Chapter 13

1.8K 181 4
                                    

NAGISING si Janeth mula sa kanyang mahimbing na pagtulog nang dumulas ang ulo niya mula sa upuan na kanyang sinasandalan.

"Be careful . . ." tuluyang nagising ang diwa ni Janeth nang maramdaman niya ang pag-alalay sa kanya ng isang matatag na bisig.

Pagmulat ng kanyang mga mata . . . she was greeted by Zaldy's handsome face. Lalong nataranta ang kanyang puso nang unti-unting ilapit ni Zaldy ang mukha nito sa kanya. Halos gadangkal na lang ang layo ng ilong nito sa kanyang ilong and she felt his minty breath touching her face.

Lord! Ito na ba 'yon? Matutupad na ba ang wish ko na mahalikan uli ako ng isang Zaldy Imperial?

"Ah . . . eh . . . S-Sir─" Nabitin ang sasabihin niya nang may kung anong tinanggal si Zaldy sa gilid ng kanyang mata.

"May muta ka."

Iyong feeling na gusto niyang makasakal? Oo, gusto niyang sakalin ng mga oras na iyon si Zaldy sa pambabasag nito sa kanyang pangarap!

Naman! Ang future ko! Ang kinabukasan ko!

Pero alam ni Janeth na wala siyang muta sa kanyang mga mata. Mukhang inaasar lang siya ni Zaldy kaya naisip niyang itulak nang bahagya ang binata palayo sa kanya.

"Alam mo basag trip ka rin, eh, 'no?" Naiinis na sabi niya sa binata.

"Hey, what did I do?" Nalilitong tanong nito sa kanya.

"Ewan! Paasa ka!" Saka niya inirapan ang kanyang irog.

"Teka, iniisip mo ba na hahalikan kita?"

"Duh? Iniisip ko pa lang na hahalikan mo ako ay kinikilabutan na ako." Weeeh? 'Di nga, Janeth?

Janeth saw a mischievous spark in his eyes. Teka, nagpipigil ba si Zaldy na ngumiti?

"Ibig sabihin, hindi totoong iniisip mo ako dahil sa kabaitan ko. Kundi ako talaga mismo ang iniisip mo." Pambubuko sa kanya ng binata.

"'Wag ka ngang sinungaling! Ang sabihin mo, gusto mo lang talaga akong harass-in."

"Hindi kita hina-harass. Inalalayan lang kita kanina dahil muntik ka nang mahulog sa kalikutan mong matulog."

"Hindi naman 'yon ang tinutukoy ko, eh. Iyong kani-kanina lang na ginawa mo sa akin."

"Wala akong naaalalang na-harass kita kanina."

"Hindi mo maalala? Puwes, ide-demo ko sa 'yo ang ginawa mong pangha-harass sa akin kanina."

Mabilis na inilapit ni Janeth ang kanyang mukha kay Zaldy dahilan upang matitigan niya nang mabuti ang magaganda mga mata ng kanyang irog. Shet! Ang bango-bango talaga ng kanyang irog kahit kailan! Ramdam din niya ang mabangong hininga nito at ang peste niyang puso, ayon! Nagririgodon na naman!

"Ganito kaya ang ginawa mo kanina." Sabi niya kay Zaldy.

"Miss . . . hindi ako ganyan mang-harass. Ganito."

Napatili si Janeth nang malakas nang isandal siya ni Zaldy sa bintana ng bus. She was also trapped by his two arms. Kaya naman wala siyang malulusutan idagdag pa na masikip ang distansya nila sa isa't isa at napapansin niyang hindi na talaga nagiging maganda ang tibok ng kanyang puso.

Zaldy brushed some strands of her hair and insert it behind her ear. Pu─tarages! Bigla siyang kinapos ng hininga sa simpleng gesture nito! At lalong gumuwapo si Zaldy sa kanyang paningin nang gawin nito iyon sa kanya.

"Z-Zaldy . . ." that was the first time she called him directly by his name.

"Yes, Janeth?" Napalunok siya sa husky voice nito. Gosh! Wala na bang ibang gagawin sa kanya si Zaldy kundi bulabugin ang kanyang puso?

