Chapter 27

269 10 0
                                    

"Sino sila?" tanong ni Ashley.


"What are you doing here?" nakakunot noo na tanong ni Claude sa dalawang babae.

"She's not beautiful" mataray na sabi ni Selena. Naglakad siya papunta kay Ashley pero humarang si Noel.

"Are you hiding here ugly face?" patutsada ni Selena.

"Please don't make scene in the hospital" bulong ni Noel.

"I just want to see the woman who stole my man" giit ni Selena.

"Please leave here" napahinga ng malalim si Noel. Alam niya ang ugali ni Selena, skandalosa ito. Kahit pa isa itong sikat na aktres hindi ito magdadalawang isip na mang-away ng taong hindi niya gusto. Bagay na nagpapasakit sa ulo ng manager niya at maging si Noel ay laging nadadamay sa mga kagagawan ni Selena. Palagi niyang pinagtatakpan ang babaeng ito dahil nabulag siya ng kanyang pagmamahal para kay Selena.


"Hi Ashley" bati ni Angel kay Ashley sa mahinahong paraan. Napanganga naman si Ashley kay Angel dahil mukha itong anghel at kamukha rin ito ni Noel.

"H-hello" nahihiyang bati rin ni Ashley kay Angel. "Who are you?"

"I'm Angel. I'm Noel's younger sister" sagot ni Angel.

Sinamaan naman ng tingin ni Selena si Angel dahil hindi niya maintindihan kung anong pinaplano nito.

"Selena go with me" hinila ni Noel palabas si Selena.

Napatingin naman si Ashley sa kamay ni Noel na humawak sa braso ni Selena palabas ng kwarto.

"Who's that girl?" tanong ni Ashley.

"Her name is Selena" sagot ni Angel. Umupo rin siya sa kama ni Ashley.

"Why does she hates me?"

"Just don't mind her. She's just jealous"

"Jealous?"

Bago pa makapagsalita si Angel ay tumikhim si Claude.

"Angel, Ashley needs to rest" sabi ni Claude.

Napayuko naman si Angel at halatang na nalulungkot. Napansin iyon ni Ashley.

"Ahm Sir it's okay. Besides I am really bored here, I want someone to talk with" sabat ni Ashley. Naawa kasi siya sa malungkot na mukha ni Angel.

Agad naman sumilay ang matamis na ngiti sa mukha ni Angel bagay na ikinatuwa ni Ashley.

Wala namang nagawa si Claude kundi umupo na lamang sa isang silya.

Ayaw man niyang makita ang mukha ni Angel, ngunit ayaw niya rin iwan si Ashley na kasama si Angel.

"You're so beautiful" papuri ni Angel. Namula naman ang pisngi ni Ashley dahil pinupuri siya ng isang babaeng para sa kanya ay maladiwata sa ganda.

"Don't say that, my beauty is nothing with yours"

"No you are wrong, you are more beautiful than me you know why?"

Napatingin naman si Angel kay Claude, tumingin din si Claude sa kanya. Hindi man nagsasalita si Claude, sa mga tingin palang nito pinagbabantaan na niya si Angel na wag magsalita ng kung anu-ano.

Sa mga oras na iyon gustong sabihin ni Angel kay Ashley na mas maganda siya dahil siya ang minahal ni Claude. Ngunit wala siyang lakas ng loob na sabihin yon. Alam niyang magagalit si Claude kapag sinabi niya iyon. Alam niya rin kung gaano nakakatakot kung magalit ang isang Zackary Jareth Schneider.

"Why?" tanong ni Ashley.

"Because my brother likes you" sagot ni Angel. Napakurap-kurap naman ng tatlong beses si Ashley dahil hindi niya magawang paniwalaan ang sinasabi nito.

Hinihintay niyang tumawa si Angel at sabihing nagjojoke lang ito.

Habang si Claude naman ay inis na nakatingin kay Angel. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito kay Ashley. Nagawa nitong pangunahan si Noel.

Natatakot rin si Claude na baka magkagusto rin si Ashley kay Noel.

Pilit na tumawa si Ashley, siya nalang ang tumawa dahil hindi tumawa si Angel. "That's impossible" sabi niya.

Hinawakan naman ni Angel ang kamay ni Ashley "No it's not! I'm sure my brother likes you. I know him well" ngiti niya. Pilit namang ngumiti si Ashley, nagmumukha tuloy siyang natatae sa ngiti na yon.

"Isn't that girl earlier is his girlfriend?" tanong ni Ashley.

"Of course not. That girl loves someone else"

"Who?"

Napalunok naman ng laway si Angel. Kung sasabihin niyang may gusto si Selena kay Claude, may possibility na hindi magustuhan ni Ashley si Claude.

This time hindi na napigilan ni Claude ang sarili at tumayo na ito. "Angel I have something to talk with you"

Kinakabahan na si Angel sa awra ni Claude. Naunang lumabas ng kwarto si Claude.

"Excuse me Ashley" magalang na paalam niya kay Ashley.

Napangiti naman si Ashley. Para sa kanya si Angel ang pinakamagandang babae na nakita niya sa personal.

Sa isang tahimik na bahagi ng hospital.

"What are you doing here?" tanong ni Noel kay Selena.

"Visiting" pasupladang sagot ng babae.

"Don't bother Ashley"

"It seems like you care for her" napa smirk naman siya.

Hindi naman nakasagot si Noel. Ayaw niyang makipagtalo kay Selena.

"You're right after all. Zack already loves someone else"

"Yeah!" yon lang ang sinabi ni Noel na nagpakunot sa noo ni Selena.

"Is that all? You won't tell to me to stop chasing over Zack?" tanong niya.

"If you want to chase after him, then go!"

Natigilan si Selena. Hindi niya inaasahan na magiging ganito ka cold sa kanya ang lalaking dating baliw na baliw sa kanya. Ang lalaking nagsumikap na ligawan siya, ang lalaking handang gawin lahat para sa kanya. Pero ang Noel na kaharap niya ngayon ay hindi na ang Noel na kilala niya noon.

"Pagod na akong mahalin ka" slang man pakinggan, pero bakas sa boses niyang pagod na talaga siya. Pagkatapos niyang sabihin yon ay tinalikuran na niya si Selena.

Hindi man naintindihan ni Selena ang sinabi ni Noel, ramdam niya na pamamaalam yon. Sumisikip ang dibdib niya habang pinagmamasdan ang bawat paghakbang ni Noel papalayo sa kanya.

Naapakan ang pride niya sa mga oras na iyon. Kahit sanay siyang ipagtabuyan ni Zack, hindi niya matanggap na nagawa siyang talikuran ni Noel.

Napahawak siya ng mahigpit sa kanyang bag "It's all your fault Ashley!"

The Obsession of Three HeartsΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα