Chapter 23

1.7K 160 6
                                    

KINABUKASAN, lunch break ulit. Naroroon sa Teachers' Canteen si Janeth. Kasabay din niyang nagla-lunch sina Apple, Arlyn, at Alyssa. May mga estudyante ring pumapasok sa loob ng canteen upang ibili ang kani-kanilang mga teacher ng pagkain.

"Have you heard the news a while ago?" Panimula ni Alyssa dahilan upang mag-angat ng ulo si Janeth.

"Tungkol saan ang balita?" Usisang tanong ni Janeth kay Alyssa.

"Nawawalan ng pera ang isa sa mga estudyante ni Maeris. She's Beatrice from Section Emerald."

"Hindi ba, advisory class ni Maeris ang section na 'yon?" Singit ni Apple sa usapan.

Bumaling naman kay Janeth si Arlyn. "Under pala ng subject mo ang advisory class ni Maeris."

"Gano'n na nga." Kahit na magprotesta pa siya sa campus ground ng St. Archangel High School, wala namang magagawa si Janeth kundi tiisin ang pagmumukha ni Maeris sa tuwing nagsasalubong ang dalawang subject na kanilang hawak.

Sa tuwing sasapit kasi ang alas dose ng tanghali magsu-switch lang sila ng room ni Maeris. Hindi rin kasundo ni Janeth ang Section Emerald dahil palagi siyang kinukompara ng mga estudyanteng iyon na mas mahusay raw magturo si Maeris kaysa sa kanya. Huh! For sure, dahil sa ka-bitter-an siguro ni Maeris sa pagiging aristokrata niya kaya naisipan ng bruhang iyon na siraan siya sa mga estudyante para naman dumami ang fandom ng impaktang iyon.

"Nahanap na ba ang nawawalang pera ng estudyante niya?" Tanong niya uli kay Alyssa. Kawawa naman ang estudyante na iyon. Tiyak na walang pamasahe iyon pauwi mamaya.

"Hindi pa. Pero si Maeris daw ang nangunguna sa pagtulong para mahanap ang pera ni Beatrice. Sana nga mahanap na ang pera na 'yon. Kawawa naman ang batang 'yon." Pag-imporma sa kanila ni Alyssa habang kumukuha ng ulam.

"Sus! Papansin lang ang babaitang 'yon." Komento ni Arlyn kay Maeris. "Alam naman ninyo na gusto niyon lahat ng pansin sa kanya nakatuon."

"Malakas din ang kutob na maaaring si Maeris ang may pakana ng lahat kung bakit ka na-suspend sa school Janeth." Wika naman ni Apple.

Naibahagi na rin kasi ni Alyssa kina Arlyn at Apple ang nasagap nitong bali-balita sa Mathematics Faculty. Hindi lang sigurado si Alyssa kung tama ang hinala nito. Pero batid ni Janeth na posibleng si Maeris talaga ang nasa likod ng kanyang suspension para masolo ng bruhang iyon ang kanyang irog sa loob ng dalawang linggong wala siya sa kanilang paaralan!

"Hayaan na ninyo ang babaeng 'yon. Balang araw, mare-realize rin niya ang kashungaang pinaggagagawa niya." Well, dahil ipinanganak siyang mabait, palalagpasin na lang niya ang ginawa ni Maeris.

"Siguro, kaya na in love sa 'yo si Mr. Imperial kasi ang bait mo."

"Matagal na akong mabait, Alyssa. Hindi ko lang pinapahalata." At sinabayan pa niya iyon ng pagtawa.

"Naku, nagyabang ka na naman diyan." Naiiling na komento sa kanya ni Arlyn.

"At least, totoo ako sa sarili ko."

"Pero kailan pa naging kayo?" Takang tanong sa kanya ni Alyssa.

"Hindi ko naman boyfriend si Sir." Mabilis nagsalubong ang kilay ni Alyssa mula sa pahayag ni Janeth.

"Kung hindi, bakit hinalikan ka niya noon sa pisngi? Si Sir din ang nag-anunsiyo last time na ikaw ang girlfriend niya."

"Ewan ko roon. May topak lang yata si Sir ng araw na 'yon kaya niya nasabi 'yon. Pero hindi 'yon totoo." Walang ganang sagot ni Janeth.

Matapos kasi niyang makumpirmang si Maeris pala ang babaeng tinutukoy sa kanya ni Zaldy noong na-stuck sila sa faculty ay para talaga siyang binagsakan ng langit at lupa. Ayos lang naman sa kanya na magkagusto si Zaldy sa ibang babae. Wala namang kaso iyon kay Janeth. Pero ang malaman na si Maeris pala ang gusto ni Zaldy? Gusto niyang magdeklara ng Ikatlong Digmaang Pandaigdig!

State of My HeartWhere stories live. Discover now