Chapter 49

244 8 0
                                    

"Hi" bati nong bata kay Noel. Ngumiti ito sa kanya, mukhang manika yong bata. "I am happy to see my mommy's friend" dagdag pa nong bata.

Hindi pa rin nagsasalita si Ashley, maging si Noel ay hindi rin nagsasalita kaya si Angel na ang pumansin sa bata.

"Hi baby, I'm your mommy's friend. My name is Angel, how about you? What is your name?" nginitian rin ni Angel ang bata na mukhang gumaan agad ang loob sa kanya.

"My name Athena, I am 4 years old" magiliw na sagot ng bata. Napalunok naman si Angel may gusto siyang itanong ngayon.

"Who is your daddy?" tanong ni Angel sa bata.

Napalingon naman sa kaliwa ang bata sabay sigaw "Daddyyyy you're here"

Ibinaba naman ni Ashley si Athena at agad itong tumakbo sa lalaking papalapit sa kanila.


Walang kurap at hindi makapaniwalang nakatitig sina Noel at Angel sa lalaking papalapit sa kanila na walang iba kundi si. . . .




"Jerald?" sabay na sambit nila Noel at Angel.

"Nandito pala kayo?" tanong ni Jerald. Pormal na pormal ang pananamit nito na tila galing sa isang business conference.

"Daddy I miss you so much. Super tagal mo bumalik!" pagpapacute ni Athena.

"Babyyy one night lang naman akong hindi umuwi ah" sagot ni Jerald at pinisil ang pisngi ni Athena.

"Mommy and me are not used sleeping without you" sabi ni Athena na ikanalaki ng mga mata nila Noel at lalong-lalo na ni Angel.

Napansin naman ni Jerald na biglang-bigla ang magkapatid. "Baby doon muna tayo sa house. I think your mom and her friends need to talk to each other" sabi ni Jerald. Tumango naman si Athena.

-

Tumingin si Jerald kay Ashley at tumango rito. Matapos ay naglakad na si Jerald papalayo sa dalampasigan.


Nang makarating na si Jerald sa bahay nila sinabi niya kay Athena na mauna na itong pumasok sa loob ng bahay at buksan ang pasalubong.

Nang masiguro niyang nakapasok na sa loob ng bahay ang bata ay nagsalita na si Jerald.


"Lumabas ka na diyan alam kong sinusundan mo ko!"


Lumabas naman si Angel mula sa pagtatago sa isang malaking puno ng kahoy. Naglakad siya papalapit kay Jerald at kunot noo niya itong hinarap.


"Tandang-tanda ko pa ang iyong sinabi na kahit gapangin ka pa ni Ashley ay hindi mo siya papatulan!" diretsong sabi ni Angel habang naka cross-armed pa.


"So ano naman ngayon?" chill na tanong ni Jerald habang nakasuksok sa dalawa niyang mga kamay sa bulsa ng kanyang karsones.

Mas lalong kumunot ang noo ni Angel dahil sa inasta ni Jerald. Napatitig siya sa tindig ni Jerald. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa. Napailing-iling naman siya dahil kahit paano niya tingnan si Jerald ay lalaking-lalaki ito. Hindi mo masasabing bakla.

"Anong So? So ka diyan! Ayaw raw pumatol kay Ashley, eh bakit may Athena kayo ngayon?" bwelta ni Angel at iniripan si Jerald.

Napatitig naman si Jerald kay Angel. Bakas na bakas sa hitsura nito ang pagkainis. Ilang sandali pa ay tumawa bigla si Jerald.

The Obsession of Three HeartsWhere stories live. Discover now