Chapter 09

2.2K 202 4
                                    

PAPIKIT-PIKIT ang mga mata ni Janeth habang nakikinig sa meeting ng mga Principal ng iba't ibang schools na kung saan kasama sa naimbitahan sa meeting ang kanyang irog. They were talking about the K-12 Program . . . blah, blah, blah . . . at marami pang iba. Kung alam lang ni Janeth na meeting pala ang puputahan nila ni Zaldy ay sana hindi na lang siya sumama. Kaso, no choice siya dahil baka holdapin ng binata ang kanyang suweldo kapag hindi siya sumunod.

Sa katunayan ay ayaw na ayaw pa naman niyang makinig sa mga nakaaantok na meeting dahil pati siya ay inaantok din. Naiinggit nga siya kay Zaldy dahil hindi man lang tinatalaban ng antok ang binata. In fact, enjoy na enjoy pa nga ang kanyang irog na makinig at magtanong tungkol sa K-12 Program sa tagapangasiwa ng meeting. Kaya para kahit paano ay mawala ang antok na nararamdaman ni Janeth ay pinagmasdan na lang niya kung paano makipag-usap si Zaldy. Hay . . . kapag pinagmamasdan niya ang kanyang irog ay nawawala ang kanyang kapuguran.

Habang pinagmamasdan niya si Zaldy ay hindi malaman ni Janeth kung bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Mas mabilis pa iyon kaysa sa normal na tibok ng puso ng tao. At lalong bumilis ang pagtambol ng kanyang puso nang mapansin niyang muling sumilay ang mailap na ngiti ng binata. Hindi naman nagpapatawa ang tagapangasiwa ng meeting pero nakangiti pa rin si Zaldy. Siguro dahil nararamdaman ng binata ang malagkit niyang pagtitig? Pero imposible iyon.

Baka dahil sobra nang inaantok si Janeth na makinig sa meeting kaya kung ano-ano na ang kanyang nakikita. Hanggang sa naramdaman niyang unti-unti ay pumikit ang kanyang mga mata at nilamon ng antok. Nagising lang si Janeth nang mauntog siya sa kung saan. Magmumura na sana siya nang may marinig siyang nagsalita sa kanyang tabi.

"Mabuti naman at gising ka na."

Kaagad namang nilingon ni Janeth ang nagsalita at nakita niya si Zaldy na nagmamaneho habang ang pansin nito ay nakatuon sa binabagtas na daan ng kotse. Shucks! Nasa loob na pala siya ng kotse ni Zaldy. Biglang umayos sa pagkakaupo si Janeth matapos niyang mapagtantong tapos na pala ang meeting.

"Hala! Naku, Sir, sorry. Hindi ko sinasadyang makatulog sa meeting. Inaantok talaga ako kanina pasensiya na." Hiyang-hiya na paghingi niya ng paumanhin.

"Don't worry, hindi naman nagalit ang head ng DepEd. Sinabi ko sa kanila na masyado kang masipag magtrabaho kaya nakatulog ka na. Mabuti na lang at patapos na ang meeting nang makatulog ka."

Nakahinga naman nang maluwag si Janeth. "Eh, paano ako nakarating dito?"

"Binuhat kita."

"Ano?" Bulalas niya. No way! Binuhat siya ni Zaldy nang hindi niya alam? Naku! Nakahihiya na talaga! Baka mamaya nakita siya ng kanyang irog na tulo-laway. Kadiri!

"Sir, nakahihiya naman sa 'yo at binuhat mo pa ako. Sana pinabayaan mo na lang ako."

"Hindi kita puwedeng iwan doon. Ang ingay mo pa namang matulog."

Awtomatikong napasimangot si Janeth. So, narinig ng lahat kung gaano siya kabalahura matulog? Nakahihiya! Baka na-turn off na sa kanya si Zaldy.

"'Wag kang mag-alala, cute ka namang matulog." Nilingon niya si Zaldy ngunit hindi niya ito nakitaang ngumiti man lang.

"Ikaw, Sir, ha? Pinanonood mo akong matulog kanina, 'no?" May halong panunuksong tanong niya kay Zaldy.

"Hindi. Narinig ko lang na sinabi iyon ng may crush sa 'yo."

"Ha? Sino'ng may crush sa akin?" At nang magulpi niya! Cheret!

"Iyong katabi ko kanina. Balak ka raw niyang i-date." In fairness, may hitsura rin ang lalaking katabi kanina ni Zaldy sa meeting room. Pero hindi tipo ni Janeth ang lalaki.

State of My HeartUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum