Chapter 12

1.8K 187 4
                                    

HALOS sumakit ang ulo ni Janeth pagpasok niya sa loob ng bus. Para kasing mga nakawalang hayop sa hawla ang kanyang mga estudyante. Ang wa-wild! Ang lalakas ng mga trip! May mga lumabas ang kalandian! At higit sa lahat naging pugad ng mga lecheng mag-couple students ang bus nila! Field trip kasi nila ng araw na iyon at kahit tinatamad si Janeth ay sumama pa rin siya sa trip ng kanyang advisory class.

Hindi raw kasi mabubuhay ang kanyang mga estudyante kapag wala raw siya. Pweh! Sapakin kaya niya mga estudyante niya? For sure, gusto lang ng mga estudyante niyang sumipsip para dagdagan na naman niya ang grades ng mga ito. Pero kahit na labag sa kalooban niya ay sumama na rin siya. Minahal na rin kasi niya ang kakulitan ng kanyang mga estudyante.

"Hoy, Section Sapphire! Aba! Pati ba naman sa bus naglalako pa rin kayo ng ingay? Mahiya nga kayo kay manong driver. Hindi tuloy siya nakakapag-concentrate sa pagkakape niya." Sita niya sa kanyang mga makukulit na estudyante.

Tumawa lang ang kanyang mga estudyante pati na rin ang kanilang nananahimik na bus driver. Kainis! Pagtawanan ba naman daw siya? Mayamaya ay binalingan ni Janeth ang tatlo niyang babaeng estudyante na malapit lang sa unahan.

"Kayo naman Maria, Leonora, at Teresa, humiwalay nga kayo riyan sa mga boyfriend ninyo. Kaya nadaragdagan ang noise pollution dahil tabi-tabi na naman kayo."

"Si Ma'am talaga ang KJ. Dito na lang kasi ninyo pasakayin si Mr. Imperial para hindi ka nabi-bitter sa amin na masasaya ang mga love life."

"Huuu! Mabuhay ka, Junior!" Masigabong pag-cheer ng mga estudyante ni Janeth sa kamag-aral.

Tumirik lang ang mga mata ni Janeth sa sinabi ng pinakamakulit niyang estudyante. Kung dala nga lang niya ang kanyang class record ay baka namarkahan na niya ng red ballpen ang recitation ng mga estudyante niya.

"Hoy, tigil-tigilan nga ninyo kami ni Mr. Imperial. Kayo talaga napaka-issue ninyo. Ibagsak ko kayo sa subject ko?"

Sangkatutak na "Ma'am naman, eh . . ." ang inani ni Janeth.

"Ma'am naman, eh!" Gaya niya sa mga kanyang mga estudyante. "Kung ayaw ninyong ibagsak ko kayo, tigilan na ninyo kami ni Sir, okay? Hindi ko siya boyfriend kaya walang love team sa amin."

"Eh, pero, Ma'am, guwapo naman si Mr. Imperial. Hindi ka ba tinatamaan sa kanyang kaguwapuhan?"

"Oo nga, Ma'am," sang-ayon naman ng katabi ng nagtanong sa kanya. "Ang dami-dami kayang nagkaka-crush kay Mr. Imperial na single and married teachers. Pero hindi po ba sumagi sa isip mo na magka-crush sa kanya?" Sumegunda naman ang buong klase.

"Aba't! Hindi lang kayo maiingay, mga chismoso rin pala kayo, ano?" Grabe! Isalang ba naman daw siya sa hot seat? Upakan kaya niya ang mga pasaway niyang estudyante?

"Sige na, Ma'am. Sagutin na lang ninyo ang nag-iisa naming tanong. Promise, hindi ka na talaga namin kukulitin. Magpapakabait na kami."

Asa! Pero dahil parang mga anak na rin ni Janeth ang kanyang mga estudyante, eh, di go, go, go na lang! Hindi naman na naiba sa kanya ang kanyang mga estudyante. Saka, kapag may love problem naman ang isa sa mga estudyante niya, eh, sila rin ang unang nag-a-approach sa kanya at nag-o-open up ng kanilang mga problema. At saka, sila-sila lang naman ang magkakarinigan─isama na rin niya si manong driver─kaya pagbibigyan niya ang kahilingan ng kanyang mga pasaway na estudyante.

"Okay, fine! Sasagutin ko na 'yang tanong at nang manahimik na 'yang mga kaluluwa ninyo. Oras lang na may magkuwento sa inyo nito, lalo ka na manong driver, ha-hunting-in ko talaga kayo." Pagbabanta niya sa lahat.

Natawa lang ang kanyang mga estudyante sa sinabi niya pati na rin si manong driver. Nanahimik naman agad ang lahat pagkatapos ay nakinig kay Janeth.

"Yeah, I admit that his handsomely serious, sweet, and nice guy. Kaya imposibleng hindi ako tamaan ng kanyang kabutihan. I crush him." Mayamaya ay nagtawanan ang mga sira ulo niyang estudyante.

'Ta mo mga ito! Seryosong-seryoso siyang nagtatapat ng paghanga niya para sa kanilang Principal. Pero ang mga sira ulo ay pinagtatawanan lang siya!

"Ma'am! Bakit naman I crush him? Parang ang baho naman pakinggan."

