Kabanata 36: Koronasyon

Start from the beginning
                                    

Nataranta silang lahat, lalo na si Rushin at Scion.

"Ibibigay namin sa'yo ang puno, pakawalan mo lang si Xiang!" Sigaw ni Scion.

"Nasa inyo ang puno ng Sequioa?" Angal ni Rushin. "Kung hindi niyo sana kinuha 'yan, hindi mangyayari 'to!"

"Tama na, Rushin! Wala na tayong panahon para magtalo! Nakasalalay dito ang buhay ng babaeng pinakamamahal natin!"

Natahimik si Rushin.

Lumapit sa amin si Heneral Baxia, hawak-hawak niya ang puno. Kulang na mga dahon pero sapat pa ang tira para magkaroon ng kakaibang kapangyarihan si Jun.

Sinubukan kong ipalapit ang mga ahas sa kinakatayuan namin para tahimik na atakihin si Jun pero may enerhiyang nakaharang sa paligid namin. Mautak talaga siya at talagang planado niya ang lahat.

"Ibaba mo ang dahon! Ang mga ahas na ang kukuha rito!" Sigaw niya. "Lumayo kayong lahat kung hindi mamamatay si Xiang!"

Ginawa nila ang utos ni Jun. Pagkababa ng puno ay nagsilabasan ang mga ahas na kulay pula.

Hindi ko na-ko-kontrol ang mga ahas na ito dahil ilalim na sila ng kapangyarihan ni Jun.

Dinala ng mga ahas ang puno papunta sa bibig ni Jun.

"Masasakop na rin ang mundo na ito ang mundo natin, Xiang." Bulong niya sa tainga ko. "Makakamit ko na rin ang hustisya para kay Zhao!"

Isa-isa niyang kinain ang mga dahon.

Nakaramdam agad ako nang matinding init sa likuran ko. Kay Jun nanggagaling ang init na iyon.

Itinulak niya ako at sumigaw nang malakas. May kulay dilaw na enerhiyang pumapalibot sa kanya. Sunod-sunod ang pagsigaw niya na tila ba hindi niya kinakaya ang kapangyahirang bigay ng mga dahon.

Lumapit sa akin si Scion at agad akong inilayo sa nagwawalang Jun.

"Mabuti pa ay lumayo na tayo bago niya tuluyang makuha ang kapangyarihan ng mga dahon!" Sambit niya.

Tumakbo kami palayo. Ilang hakbang na rin ang nagagawa namin nang biglang umangat ang mga paa namin.

"Saan ka pupunta, Xiang?"

Mabilis akong bumalik sa tabi ni Jun. Kinokontrol niya ako at nakalutang kong pumunta sa kanya.

Parang nakabalot sa sa kung ano ang buong katawan ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makawala sa pag-control sa akin ni Jun.

"Bitawan mo siya!" Sabay na sigaw ni Rushin at Scion.

"Magaganap na ang koronasyon ngayong gabi! At ako ang tatanghalin na bagong hari!"

Confident na confident si Jun sa sinabi niya. Para bang walang makakapigil sa kanya, na posible ngang mangyari.

Ramdam ko ang lakas niya at sa totoo lang, nakakatakot ito.

"Nahihibang ka na ba–" hindi naituloy ni Rushin ang sasabihin niya. Hinawakan niya ang leeg niya na para bang may sumasakal sa kanya. Maaring si Jun ang may kagagawan nito dahil nakatutok kamay niya rito.

"Tumahimik ka! Tapos na akong sundin ka! Ngayon, ako naman ang susundin mo at ng mga tauhan mo!"

Hanggang ngayon ay nakalutang pa rin ako sa lupa. Pareho na kami ni Rushin ng kalagayan. Wala siyang magawa kahit na ang mga puting lobo niya.

"Scion, sumunod ka sa akin, lahat kayo! Kung hindi mamatay ang dalawang ito!" Utos ni Jun.

Walang pagbabagong dinulot ang pagmakatay ni Liam sa tatay niya. Mas lalo lang siyang sumama at naging sakim. Akala ko ma-ri-realize niya ang mga pagkakamali niya.

Habang pababa kami bg bundok ay inutusan ko ang mga ahas para hanapin si Dria at sabihin ang nangyari.

May isang bagay pa akong naiisip para matalo si Jun pero nakasasalay ito kay Dria at Doktor Guryo.

Kailangan nilang mapapunta rito sina Kuya Sanchi at iba pang mga puting salamangkero. Sila lang ang tanging makakatulong sa amin. Sila at ang libro ng Polaris.

Kakaiba na ang lakas ni Jun ngayon at kahit sina Scion ay mahihirapan siyang talunin. Ang libro lang ang makakapag-alis ng kapangyarihan ni Jun.

Sana lang talaga ay nakuha ni Dria ang libro na pinapahanap ko.

Lahat ay sunod-sunuran kat Jun. Ayaw nilang mapahamak ang Hari nila. Sina Scion ay hindi rin gumagalaw dahil sa akin.

"Tuloy ang koronasyon pero ngayon, ako na ang tatawagin niyong hari!"

Nahihibang na talaga siya. Pati ang mundo na hindi naman niya kinabibilangan ay sasakupin niya. Nilamon na siya ng kasamaan at wala na siyang pag-asa na magbago pa.

"Mamaya, makikita ng lahat kung paano ko papatayin ang dalawang tinuturing nilang hari!"

Umalma kami nina Bonjo pero agad na may pumulupot na ahas sa leeg nila.

"Sa lahat ng sasagot o susuway sa akin ay mamatay. Naiintindihan niyo ba?"

Pinakawalan niya rin ang mga ito pero alam kong kayang kaya niyang pumatay.

"Nahihibang ka na, Jun! Tingin mo ba matutuwa si Liam sa mga ginagawa mo?" Angal ko.

Binalibag niya ako sa sahig. Nakaramdam ako nang matinding sakit sa likuran ko.

"Tumigil ka, Xiang! H'wag mong idamay ang anak ko rito! Kayo ang dahilan kaya siya namatay!"

Sinubukan ni Scion na lapitan ako pero maski siya ay tumilapon papalayo. Triple ang lakas na nabigay ng dahon kay Jun.

"Walang makakapigil sa akin, kahit sino!" Sigaw niya habang humahalakhak. "Kahit kanino pang hukbo ito!"

Sa pagtapak namin sa labas ng palasyo ay sinalubong kami ng mga Mogwai. Mga halimaw na akala ko ay napatay na namin noon.

"Binalik ko na ang mga halimaw niyo. Dapat kayong magbunyi! Sa unang pagkakataon ay sumusunod na sila sa isang tao! Walang iba kung hindi sa akin!"

Wala silang ipinagbago. Malaki at mababangis pa rin sila katulad noong isinulat ko sila. Mas naglalaway nga lang sila ngayon. Mas natatakam siguro silang pumatay at kumain ng mga buhay.

Hindi ko alam kung paano pa ba mapipigilan nina Scion o kahit ng kampo ni Rushin si Jun at ang mga halimaw na ito.

Wala na talagang ibang paraan pa kung hindi ang tapusin sila sa pamamapagitan ng libro.

Ang Polaris na lang ang tanging pag-asa namin.


Itutuloy....
Last 3 chapters!

Zithea (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now