Chapter 25

288 11 0
                                    

Nakayuko habang nakaupo sa kama si Ashley dahil nakatanggap siya ng bonggang-bongga na sermon mula sa mama at papa niya. Walang natuwa sa ginawa niyang prank, kaya nagsisisi siya ng KONTI. Konti lang dahil natwa naman talaga siya sa mga reaksyon nila.

"Sorry po! Promise hindi ko na uulitin"

"Siguraduhin mo lang dahil sa susunod na gawin mo ulit yon hindi na kami magdadalawang isip na kalbuhin ka" galit na sabi ni Rowena sa anak.

Hindi naman nagsasalita sina Claude, Bryan, at Anna na nasa kwarto rin ng Hospital. Nakikinig lang din sila sa sermon ni Rowena kay Ashley.

"Anak ano bang nangyari sa CR?" pag-iiba ng usapan ni Joseph.

Napaisip naman si Ashley at inalala kung anong nangyari sa CR. Inaway nga pala siya ni Chleo. Bago siya mag salita ay huminga muna siya ng malalim.

"Ano kasi, may bitak kasi ang tiles sa CR sumabit ang paa ko kaya ako na out balance at nabagok ang ulo ko" napakamot pa siya sa noo niya na may sugat dahil kumakati ito.

"Hindi ka naman nag-iingat anak" sabi ni Joseph. "Nagmana ka kasi sa nanay mong weak ang state of balance" napailing-iling pa si Joseph.

"Aray!" reklamo ni Joseph ng batukan siya ng asawa. "Ang pikon mo talaga!"

"Yang anak mo naman nagmana ang kalokohan sayo" bwelta ni Rowena. Natawa nalang silang lahat dahil hindi na sila nagtataka kung bakit may pagka pilya si Ashley.

"Buti nalang at nandoon sina Chleo para sakluluhan ako agad" dagdag ni Ashley.

"Si Chleo?" napataas ang kilay ni Anna. Dahil kilala niya si Chleo mainit ang dugo nito kay Ashley. "Sure ka ba besh?" binigyan niya ito ng don't-lie-to-me-look.

Gumanti naman si Ashley ng just-go-with-the-flow-look!

Napailing-iling nalang si Anna dahil kahit hindi pa man sabihin ni Ashley alam na niyang may kinalaman si Chleo sa pagkabagok ng kaibigan niya.

"Siguro kailangan na atang ipa repair ang mga sirang bahagi ng school" sabat ni Bryan.

"I agree" pagsang-ayon ni Claude.

Sa isang Village.

"Apo kumusta ka?" masayang bati ni Emilano Agoncillio ang may-ari ng school kung saan pumapasok si Ashley at pinagtatrabahoan ni Bryan.

"Lolo, ayus lang po ako" nakangiting sagot naman ni Bryan at nagmano sa lolo niya.

"Lolo may hihilingin lang sana akong pabor sayo" nahihiyang sabi ni Bryan at napakamot pa sa batok.

"Ano 'yon apo?"

"Pwede po bang ipa ayos niyo ang tiles ng Girl's CR. May bitak na kasi"

Napatingin naman si Emilano sa apong hindi makatingin ng maayos sa kanya.

"Sabihin mo anong dahilan bakit bigla mong hiniling yan?" pag-usisa niya.

"Kasi" wala siyang maisip na idadahilan. Nahihiya rin siyang aminin na naaksidente ang babaeng gusto niya sa CR na yon.

Bahagya namang tumawa si Emilano. "Ipapaayos ko agad ang buong skwelahan sa isang kondisyon" nababakas sa kanyang mukha ang pagkapilyo.

"Ano po yon lo?"

"Magpakilala ka na bilang apo ni Emilano Agoncillio na may ari ng Agoncillio University"

"Lolo naman!" reklamo ni Bryan.

Natawa naman si Emilano, "Biro lang apo. Oh siya bukas na bukas ipapaayos ko na ang lahat na dapat ayusin sa school" tinapik niya ang balikat ng apo.

Si Bryan ay anak ng bunsong anak na babae ni Emilano na maagang nabuntis at hindi pinagutan ng lalaki. Sa takot ng ina ni Bryan ay naglayas ito at sekretong isinilang ang anak. Lumaki si Bryan sa pangangalaga ng ina at hindi niya kilala ang mga kamag-anak nito o kung sino man ang ama niya.

Isang araw ay nagkasakit ang nanay niya kaya napilitan itong bumalik sa puder ni Emilano dahil natatakot siyang mamatay at maiwang mag-isa ang kanyang anak.

High School pa lang si Bryan nong pumanaw ang kanyang ina at ang lolo na niya ang nag-alaga sa kanya. Ngunit ibinilin ng kanyang ina na wag ibunyag ang tunay na pagkakakilanlan ni Bryan. Natatakot siya na kapag nalaman ng nakabuntis sa kanya na may anak siya ay kukunin nito si Bryan.

Ayaw rin naman ni Bryan na malaman ng iba na apo siya ng isang mayamang tao. Gusto niya lang ng simpleng buhay kaya hindi niya sinasabi kahit kanino na apo siya ng may-ari ng skwelahang pinagtatrabahoan niya.

Lumabas na ng mansion si Bryan. Nang papasakay na siya sa kotse ay nakita niya si Chleo na naglalakad. Dito rin kasi nakatira si Chleo.

Nang magtama ang mga mata nila ay agad na lumiko sa ibang direksyon si Chleo ngunit pinigilan siya ni Bryan.

"Chleo sandali"

Napatigil si Chleo, naglulundag sa tuwa at kaba ang puso niya. Natutuwa siya dahil sa wakas ay napansin siya ni Bryan, ngunit kinakabahan siya dahil baka alam na nito ang ginawa niya kay Ashley.

Dahan-dahan siyang lumingon sa lalaki na tanging minahal niya buong buhay niya. Nakita niyang nakangiti ito sa kanya.

Dahan-dahang naglakad si Bryan patungo sa kanya. Tila bumagal ang takbo ng oras at lumiwanag ang paligid kahit gabi na.

"Gusto ko lang mag thank you sayo dahil tinulungan mo si Ashley" nakangiting sabi ni Bryan kay Chleo.

Nagtaka si Chleo. "A-ano?"

"Mmm, sinabi kasi ni Ashley na kayo ang tumulong sa kanya. Kung wala kayo siguro ay mas malala pa ang naging resulta ng pagkabagok niya"

Tila sinaksak ang puso ni Chleo ng libo-libong beses. Kitang-kita niya sa mga mata ni Bryan na mahal na mahal nito si Ashley. Nang mga oras na yon ay tuluyan nang nawalan ng pag-asa si Chleo na balang araw ay mamahalin rin siya ni Bryan.

Hindi niya napansin na may tumulo na palang luha sa kanyang mata.

"Chleo okay ka lang ba?" concern na tanong ni Bryan.

Agad naman pinunasan ni Chleo ang luha niya "Oo naman" pinilit niyang ngumiti "Masaya lang ako na okay na si Ashley" palusot niya. Ngumiti rin si Bryan sa kanya.

"Sige Sir uwi na ako baka galit na ang mudrakels ko eh. Bye" dali-dali siyang tumalikod dahil pabagsak na naman ulit ang mga luha niya.

Sumakay naman sa kotse si Bryan at umalis. Nang marinig ni Chleo ang pag-andar ng sasakyan ni Bryan ay lumingon siya ulit dito.

"Mas masakit ngayon ang pag-alis mo" sabi niya sa sarili habang patuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha.

The Obsession of Three HeartsWhere stories live. Discover now