"Kasi nga crush ko siya. Kaya, I crush him." Pagilinaw niya sa lahat.

Pero pinagtawanan lang siya ng mga pasaway. Mga bastusing bata!

"Manahimik na nga lang kayo." Saway na lang ni Janeth sa lahat. "Ngayong alam na ninyo ang secret ko, siguraduhin lang ninyo na hindi ito malalaman ni Mr. Imperial. Tanda ko 'yang mga hilatsa ng pagmumukha ninyo lalo ka na manong driver─"

"Ano'ng hindi ko dapat malaman, Miss Frando?"

Naglaho ang ingay sa buong bus. Naghari ang katahikan. Kruuu . . . kruuu . . . kruuu . . .

Nilingon agad ni Janeth ang nagsalita sa kanyang likuran and boom panes! Her handsome Principal is here!

"Mr. Imperial . . ." pagre-recognize niya sa binata at muli niyang binalingan ang kanyang mga mag-aaral. "Section Sapphire, nakatulala na naman kayo riyan. Batiin naman ninyo si Sir." Utos niya sa buong klase na sinunod naman ng lahat.

"Good morning, Mr. Imperial! We're glad to see you, maaaaaBUHAY!" Sabay-sabay na pagbati ng mga mag-aaral ni Janeth na kinikilig pa ang karamihan sa kanila. Pinanlakihan lang ng kanyang mga mata ang mga estudyante niya para balaan na itikom ang kanilang mga madadaldal na bibig. Binalingan uli ni Janeth si Zaldy.

"Good morning, Mr. Imperial." Bati niya sa binata. Wow! Naging pormal agad ang banat niya! Haha! "What are you doing here? May kailangan ka ba, Sir?"

"Meron, ano'ng hindi ko dapat malaman?"

"Ah! Wala 'yon, Sir. Nang-iintriga lang ang mga estudyante ko kung may crush daw ba ako."

"Sir! Gusto ba ninyong malaman kung sino ang crush ni Ma'am Janeth?"

"Erick, hawak ko ang class record mo . . ." ngingisi-ngising nanahimik ang madaldal niyang estudyante sa kanyang banta.

"Sir, 'wag na lang ninyong pansinin ang mga estudyante ko. Masyado kasi silang excited ngayon sa field trip. Hindi tuloy nila alam kung saan nila unang ide-date ang mga syota nila." Umulan ng tuksuhan sa kanyang mga estudyante. Muling sinaway ni Janeth ang mga pasaway. "Ikaw, Sir, bakit ka naririto?"

"Puno na kasi ang mga bus. Kaya rito na lang ako makikiupo sa bus ninyo."

"Sigurado ka, Sir? Maiingayan ka lang sa amin. Sanay ka pa naman siguro sa katahimikan."

"Okay lang. Basta naririto ka, okay lang." Tuluyan nang umupo si Zaldy sa unahang puwesto sa kanang panig ng bus. "Miss Frando . . ." tawag sa kanya ng binata.

"Bakit, Sir?" Tinapik naman ni Zaldy ang upuan sa tabi nito na malapit sa bintana ng bus.

"Umupo ka na. After one minute ay aalis na tayo." Isang beses pa nitong tinapik ang upuan nang hindi siya kumilos.

Umugong tuloy ang tuksuhan sa buong bus nang sundin ni Janeth ang utos ni Zaldy. Gusto ring mainis ni Janeth dahil nakisabay rin sa trip ng mga estudyante niya ang kanyang puso. Bakit naman kasi sa bus pa nila makikiupo si Zaldy?

May kotse naman ang binata. Kaya bakit hindi iyon gamitin ng kanilang Principal? Maya't maya na lang kasi siyang nabubulabog sa presensiya ni Zaldy. Tulad noong huli silang magkasama sa Rainforest. Ang hirap kayang magpigil ng kilig! Mayamaya ay tumayo uli si Janeth saka hinarap ang buong klase nang lumakas na naman ang ingay.

"Section Sapphire! Okay lang mag-ingay 'wag lang sobra. Tandaan ninyo, naririto ang Principal ko─este, Principal natin. Nagkakaintindihan ba tayo?" At sabay-sabay na sumagot ng opo ang kanyang mga pasaway na estudyante.

Muli namang umupo si Janeth na hindi nililingon ang kanyang katabi na kanina pa nakatitig sa kanya.

"Ayaw mo bang katabi kita?" Tanong sa kanya ni Zaldy.

Nilingon tuloy niya ang kanyang irog. No choice, eh. Baka magtampo hubby niya at isiping meron silang LQ.

"Okay lang, Sir. Gusto nga kitang katabi kasi mabango ka." Biro pa niya. "Saka masyado lang akong nai-stress sa mga makukulit kong estudyante. Ako na ang humihingi ng pasensiya sa kakaibang ugaling meron sila."

Mayamaya ay naramdaman na lang ni Janeth na bumibiyahe na sila. Tuwang-tuwa naman mula sa kanilang likuran ang kanyang mga estudyante sa mga magagandang tanawin na nadaraanan ng bus. Halos matuyuan ng laway si Janeth dahil hindi na siya kinausap pa ni Zaldy matapos ang usapan nila kanina. Sa kabuuan ng biyahe ay hinila ng antok si Janeth.

State of My HeartWhere stories live. Discover now