Chapter 08

2.1K 203 13
                                    

"OH MY GOSH, Janeth! May bago akong lipstick. Color pink." Iyon agad ang bungad ni Alyssa nang pumasok siya sa loob ng kanilang faculty. Katatapos lang ng klase niya kanina at break time na ni Janeth ng mga sandaling iyon.

"Ano naman ngayon kung may bago kang lipstick?" Pagkasabi ay umupo na si Janeth sa kanyang maharlikang silya. Aristokrata nga kasi siya kaya kailangan royal chair ang kanyang inuupuan. Haha! Cheret!

"Wala. Gusto lang kitang inggitin kasi bumagay sa labi ko ang kulay. Kissable na ulit." Hinila ni Alyssa ang isang upuan saka umupo paharap ng mesa ni Janeth at ngumuso nang todo-todo.

"Alyssa, para kang timang diyan."

"Correction, sis, timang na maganda ako." Sinabayan pa iyon ni Alyssa ng tawa.

"Teka nga, ano bang ginagawa mo rito sa faculty namin? Bawal ang English dito. Itinatakwil namin." Salubong kilay na tanong niya kay Alyssa.

Isang English Teacher si Alyssa. Nakasanayan na ni Alyssa na mangapit-bahay sa kanilang faculty kapag gusto nitong mangulit kahit nasa third floor ang English Faculty. Kaibigan din ni Janeth si Alyssa noong nasa college pa siya at kasakayan din niya ng trip sa buhay. Prangka, mahilig mambara, medyo pintasera, at all in all ay mabait naman ang buong DNA ni Alyssa.

"Ouch naman, sis, ha? Ano ito discrimination and prejudice with sexism?"

"Baliw! Bakit ka ba kasi naririto? Ginagambala mo na naman ang pananahimik ng faculty namin." Tanong na lang niya kay Alyssa.

"Pumunta ako rito para malaman kung totoo ba talaga na kayo na nga si Mr. Imperial?"

"Huli ka na sa balita, beh. Noong isang taon pa kami kinasal. Anak na lang ang kulang. Kaso masyadong pakipot ang irog ko. Dinaig pa ako." Gaya nina Apple at Arlyn ay alam din ni Alyssa na may lihim siyang crush kay Zaldy.

Tinawanan lang siya ni Alyssa. Pero makikita sa mukha nito na hindi naniwala si Alyssa sa kanyang gawa-gawang kuwento ng kabaliwan. "Baka hindi na crush 'yan, Janeth, ha? Baka mamaya, eh, in love ka na niyan."

"Hindi ako in love kay, Sir." Tanggi ni Janeth dahil hindi naman talaga siya totoong in love. Pero hindi na siya pinatulog pa ng mga sinabi sa kanya ni Jenica noong nakaraang gabi. Kaya hanggang ngayon ay tinitimbang at in-analyze pa rin niya ang kanyang damdamin para kay Zaldy.

"Masyado ka namang manhid, Janeth." Komento na lang sa kanya ni Alyssa.

Kaagad namang nagsalubong ang kanyang kilay sa tinuran na iyon ni Alyssa. "Paano mo naman nasabi na mahid ako?"

"Well, hindi pa kasi kusang natutuklasan ng sarili mo na in love ka na kay Sir. Kumbaga, kinikilala pa lang or on process pa lang ang love diyan sa utak mo. Pero 'yang puso mo, matagal na niyang tinitibok ang pag-ibig niya kay Sir." Paliwanag nito sa kanya.

"Para kang si Jenica. Halos hawig ang mga sinabi ninyong dalawa."

"Siyempre, sopistikada ako, eh." Alyssa flipped her hair while being proud of herself.

"Pero paano kung nalaman ko na nga na mahal ko Mr. Imperial, 'tapos hindi naman niya ako gusto o mahal, beh, masasaktan ba ako?" Minsan lang kasi siyang magmahal. Kaya kung magmamahal siya ay gusto niyang masiguro na mahal din siya ng lalaking mahal niya.

"Oo naman. Masakit kapag nalaman mong hindi ka naman pala mahal ng mahal mo."

"Well, kung ganoon ay ayoko na talagang ma-in love kung masasaktan lang din pala ako." Pagtatapos ni Janeth.

"Gaga ka ba? Mahalaga ang masaktan sa pag-ibig, Janeth, dahil doon nasusukat kung gaano mo nga siya kamahal pati kung gaano siya kahalaga at kaespesyal sa buhay mo."

State of My HeartWhere stories live. Discover now