Chapter 15

2K 194 12
                                    

"GIVE me one piña colada!" Bad trip na sabi ni Janeth sa harap ng bar counter. Pero agad din siyang binatukan ng nakatokang bar tender na naroroon. "Ang sabi ko, one piña colada. Hindi ko sinabing batukan mo ako, impakta ka!" Inis na reklamo ni Janeth.

"Hoy, Janeth! Ano na naman bang drama mo ngayon sa buhay, ha?" Tanong sa kanya ni Ela na naka-duty bilang bar tender sa Zed's Bar and Restaurant. Lalong bumusangot ang mukha ni Janeth.

"Ela, ang pinakamaganda kong kaibigan . . . " malungkot at nakasimangot na sambit ni Janeth habang nakaupo siya sa mataas na stool sa harap lang ng bar counter.

"O?" Walang pakialam na sagot sa kanya ni Ela habang pinupunasan ang mga wine glass na naroroon sa ibabaw ng counter.

"Isang buwan akong suspendido sa school at dalawang linggo na akong wala sa klase." Mangiyak-ngiyak niyang sumbong sa kanyang kaibigan.

"Eh, ano naman ang gusto mong gawin ko ngayon?" Tanong sa kanya ni Ela nang ihinto nito ang ginagawang pagpupunas ng mga wine glass upang kausapin si Janeth.

"Awayin mo si Maeris." Nakasimangot pa rin si Janeth.

"At bakit ko naman siya aawayin? Close ba kami ng bruhang 'yon?"

"Wala lang. Pakiramdam ko kasi, ngayong suspendido na ako sa trabaho ko, sigurado akong nagpapa-fiesta na ang impaktang bruhang 'yon dahil wala na ako sa faculty. I'm sure, pinagtatawanan na niya ako at nagrereyna-reynahan na ang bruha!"

Matapos ang pangyayari sa Mathematics Faculty ay mabilis kaagad kumalat ang chismis tungkol sa usaping iyon. Sira na ang image ni Janeth sa lahat maging sa mga estudyanteng kanyang tinuturuan. Nabalitaan nga rin niya kina Apple, Arlyn, at Alyssa sa pamamagitan ng text message na tinanggal na raw ni Zaldy sa trabaho si Macky.

Ngunit ang balita na kumakalat na kakabit ng kanyang pangalan ay hindi pa rin mamatay-matay. Isa raw siyang malanding teacher. Meron pa nga na nagsasabing ang pangit-pangit daw ng kanyang ugali dahil nagawa raw niyang ibato ang silya kay Macky na pinaka-heartthrob teacher ng St. Archangel High School. Marami na ring anti-Janeth sa kanilang school.

"Gusto ko nang pumasok. Nami-miss ko na ang magturo." Hindi pa rin nawawala ang lungkot sa mukha ni Janeth habang nakapangalumbaba siya sa counter.

"Tapusin mo muna 'yang suspension mo." Ela gave her piña colada.

"Libre?" Tanong niya kay Ela matapos kunin piña colada saka sinimulang haluin ang black straw niyon at sumipsip. Ah . . . so refreshing! Nakakawala ng stress!

"Ayaw mo? Minsan lang akong manlibre kapag down na down ang kaibigan ko."

"Yeah. May pagkamadamot ka kasi minsan."

"Hoy, hindi ako madamot, 'no!" Mabilis na protesta sa kanya ni Ela saka muling binalik ang pansin sa pagpupunas ng mga wine glass sa counter. Ngunit mayamaya rin at ibinaba nito ang wine glass maging ang puting pamunas saka nagpaalam kay Janeth. "Magsi-CR lang muna ako."

Naiwan naman si Janeth na kaulayaw ang in-order niyang piña colada. Kapag ganoong bad trip at wala siya sa mood, lahat ng tao ay kaaway niya.

"Bad trip ka ba, Miss?" Tanong sa kanya ng lalaki na umupo sa bakanteng stool na katabi lang niya.

"Hindi. Laughtrip nga ako rito, eh." Sarkastikong sagot ni Janeth nang hindi man lang nililingon ang lalaki.

"Mukhang problemado ka, Miss. Lalaki ba?"

"Kinakausap ba kita?" Mataray niyang tanong nang tuluyan na niyang nilingon ang lalaki.

"Hi! I'm Zed. The handsome owner of this bar and restaurant." Nakangiti at masiglang pakilala sa kanya ng lalaki. Guwapo, matangkad, at may magandang ngiti.

State of My HeartWhere stories live. Discover now