Chapter 20

1.8K 174 6
                                    

"JANETH, una na kami sa 'yo." Paalam nina Apple at Arlyn. Kasalukuyan silang naroroon sa loob ng faculty ng mga sandaling iyon.

"Ha? Teka, akala ko ba sabay-sabay tayong uuwi?" Takang tanong ni Janeth sa dalawa niyang kaibigan habang abala pa siyang magpa-cute sa hawak na compact mirror. Mayamaya ay naramdaman niyang lumapit sa kanya si Apple saka bumulong.

"Naririto ang crush mo. Hinihintay ka." Nanunuksong siniko pa siya ni Apple dahilan upang mabaling ang pansin ni Janeth sa direksyong tinitingnan naman ni Arlyn.

Nakita nga ni Janeth ang pigura ni Zaldy. Nakatalikod ang binata sa direksyon doon sa labas ng pinto ng kanilang faculty. May kausap sa phone ang binata habang ang isang kamay nito ay nakapamulsa pa. Nang matapos ang tawag ay tuluyan nang pumasok sa loob ng faculty si Zaldy. Isang tipid na ngiti ang sumilay sa mukha ng binata nang magtama ang kanilang mga mata.

"Hello, Mr. Imperial!" Magkapanabayang bati nina Arlyn at Apple. Isang tango lang ang isinagot ng binata sa mga kaibigan ni Janeth.

"Sir, si Janeth ba ang hinihintay mo?" Palihim na siniko ni Janeth si Apple. Pero hindi siya pinakinggan. "Naku, Sir, mamaya pa siya matatapos. Nagpapaganda pa kasi si Janeth para sa 'yo."

"At saka, Sir, mas lalo ka pa lang gumuguwapo kapag nakangiti." Puri naman ni Arlyn sa kanilang Principal.

Isang masamang tingin ang ipinukol ni Janeth kay Arlyn na binale wala lang nito. Iyong totoo? Bakla na ba ngayon si Arlyn at pinapatulan nito ngayon ang Principal nila?

"You two, you can go home now. Ako na ang maghahatid kay Miss Frando pauwi."

Siyempre, hindi papayag si Janeth. "Pasensiya na, Sir, pero hindi ako─"

"Sige, Sir, aalis na kami ni Arlyn. Mamamalengke pa kasi kami, eh." Maagap na putol sa kanya ni Apple.

"Janeth! Don't forget to use . . . protection." Arlyn mouthed the last word bago tuluyang nagmamadaling lumabas ng kanilang faculty ang dalawa niyang echoserang kaibigan.

Napaka talaga ng mga kaibigan niya! Alam naman nina Apple at Arlyn na kaninang umaga pa niya iniiwasan si Zaldy matapos ang huling tagpo nila sa loob ng Recreation Room. Pagkatapos ay iiwan lang siya sa ere ng dalawang iyon?

Oo. Buong araw niyang iniiwasan si Zaldy dahil oras na pansinin niya ang binata ay parang isinampal lang niya ang kanyang sarili na ang tanga-tanga niya. Lalabas lang kasi na para bang ipinagsisiksikan pa niya lalo ang kanyang sarili sa taong hindi naman kayang suklian ang kanyang pagmamahal.

Hindi nagtagal ay mabilis ding isinilid ni Janeth sa loob ng kanyang shoulder bag ang iba pa niyang mga gamit. Wala na siyang pakialam kung magulo ang loob ng kanyang bag. Isa lang ang gusto niyang gawin ng mga oras na iyon. Ang layuan si Zaldy. Ngunit hindi niya namalayang tuluyan na palang nakalapit sa kanya ang binata upang kuhain ang kanyang bag.

"Sir, ako na ang magdadala ng bag ko." Sinubukan niyang agawin ang kanyang bag pero inilayo lang iyon sa kanya ni Zaldy.

"Ako na. Alam kong pagod ka na. Kaya ako na ang magdadala nitong bag mo."

"Sir, nakahihiya naman. Ang ibig kong sabihin ay marami ka nang nagawa para sa akin. Abuso naman kung pati pagdadala ng bag ko, eh, sa 'yo ko pa iaasa kahit na kaya ko naman."

"I just want to help you."

"I don't need your help anymore, Sir!" Hindi sinasadya ni Janeth na mapataas nang kaunti ang kanyang tinig dahilan para mapako nang husto ang paningin sa kanya ng binata.

I want you to love me. Mahirap ba 'yon? Pero masyadong over naman kung iyon agad ang sasabihin niya kay Zaldy. Masyadong nakagugulantang iyon.

"Are you mad at me?" Naguguluhan nitong tanong sa kanya.

State of My HeartWhere stories live. Discover now