.

Lumipas ang limang minuto ay hindi nagsimula ng klase si Bryan. Sobrang tahimik rin ang buong room dahil sa kakaibang tensyon na nararamdaman nila.

Kanina pa tinetext ni Anna ang kaibigan pero hindi ito nag rereply.

"Besh nafefeel ko na ang tension. Mukhang nagalit mo si Sir Terrofi! Bumalik ka na. Ba't ang tagal mo mag CR?"

Biglang tumayo si Bryan at napabuntong hininga.

"Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang umaabsent sa klase ko ng walang dahilan! Meron bang mag C-CR ng limang minuto na? Walang lalabas hangga't wala pang 5pm. Gawin niyo ang business plan niyo!"

Lumabas siya ng room para magpunta sa CR.

Nagkatinginan naman sa isa't isa ang mga estudyanting naiwan.

"Hala nagalit ata si Sir dahil kay Ashley"

"Nasaan ba kasi siya?"

"Hindi ko alam"

"Hayaan niyo nalang gawin nalang natin ang business plan para hindi magalit si Sir sa atin"

Samantala nasa labas na ng gate si Ashley hinihintay niya si Claude. Chinat niya ito kanina na wag siyang sunduin dahil maaga siyang uuwi pero nag insist ito na sunduin siya.

Hindi niya alam na namataan na pala siya ni Bryan at papunta na ito sa kanya.

"Bakit hindi ka pumasok?" Tanong ni Bryan sabay hawak sa braso ni Ashley.

Gulat namang napatingin si Ashley sa kanya.

Bigla namang may pumagitna sa kanila at hinawakan nito ang braso ni Ashley gamit ang isang kamay at ang isang kamay naman nito ay humawak sa braso ni Bryan.

"I told you, don't touch my girlfriend!" Sabi ni Noel sabay alis sa pagkakahawak ni Bryan sa braso ni Ashley.

Hindi pa man nakakarecover sa pagkagulat si Ashley nang may humawak rin sa kabilang braso niya at hinila siya.

"Who told you she's your girlfriend?" Tanong ni Claude kay Noel.

The Obsession of Three HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon