Chapter 28

2K 173 12
                                    

YUMMY Bakeshop, ang loser bakeshop ni Lovely. Cheret!

"Utang na loob, Zaldy! Walang ganyanan!" Mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Lovely kay Zaldy na ngayon ay kaunting galaw lang ng dalaga ay mahahalikan na nito ang binata. Nakasandal kasi si Lovely sa display panel ng mga tinapay habang nakaharang sa harap si Zaldy.

"Just answer my question." Seryosong tanong ni Zaldy kay Lovely.

"Paano ko naman kasi sasagutin 'yang tanong mo kung masyadong malapit 'yang pagmumukha mo sa akin?!" Naiinis na tanong ni Lovely.

"Any minute parating na si Reymark kaya kung hindi ka pa sasagot diyan, makikita niya tayo sa ganitong hitsura at iisipin niya na niloloko mo siya." Banta pa ni Zaldy.

Gumuhit ang alarma sa mukha ni Lovely matapos iyong marinig. "Ang sama mo! Isusumbong talaga kita kay Janeth!"

Mabilis namang lumambot ang emosyon sa mukha ni Zaldy nang banggitin ni Lovely ang pangalan ni Janeth. "Sabihin mo na sa akin kung sino ang crush ni Janeth kung ayaw mong ako naman ang maging dahilan ng paghihiwalay ninyo uli ni Reymark."

This man is so really evil when it comes to Janeth!

"Bakit hindi mo 'yan itanong kay Janeth?"

"She doesn't want to talk to me."

"Eh, bakit kasi ako pa? Puwede naman kasi 'yong iba kong kaibigan, eh!"

"Sinubukan ko rin silang tawagan pero ayaw nilang sagutin ang tawag ko." Nai-stress na sagot ni Zaldy.

"Kaya ako ang ginugulo mo ngayon? Susmiyo naman! Bakit pati love life ko dinadamay mo sa problema ninyo?" Nai-stress na sambit ni Lovely.

"Dahil alam kong may alam ka kung sino ang crush ni Janeth."

"Bakit ba kasi napaka-big deal sa 'yo kung sino'ng Poncio Pilato ang crush ni Janeth? Zaldy crush lang 'yon bakit nagkakaganyan ka?"

"Hindi ko rin alam. Pero sa tuwing nakikita ko si Naeji gusto, ko siyang sapakin!"

"Teka! Bakit nasama naman sa usapan natin si Naeji?"

"Hindi ko rin alam."

"Ang labo mong kausap!"

"Nagseselos ako sa kanya!"

"Nagseselos ka kay Naeji? Ano ba'ng kinalaman ni Naeji sa problema ninyo ni Janeth at pati siya damay?"

"He just kissed Janeth a while ago. At nagseselos ako kay Naeji dahil siya ang pinapansin ni Janeth. Kaya malakas ang kutob ko na maaaring ang sira ulo kong kaibigan ang crush ng kaibigan mo." Paliwanag ni Zaldy sa pagitan nang matinding selos.

"What? Sa lips?"

"Sa pisngi."

Isang malutong na kaltok sa ulo ang natamo ni Zaldy mula kay Lovely dahilan upang umaray siya at lumayo nang kaunti sa dalaga.

"Why did you do that?" Naiinis na tanong niya kay Lovely habang himas-himas ang nasaktang ulo.

"Wala. Trip ko lang. Para matauhan ka."

Tiningnan niya nang masama si Lovely.

"Okay, fine! Para matahimik ka na. Sasabihin ko na." Muling lumambot ang expression sa mukha ni Zaldy. "Hay naku! Ang mga taong in love nga naman, gagawa at gagawa talaga ng paraan! Pero hindi kasing abnormal ng naisip mo, Zaldy. My gee! Gusto mo pang sirain ang maganda kong love life para lang malaman kung sino ang crush ni Janeth?"

"Tama na ang satsat. Sabihin mo na kung sino." Seryoso at naiinip na sambit ni Zaldy.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ang totoo niyan ay ikaw lang ang nag-iisang crush ni Janeth."

State of My Heartحيث تعيش القصص. اكتشف الآن