Chapter 10

2K 199 10
                                    

"SENIOR Citizen's Park? Ano'ng tingin mo sa akin matanda na?" Reklamong sabi ni Zaldy nang makarating sila sa tahimik at malawak na park ng mga tanders.

Puno na ang mga upuan para sa mga senior citizen kaya hinila ni Janeth si Zaldy sa isang bench na kung saan ay nalililiman ng isang puno. Alas dos na ng hapon at sobrang tirik pa rin ang araw sa ganoong oras kaya roon na lang niya inaya si Zaldy na maupo para makaiwas sa init ng araw. Sayang kasi ang balat ng kanyang irog kung hahayaan niya lang na mabilad.

"Gutom na ako." Ang nasabi ni Zaldy nang makaupo na sila. "Wala ka bang dala-dalang pagkain diyan kahit tira-tira sa lunch mo nang mag-break ka kanina?"

"Sa katunayan, Sir, meron akong nakabukod na baon para sa 'yo." Iyon ang kanyang thank you gift para kay Zaldy.

Ang totoo niyan, matagal pinag-isipan ni Janeth kung ano'ng klaseng regalo ang maaari niyang ibigay sa butihing Principal. Kung bibili kasi siya ng gamit pangregalo para sa binata ay parang masyado namang awkward iyon kasi mayaman na si Zaldy at kayang-kaya na nitong bilihin ang mga bagay na gusto ng kanyang irog. Kaya napagdesisyunan na lang ni Janeth na magpaturo kay Lovely kung paano gumawa ng cookies.

Oo, inaamin niyang nilalait niya ang love life ng kanyang kaibigan habang tinuturuan siya ni Lovely na gumawa ng cookies. Ilang beses din siyang pinagbabatukan ni Lovely dahil lagi-lagi niya itong inaasar kay Reymark na ngayon ay may bago nang girlfriend. At siyempre, selos naman ang kaibigan niya kaya lalo pang inasar ni Janeth si Lovely para may mapaglibangan naman siya habang gumagawa ng cookies.

Gusto kasi niyang maging memorable ang thank you gift niya para kay Zaldy na dadalahin ng binata hanggang sa panaginip nito na halos siya na lang at ang cookies niya ang iisipin ng kanyang irog.

"Really?" Hindi makapaniwalang sambit ni Zaldy.

Inilabas ni Janeth ang isang cute na babasaging jar sa loob ng kanyang shoulder bag. Mabuti nga at nagkasya sa loob ng kanyang bag ang kanyang cookie jar.

"Tada! Cookies." Sabi niya habang nakangiti kay Zaldy. Hugis puso ang ginawa niyang cookies para bongga.

"Puwede na." Ay! Mukhang malayo ang sagot sa inaasahan niyang sasabihin sa kanya ni Zaldy.

Ang inaasahan pa naman niyang isasagot nito sa kanya ay . . ."thank you, Janeth. I love you" at siyempre sasagutin din niya ng "I love you too, my hubby." Kaso masyadong nakadidismaya ang sagot sa kanya ng binata. Para kasing sinasabi nito na puwede nang pagtiyagaan ang cookies niya.

"Gimme' my cookies." Inilayo kasi ni Janeth kay Zaldy ang jar ng cookies nang tangkain ng binatang kunin iyon sa kanya.

"Ayoko nga!"

"Teka, akala ko ba para sa akin 'yan?"

"Nagbago na ang isip ko." Nagtatampong sabi niya.

"Akina ang cookies ko." Sinubukan pa nitong hagipin ng kamay ni Zaldy ang jar kaso nailayo iyon kaagad ni Janeth.

"Tse! Bumili ka na lang ng pagkain mo. Sa akin ito at hindi sa 'yo."

"Ayokong bumili. Puro tig-iisang libo ang laman ng pitaka ko."

"Yabang naman nito."

"Janeth." Maawtoridad na sabi sa kanya ni Zaldy.

"Ayoko nga sabi."

"Okay. I'm sorry again." Mabuti naman at napansin din nito ang ikinatatampururot niya.

"For what?"

"I don't know. I just have this feeling that I offended you or something."

State of My HeartWhere stories live. Discover now