Chapter 26

2K 174 10
                                    

"MALIGAYANG pagtanda, Lovely!" Bati ng mga kaibigan ni Janeth sa kanilang birthday girl na si Lovely. Naroroon uli sina Janeth sa bakeshop ni Lovely, as usual. Tig-limang miyembro ang nakaupo sa dalawang mesa na kanilang inookupahan sa mga sandaling iyon.

"Wow! Thank you sa mga regalo ninyo. Marami na naman akong sisiraing gift wrappers." Nakangiting pasasalamat ng kanilang kaibigan.

"Sus! Limang piso lang 'yan. Kaya kayang-kaya ka naming tambakan ng gift wrappers." Buong pagmamalaking sabi ni Emjane.

"Teka nga Lovely, na saan na ba ang boyfriend mo? Akala ba namin pupunta siya rito?" Punang tanong ni Jenica.

"Malay ko sa isang 'yon. Basta ang sabi niya, may bibilihin lang daw siyang mahalagang bagay para sa kaibigan niya."

"Baka naman para sa kabit ni Reymark ibibigay ang mahalagang bagay na 'yon." Komento naman ni Chelo pagkatapos ay kumagat sa hawak na tinapay.

Winisikan lang ni Lovely ng tubig mula sa baso si Chelo. "Masama kang kaibigan!"

"Hindi naman. Beri-beri layt lang."

"Hoy teka, sandali mga babaita!" Ani ni Lovely habang binibilang ang mga regalong natanggap habang nakapatong sa isang mesa. "Bakit eleven lang ang gifts ko? Na saan pa ang tatlo?"

"Nasa ibang bansa pa sina Rae at Angie kaya 'wag mo muna silang hanapan ng regalo." Komento ni Jill na nakaupo sa ikalawang mesa.

"Eh, sino pa ang isang kulang?" Nagtatakang tanong pa nito.

Mayamaya ay lumipad ang buong pansin ng tropa kay Janeth na sa mga sandaling iyon ay kanina pa nanahimik sa tabi ni Ela habang nilalantakan ang kinakaing kalamay.

"O? Bakit nakatingin kayo sa akin?" Takang tanong ni Janeth sa mga kaibigan niya.

"Na saan ang regalo ko?" Tanong sa kanya ni Lovely.

"Sorry, Lovely. Wala akong regalo ngayon. Pass muna ako." Meron naman talaga siyang regalo. Gusto lang niyang pakabahin si Lovely para sa kanya lang mapunta ang pansin ng lahat. Aristokrata nga kasi siya. Haha!

"Sige, isuka mo 'yang kinakain mo. Now na!" Utos ni Lovely.

"Joke lang! Meron talaga akong gift sa 'yo." Ayaw niya kayang sumuka. Eew! Hindi naman nagtagal ay inabot niya kay Lovely ang kanyang regalo na nakalagay sa paper bag.

"What?" Bulalas ni Lovely nang makita nito ang laman ng regalo ni Janeth. "Isang T-shirt na may mukha ni Kean?"

"Janeth! Bakit mo inaahas si Kean ko!" Reklamo agad ni Ela nang balingan si Janeth.

"Bakit? Masama bang maki-idol sa idol mo?"

"Oo!" Sagot ng lahat.

"Ang sama ninyo! Bakit naman?" Nakaaasar talaga minsan ang mga kaibigan niya! Ang ke-KJ!

"Kasi si Zaldy lang ang idol na crush mo." Sagot naman sa kanya ni Karlene na katabi lang ni Janeth sa kabila.

"Ha? Sino naman ang taong 'yon? Kilala ko ba 'yon?" Simula nang mag-resign si Janeth sa SAHS ay kinalimutan na rin niya kung sino ang lalaking iyon.

"Naku! Si Janeth may amnesia na!" Nagpa-panic na sabi naman ni Jill.

"Dali! Buhusan natin ng tubig baka maalala niyang mahal pala niya si Zaldy na kanyang irog!" Tukso naman ni Belle.

"Kakaratehin na lang kita, Janeth." Sabi ni Arlyn na in-exercise ang leeg nito.

"Ewan! Kumain na nga lang tayo!" Sabi naman ni Apple na kinulong na ang sarili sa kinakaing tinapay.

State of My HeartWhere stories live. Discover now