Chapter 11

2.1K 200 4
                                    

"GIRLS! Kami na uli ni Reymark!" Kinikilig na pag-anunsiyo ni Lovely sa kanilang lahat. Nagpalakpakan naman ang mga kaibigan ni Janeth mula sa kani-kanilang inookupahang mga silya.

Buo ang Tropang Empacho ng araw na iyon. Naroroon sina Lovely, Jenica, Thalia, Ela, Jill, Karlene, Apple, Chelo, Arlyn, Belle, Emjane, at Janeth. Maliban kina Angie at Rae na kasalukuyan pang naroroon sa ibang bansa dahil doon nakadestino ang trabaho ng dalawa nilang kaibigan. Nasa Yummy Bakeshop sina Janeth na pagmamay-ari ni Lovely at doon nila naisip na magkatipon-tipon.

"Mabuhay ang love life ni Lovely!"

"Wuuuu! Blow out na 'yan! Blow out na 'yan!"

"Itakwiiiiil!"

"Magbe-break din kayo!"

"Pagkaeeen!"

Pabirong binatukan nila si Emjane. "Puro ka na lang pagkain, Emjane!"

"Duh!" Sabay roll eyes sa kanila ni Emjane. "So, ano'ng gusto ninyong mangyari ngayon? Makikinig lang tayo sa ka-corny-han ng love life ni Lovely kung paano sila nagkabalikan ni Reymark at kung paano sila naglampungan pagkatapos ng warla nila?"

"Yuck! You're gross talaga, Emjane!" Nandidiring sabi ni Jenica sa kaibigan.

"Hindi kami naglampungan ni Reymark! French kiss lang!" Ngunit halata namang kacharotan lang na kuwento iyon ni Lovely.

"Malanditera!" At sabay-sabay na sinugod ng mga katropa ni Janeth si Lovely mula sa kinatatayuan para hampasin at kilitiin.

"How dare you!─Aray! Pakshet kayo! May date pa kami ni Reymark!" Pero sa halip na masaktan si Lovely sa ginagawang pagmamaltrato ng mga kaibigan ay nauwi rin sa tawanan ang lahat.

Janeth rolled her eyes. Wala siyang pake kung nagkabalikan na si Lovely ng long time ever ex-boyfriend nitong si Reymark. Mas may pake pa siya sa epekto ng halik ni Zaldy na hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis-alis sa kanyang isipan.

So sweet, so fresh, so cool, so bango, so nakakikilig to the spinal chord, and so oh my gosh tologo!─anyway, by the way, subway . . . heto nga, matapos kasi siyang ihatid ni Zaldy kahapon sa bahay nila ay nagmadali siyang pumasok sa loob ng kanyang kuwarto at doon niya ibinuhos ang lahat ng kilig sa kanyang katawan.

She even kissed Zaldy's tarpaulin many times while praising the saints and God dahil sa wakas! Natikman na rin niya ang matamis na halik ng kanyang irog! Kahit na thank you kiss lang iyon ay malaki pa rin ang epekto niyon sa kanyang sistema. Halos mangisay pa nga siya sa kilig. Muntik na nga siyang dalahin ng mga magulang niya sa mental hospital dahil para daw siyang timang na ewan na natataeng hindi malaman.

"Tingnan niyo si Janeth, lutang. Iba na talaga kapag may milagrong ginagawa." Nakangising puna ni Karlene, ang pinaka-sexy sa tropa nila.

Saka lang napansin ni Janeth na sa kanya na pala nakatuon ang atensyon ng buong tropa and they were all grinning at her. Uh-oh! Mukhang hindi niya gusto ang sunod na sasabihin ng mga lokaret niyang kaibigan.

"Hoy! Bakit kayo ngumingisi riyan?" Takang tanong ni Janeth sa buong tropa.

"Alam mo, Janeth, dapat ikaw ang nanlilibre ng makakain natin ngayon dahil mukhang ikaw yata ang may dapat na ipagtapat sa buong tropa, eh." May panunukso na sa boses ni Belle.

"Oo nga! And since naririto na tayo sa naluluging bakeshop ni Lovely, ako na ang lilimas ng mga tinapay niya!" At excited na ni-ransack ni Emjane ang mga tinapay sa loob ng display panel ni Lovely.

"Impakta ka, Emjane! Bayaran mo mga 'yan!" Malakas na sabi ni Lovely pero lumapit na rin kay Emjane upang tulungan ang kaibigan na maghanda ng mamemeryenda nilang tinapay.

State of My HeartWhere stories live. Discover now