Chapter 27

2.1K 172 8
                                    

MAAGANG naghintay sa sakayan ng taxi si Janeth. Kailangan niyang pumasok nang maaga dahil bahagi na iyon ng kanyang pangako na hinding-hindi na siya male-late. Pagkatapos ng sagutan nila ng mga nagdaang gabi ni Zaldy, hindi na iyon nasundan pa. Pero minsan palagi naman siyang kinukulit nina Apple at Arlyn kung masaya raw ba siya sa naging desisyon niyang mag-resign sa SAHS. Sinabi rin sa kanya ni Apple na nami-miss na siya ng kanyang mga estudyante lalo na raw ang advisory class niya.

Noong nalaman daw ng kanyang mga estudyante na nag-resign na siya sa SAHS, marami ang napaiyak dahil alam niyang napalapit na rin sa kanya ang mga bata. Pero kailangan niyang gawin iyon. Ayaw na niya kasing magkaroon pa ng gulo lalo pa at wala na siyang mukhang maihaharap sa mga bata at sa mga co-teacher niya. Kaya maigi na rin na umalis siya roon.

Sa ngayon, maayos naman ang buhay niya sa St. Clemente High School. Nahiya pa nga si Janeth kay Mr. Altamirano dahil naalala niya kung paano niya ito sinagot-sagot noong nasa ZBR sila at lasing siya ng mga oras na iyon. Todo sorry pa nga siya kasi alam niyang nabastos niya ang binata sa naging asal niya noon.

Pero sabi lang sa kanya ni Mr. Altamirano na okay lang daw iyon at natuwa pa nga sa kanya ang binatang Principal dahil ang SCHS ang napili niyang pag-apply-an. Tinanggap agad siya ni Mr. Altamirano dahil magaganda naman daw ang kanyang records bilang guro. Marami na nga siyang naging kaibigan na teachers sa school na iyon sa loob ng isang linggo at kalahati kaya masasabi niyang tahimik na ang kanyang buhay.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makatiyempo ng masasakyang UV. Mayamaya ay may humintong kotse sa tapat niya. Agad namang ibinaba ng driver ang tinted window ng kotse at ang guwapong mukha ni Naeji ang bumungad sa kanya.

"I know you. 'Di ba ikaw ang isa sa mga kaibigan ni Zed?"

"And Zaldy." Dugtong nito.

Nagkunwari si Janeth na hindi narinig ang huling sinabi ni Naeji. "Saan ang pala ang punta mo?"

"Sa school. Sa St. Clemente."

"Totoo pala ang narinig kong nag-resign ka na nga sa SAHS."

"Minsan kasi kailangan ko ng bagong environment."

Tumango-tango lang si Naeji bilang pagsang-ayon sa kanya. "Sige, bye."

Iyon lang 'yon? Hindi man lang siya aalukin ni Naeji ng libreng sakay sa maganda nitong kotse?

"Teka, sandali!" Pigil niya rito nang akmang paaandarin na ni Naeji ang kotse.

"Why?" Tipid nitong tanong.

"Puwedeng palibre na lang ng sakay?"

"No."

"Sige na. Please? Kanina pa kasi ako nangangalay katatayo rito."

"No."

"Sige na?"

"No."

"Wala ka na bang ibang isasagot bukod sa 'no'?"

"Yes."

Pambihira naman, o! Maloloka siya sa lalaking ito!

"Bakit ang damot mo? Wala ka bang awa sa isang magandang dilag na gaya ko?"

"Hindi ako nagpapasakay sa kotse ko sa babaeng taken na."

"Ha? Ano'ng taken na? Teka, wala naman akong boyfriend, eh."

"Really? So, who's that guy behind you?" Tanong nito na nakatingin sa gawing likuran niya.

"Ha? Wala naman akong─" pero pagpihit ni Janeth sa kanyang likuran ay kamuntik na siyang mangudngod sa matipunong dibdib ng isang lalaki. Pagtingala niya ay ang guwapong mukha ni Zaldy ang bumungad sa kanya. "I-Ikaw?" Bigla na lang kasing bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makita niya ang binata.

State of My HeartWhere stories live. Discover now