Chapter 28

264 8 1
                                    

"Don't you dare tell anything I don't like to Ashley" banta ni Claude kay Angel.

"Why?" nanginginig na ang mga kamay ni Angel. "Why you do you love her. You just met her a months ago. How can you love her within a small span of time?" hindi na niya napigilan ang maiyak.

"I don't know"

"Why can't you love me? You know me for years?"

"I'm sorry Angel. But if you really love me, you will not force your self into me. I don't want to give false hope to you that's why I am honestly rejecting you in my life. I hope you understand me."

Tumango naman si Angel habang patuloy na umaagos ang luha niya. "C-can I hug you? For the first and last time?"

Unti-unti namang naglakad palapit kay Angel si Claude at niyakap ito.


Hindi nila alam na nakita pala ni Ashley ang tagpong iyon. Agad naman siyang bumalik sa kwarto.


Hindi niya maintindihan kung bakit kumikirot ang puso niya at kung bakit naiinis siya sa nakita niya.

"Friend raw kami pero hindi niya naman sinabi sa akin na may girlfriend pala siya" inis na sabi niya sa sarili saka humiga sa kama.

Narinig niya ang unti-unting pagbukas ng pinto at ang dahan-dahang paglalakad ng taong pumasok papalapit sa kama niya.

Nang ito ay makarating malapit sa kama ay huminto na ito, narinig naman ni Ashley ang paghinga nito ng malalim tapos ay naramdaman niya ang marahang paghipo nito sa kanyang ulo.

"You must recover early" sabi ni Noel.

Hindi man aminin ni Ashley na inaasahan niyang si Claude ang dumating, pero hindi niya maitatangging na disappoint siyang si Noel ang pumasok sa kwarto.

'Bakit naman siya babalik agad? Kasama niya nga ang girlfriend niya' sabi niya sa kanyang utak.


Sa sumunod na araw ay pinayagan na ng doctor na umuwi si Ashley.

"Anak sigurado ka bang okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Rowena sa anak habang inaayos ang higaan nito.

Napansin niya kasing napakatahimik ni Ashley mula pa kahapon.

"Opo ma, ayos lang ako. Iniisip ko lang ang mga lessons na na missed ko sa school" matamlay na sagot ni Ashley.

"Wag naman puro aral ang isipin mo anak." paalala ni Rowena.

Ngumiti naman si Ashley dahil sa sinabi ng ina niya. "Hindi naman laging pag-aaral ang iniisip ko ma"

"Oo nga! Kung hindi pag-aaral, racket naman, at kung hindi racket, KAPILYAHAN naman!" diniinan talaga ni Rowena ang pagkakabigkas ng 'kapilyahan' kaya natawa si Ashley.

"Pareho naman kayong pilya at pilyo ni papa kaya wag kayong mag expect ng matinong anak" bwelta ni Ashley.

Natuwa naman si Rowena dahil nagagawa na ni Ashley na magbiro.

Nagbabasa naman si Ashley ng balita sa celphone niya nang biglang sumulpot sa harap niya si Anna.

"Beshy pumasok na ako agad, busy kasi si Tita sa chikahan eh nahihiya akong isturbuhin"

Nakasanayan naman talaga ni Anna na basta-basta nalang pumasok sa bahay nila Ashley dahil feel at home na siya dito.

Napansin naman ni Ashley na may dala-dala ang kaibigan.

"Ano yan?" tanong niya rito.

"Ah ito ba?" iniabot naman ni Anna kay Ashley ang isang box ng Mister Donuts "Pinabibigay ni Mr. Waiting Shed" kinikilig na sabi ni Anna.

"Sabi niya pagaling ka agad dahil miss ka na niya" dagdag pa niya.

Tinaasan naman siya ng kilay ni Ashley.

"Maniwala ka sinabi nga niya yon. Ang havaaaa talaga ng buhok ng BFF ko" pang-aasar nito kay Ashley sabay haplos sa buhok nito. Napatingin naman siya sa sahig at napa-iwas-iwas "beshyyyy sorry hindi ko sinasadyang apakan ang NAPAKA haba mong hair" banat pa niya habang napatakip sa bibig.

"Gaga ka talaga" natatawang sabi ni Ashley.

"Mas gaga ka!" bwelta rin ni Anna dahil alam naman nilang dalawa na mas pilya talaga si Ashley.

"Ano ba yang binabasa mo at napakaseryoso mo naman?" usisa ni Anna.

"Anti-terrorism act of 2020" sagot ni Ashley.

"Grabi nagbabasa ka ng ganyan. Ang haba niyan" reklamo ni Anna.

"Hindi ko naman babasahin lahat, na curious lang ako"

"Dapat mo ngang basahin yan besh dahil sa kapilyahan mo baka mapagkamalan kang terorista balang araw" pang-aasar ni Anna.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Ashley, "Kapag ako naging terorista ikaw ang unang-una kong bibihagin gaga ka"

"Walang ganyanan beshy di ka naman mabiro"



Sa School.

Masayang sinalubong ng mga kaklase si Ashley, masaya ang mga ito dahil bumalik na ang tagapagligtas nila sa mga assignments at project.

Hindi siya nahatid ngayon ni Claude dahil naging busy ito sa negosyo, bagay na ikinadismaya niya ulit.

Nag ring ang phone niya, heto na naman siya umaasa na si Claude ang tumatawag pero nadismaya ulit siya dahil hindi ito si Claude pero ang mama ni Claude.

"Hello Ma'am"

"Hello Ashley, I'm glad you're okay. I'm really sorry I wasn't able to visit you at the hospital because I was very busy with something" sabi ni Miranda sa kabilang linya.

"It's okay Ma'am. Knowing your concern about me is more than enough to make me feel better"

"What a sweet child. How I wish you could be more than friends with my son"

Hindi naman nakaimik si Ashley sa sinabi ni Miranda. Deep down in her heart, umaasa rin siya ayaw nga lang niya aminin.

"Ashley I'm sorry" sabi ni Jenny habang nakayuko. Sa kanilang tatlong magkakaibigan, si Jenny ang pinaka madaling makonsensiya. Siya rin ang pumupuna minsan kina Chleo at Mary kapag may gagawin itong hindi maganda.

"Wala yon. Hindi naman ako galit" sabi ni Ashley at nginitian sa Jenny.

"Magalit ka naman Ash. Mas lalo akong nakokonsensya sayo eh"

"Ayaw ko lang talaga mag-ipon ng sama ng loob. Nagpapasalamat nga ako sayo dahil ikaw ang unang sumaklolo sa akin"

Noong oras na nabagok si Ashley at tumumba, nakapikit man siya ay naririnig pa rin niya ang mga nangyayari sa paligid. Naramdaman din niya ang paglapit ni Jenny sa kanya at ang ginawa nitong pagdampi ng panyo sa kanyang noo na dumudugo.

Alam niya ring hindi sinasadya ni Chleo na saktan siya ng ganoon ka grabi. Kaya hindi niya rin sinumbong si Chleo.

"Bakit ka malungkot?" tanong ni Ashley kay Jenny dahil napansin niyang matamlay ito.

"Mula kasi noong naaksidente ka ay hindi na pumapasok si Chleo"

"Ano? Nasaan siya?"

"Hindi namin alam"

The Obsession of Three HeartsWhere stories live. Discover now