Chapter 14

1.9K 185 13
                                    

IBINAGSAK ni Maeris sa ibabaw ng mesa ni Janeth ang limang blue folders. Sa gulat niya ay bigla siyang napaangat ng kanyang ulo mula sa pagkakasubsob sa kanyang mesa. Nakita niya ang bruhang si Maeris at tinaasan siya ng kilay. Tss! Panira naman ng moment, o! Hindi pa nga siya nakare-recover sa kiss ni Zaldy, saka naman bigla-bigla may bruhang magpapakita sa kanya.

"Ano ba? Hindi ka ba marunong bumasa ng do not disturb while I'm sleeping?" Mataray na tanong niya kay Maeris. Ayaw niya ring may umiistorboo sa kanya lalo na kapag impakta ang ugali.

"Do not disturb while your sleeping? Kailan pa 'yan nauso?" Tanong sa kanya ni Maeris na para bang gusto siya nitong kaltukan sa kanyang kalokohan.

"Kanina lang." Saka ipinakita pa ni Janeth kay Maeris ang bagong laminate na ginupit na kartolinang nagsasabing: do not disturb Aristokrata while sleeping.

"Kalokohan." Ang tanging nasabi sa kanya ni Maeris.

"At para saan naman ang mga folder na 'yan? Don't tell me, ako pa ang magsusulat niyan para sa 'yo? Close ba tayo?" Mataray na tanong ni Janeth.

Maeris crossed her arms over her chest while her one brow na may kulay brown eyeliner ay nakataas. "Actually, I was forced to give those folders to you."

"Mga last will mo ba ito? Sorry, aristokrata ako kaya hindi ko kailangan ng last will mo."

Pero hindi pinansin ni Maeris ang kanyang patutsada. "Ibigay mo 'yan kay Macky sabi ni Mrs. Santiago. May mga nakalimutan pa raw siyang compute-in na grades ng students niya. At pakisabi rin na pinapa-revise 'yan ni Ma'am."

"Ikaw na lang. Tinatamad ako." Halata namang kay Maeris ibinigay ang folders na 'yon. Pagkatapos siya ang uutusan ng bruha para ibigay 'yon kay Macky?

"Or else, isusumbong kita kay Mr. Imperial na natutulog ka sa oras ng trabaho."

Padabog na kinuha ni Janeth ang mga folders saka siya tumayo. "Narinig mo 'yon? Nagdadabog ako."

"I don't care." Sabay irap ni Maeris.


HABANG naglalakad si Janeth sa hallway na dala ang mga folder para kay Macky ay hindi pa rin niya maiwasang maalala ang nangyari sa pagitan nila ni Zaldy. Hindi pa rin maalis sa isip ni Janeth ang nabuong konklusyon sa kanyang nararamdaman para sa binata kaya nga puyat siya at antok na antok ng mga sandaling iyon.

Pasalamat ang Maeris na iyon at hindi siya naalimpungatan. Kung hindi ay baka nakalmot na niya ang mukha ng bruhang iyon. Kung hindi nga lang utos iyon ni Mrs. Santiago ay hindi niya susundin ang utos sa kanya ni Maeris. Pero never na uling mangyayari iyon. Luluhod muna si Maeris sa kanyang harap bago niya sundin ang bruhang iyon.

Mayamaya ay huminto si Janeth sa tapat ng Mathematics Faculty. Kumatok muna siya bago binuksan ang pinto ng faculty. Mula sa gitnang bahagi ng silid ay nakita niya si Wela na nagsasalansan ng mga kuwaderno na sa tingin ni Janeth ay kakokolekta lang mula sa mga estudyante nito.

"Si Macky? Na saan siya?" Tanong niya kay Wela. Oras pa ng klase ng ibang mga guro kaya wala pang katao-tao sa loob ng faculty maliban kay Wela.

"Hindi ko alam." Kaswal nitong sagot sa kanya. Matapos salansanin sa isang tabi ang mga kuwaderno ay hinarap siya ni Wela. "Kung gusto mong hintayin si Macky, dumito ka na muna. Pakibantayan na rin saglit nitong faculty namin. May kukunin pa ako sa labas."

Aba, hindi nagtaray ang bruha. Pagkasabi ni Wela ay lumabas na ito ng faculty at iniwang nakabukas lang ang pinto ng silid. Mayamaya rin ay nakarinig si Janeth ng pagsara ng pinto hanggang sa may taong yumakap mula sa kanyang likuran.

State of My HeartWhere stories live. Discover now