"'Wag kang ganyan, Sir. V-Virgin pa ako." Sabi niya sa kanyang irog na halos hindi na niya masalubong ang tingin nito sa kanya.

Idinikit ni Zaldy ang noo nito sa kanyang noo niya while looking at her . . . lips. "What if I kiss you . . . magsusumbong ka ba?"

Kung ikaw ba naman ang hahalik sa akin, aba! Gorabels lang!

"Zaldy─" her mouth shut when his lips touched hers. Her eyes open wide. Kasabay niyon ay ang pag-Roar ng awitin ni Katty Perry.

I got the eye of the tiger, fighter, dancing through the fire. 'Cause I am the champion and you're gonna hear me ROOOOOAR!Pero sa isip lang niya nag-Roar si Katty Perry.

"Janeth! Kanina ka pa namin hinahanap─"

Lumipat ang tingin ni Janeth sa nagsalita. Then, she saw Apple's jaw dropped. Humiwalay naman agad sa kanya si Zaldy at nilingon nito si Apple na mouth open open pa rin.

"Bakit, Miss Paragatos? May kailangan ka ba?" Halata sa boses ni Zaldy na para bang naistorbo. Teka! Nabitin ba ito sa kiss nila?

"Apple!" Boses ni Arlyn ang narinig ni Janeth mula sa labas ng bus. "Nariyan ba si Janeth?"

"Oh my gosh, Arlyn . . . mukhang nauna na yata sina Janeth. Wala na sila rito!" Sabi ni Apple na hindi inaalis ang tingin sa kanilang dalawa ni Zaldy.

Oh, nose! This is showbiz!

"Sir, sorry kung nakaabala ako sa inyo." Pagkasabi ay saka kumaripas na palabas ng bus si Apple.

Saka lang naalala ni Janeth ang kanyang mga estudyante. Kaya tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo pero wala na ang lahat.

"Na saan na sila?"

Tiningala lang siya ni Zaldy. "Kanina pa sila nauna sa loob ng Enchanted Kingdom."

"Bakit hindi mo man lang ako ginising agad?"

"How can I wake you up when you sleep heavenly in my shoulder?"

Natameme siya. So, buong biyahe pala ay nakaunan ang ulo niya sa balikat ni Zaldy at hindi man lang siya nito ginising? Pagkatapos, ninakawan na naman siya nito ng halik!

"You stole another kiss from me! I hate you!"

"You're welcome." Bale walang sagot sa kanya ni Zaldy saka tumayo.

Napaatras pa si Janeth dahil sa tangkad ni Zaldy. And he hold her hand without her permission.

"Bitiwan mo nga ako." Pero hindi naman siya nakapalag nang kabonggahan. Gusto rin naman kasi niya.

"You want me to steal another kiss from you? O, lalabas tayo rito sa bus nang payapa?"

"Fine!" Pagsuko na lang ni Janeth.

Naging masaya naman ang kabuuan ng field trip nila. Lahat ng rides pinuntahan nina Janeth at ng mga estudyante niya. Nagselfi-selfie, bumili rin ng souvenir items, nagbasagan ng trip, nag-soundtrip, at siyempre kinulit naman siya ni Apple kung sila na ba talaga ni Zaldy dahil na rin sa tagpong nasaksihan ng kanyang kaibigan kanina sa kanilang bus.

Siyempre, tinanggi pa rin iyon ni Janeth. Pero ang bruha! Ichinismis na pala nito ang nangyaring kissing scene nila ni Zaldy sa buong tropa dahilan upang makatanggap si Janeth ng sangkatutak na mga text message mula sa kanyang mga echoserang kaibigan.

Bukod diyan ay hindi na niya kinausap o nilingon pa si Zaldy noong pauwi na sila. Sa tuwing gagawin kasi niya iyon ay palaging nahuhuli ni Janeth na nakatingin lang sa kanya si Zaldy. Mukha ngang sa buong biyahe nila ay siya lang ang tinitingnan ng kanyang irog and she was soooo kinikilig!

State of My HeartOnde histórias criam vida. Descubra agora