Madami rin ang nagpapirma ng mga libro nila at pagkatapos ng dalawang oras ay huling tao na.

Naka mask at cap siya, malaki ang katawan niya. Hindi ko nakita ang buong mukha niya at taning mata lang ang nakikita ko.

Lumapit siya sa akin at biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang mga mata niya. Asul ang mga ito na parehong pareho kay Scion. Hindi siya nagsalita at inabot lang sa akin ang libro na hindi ko mapirmahan dahil nakatitig ako sa kanya.

"Scion?" Tanong ko.

Tinanggal niya ang mask at cap niya at dito na tumulo ang mga luha sa mata ko.

"Uhm... pasensya na. Akala ko 'yong kakilala ko."

"Tinawag niyo po akong si Scion? Totoong tao po ba siya?" Tanong niya.

Ngumiti lang ako tska ko pinirmahan ko ang libro niya. Buti na lang at huli na siya. Biglang sumama ang pakiramdam ko.

Pumunta na ako sa backstage para salubungin sina Jia. Niyakap niya agad ako nang mahigpit.

"Mommy, did you cry? Why?"

Binuhat ko siya at hinalikan sa malalambot niyang pisngi. Four years old pa lang siya pero sobrang talino na niya. Manang mana sa ama niya.

"I'm just happy because we sold a lot of books!"

"Okay, I thought you miss daddy."

Oo, anak, miss na miss ko na 'yong daddy mo. Gustong gusto ko na siyang hawakan at halikan muli.

Nagbabadya ulit tumulo ang mga luha sa mata ko kaya ibinaba ko na si Jia.

"Okay ka lang ba, nakita ka namin umiyak sa stage?" Tanong ni Fashia. "Si Scion ba ulit?"

"Pwede niyo bang bantayan sandali si Jia? Pupunta lang ako sa Greeve Drive."

Nagkatinginan sila ni Cooper pero pumayag naman sila sa hilinh ko. Alam kong tutol sila sa pagpunta ko muli roon pero hindi naman nila ako masisisi.

"Okay, we'll prepare a dinner party later. Be sure to be there before eight."

Hindi ko naramdaman ang na isa akong single mother dahil sa kanilang dalawa at kala Auntie.

Kahit wala si Scion sa tabi ni Jia, alam kong hindi nagkulang sa pagmamahal ang anak namin.

Nag-drive ako papunta sa lugar kung saan kami lumapag noon bumalik kami rito sa Earth. Doon kasi sa lugar na 'yon pinakakita ang bituin ng Orion. Doon lumabas ang enerhiyang daluyan papunta sa Zithea at doon din lumabas 'yon noong pauwi na kami.

Ngayong araw na ito ang ikalimang taon simula nang bumalik ako rito sa Earth. Ikalimang taon simula nang nagkahiwalay na namin kami ni Scion.

Pinarada ko ang sasakyan ko sa parking at nag latag ako ng cloth sa damuhan. Dala-dala ko ang paboritong pagkain ni Scion na adobo at isang bote ng wine na binili ko papunta rito.

Mataas ang lugar na 'to at kitang kita rito ang city.

Feeling ko ito ang anniversary naming dalawa. Masaklap lang kasi mag-isa akong nag si-celebrate. Para akong tanga sa totoo lang pero kapag ginagawa ko 'to, sumasaya ako.

Masaya na masakit.

Ilang beses kong sinasabing tanggap ko na. Tanggap ko nang hindi na kami magkikita pa. Tanggap ko nang hanggang doon na lang talaga.

Pero sarili ko lang din pala ang niloloko kasi ang totoo... umaasa pa rin ako.

Umaasa akong darating 'yong araw na magkikita ulit kami, o kahit na hindi na ako, silang dalawa na lang ni Jia. Iyon na siguro 'yong pinakamasayang araw para sa kanya. Walang araw na nagdaan na hindi niya tinatanong ang daddy niya sa akin.

Zithea (Published under IndiePop)On viuen les histories. Descobreix ara