Chapter 04

2.5K 222 15
                                    

"KAINIS nga, eh. Na-late ako kanina." Kuwento ni Janeth kay Apple nang sabay silang pumasok sa loob ng kanilang faculty. Nasa mga klase pa ang iba nilang co-teachers kaya silang dalawa lang ang naroroon ni Apple ng mga sandaling iyon.

Kaagad namang tinungo ni Janeth ang kanyang mesa saka ipinatong sa ibabaw niyon ang aklat na kanyang dala maging ang plastic ng late breakfast niya. Ganoon din ang ginawa ni Apple. Inilapag din nito ang mga dala-dalang teaching materials sa ibabaw ng sariling mesa. Pagkatapos ay dali-dali nitong hinila ang sariling silya sa harap ng mesa ni Janeth.

Doon sana sila sa Teachers' Canteen magla-lunch, kaso mas pinili na lang ni Janeth na roon na lang sa kanilang faculty kumain para walang ibang tao ang makakikita kapag tinamaan siya ng kanyang kabaliwan. Nag-text na rin si Janeth kay Arlyn na roon na lang sa Filipino Faculty dumiretso pagkatapos ng klase nito.

"Kasi naman, ano ba'ng silbi ng alarm clock mo? Akala ko ba maayos na 'yon?" Tanong sa kanya ni Apple nang makaupo sa sariling silya.

"Hindi sira ang alarm clock ko at maaga akong umalis kanina sa bahay. Nabulilyaso lang ang pagpasok ko nang dahil sa traffic."

"Kahit ano pa'ng gawin natin, hindi na mawawala ang traffic sa Pilipinas. Kaya tayo na lang ang mag-adjust."

Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto ng kanilang faculty at pumasok sa loob si Arlyn. Nakasuot ang kaibigan nila ng yellow and white T-shirt, black jogging pants, at tinernuhan ng puting rubber shoes. Dala rin nito ang sariling lunch box at tumbler. Pawisan at halata ring pagod si Arlyn.

Physical Fitness kasi ang itinuturo ng kanilang kaibigan. Kaya kinailangan ni Arlyn na higpitan ang pagbabantayan sa mga estudyante nito sa ground floor. Mga bulakbol, barumbado, at mahilig sa cutting classes pa naman ang mga estudyante ni Arlyn. Kaya doble talaga ang pagbabantay na ginagawa ni Arlyn para walang magrambulan sa mga estudyante nito.

"Ano? Kaya pa?" Bungad na tanong ni Apple nang ilapag ni Arlyn ang mga dala-dala sa ibabaw ng mesa ni Janeth.

"Pinagpapawisan lang ako pero kaya ko pang bigwasan ang mga loko-lokong lalapit sa akin." Sagot ni Arlyn habang ina-adjust nito ang ulo ng electric fan para tamaan sila ng hangin. Humila rin si Arlyn ng isang mint green monobloc chair saka tumabi kay Apple. "Ano na ang pinag-uusapan niyo?" Habang ang pansin ni Arlyn ay sa pagbubukas ng lunch box.

"Pinag-uusapan namin ang traffic sa Pilipinas." Sagot ni Apple nang abutin nito ang sariling lunch box mula sa katabing mesa at ilipat iyon sa mesa ni Janeth.

"Lumang balita na 'yan. Wala na bang bago?" Lumipat ang pansin ni Arlyn kay Janeth. "Kumusta na ang mga chismosa sa inyo, Janeth?"

"Ayon, chismosa pa rin."

"Pero sa tingin ninyo, may pag-asa pa bang magkabalikan sila?" Mayamaya ay tanong sa kanila ni Apple.

"Sino?" Salubong ang kilay na anong ni Janeth.

"Sina Lovely at Reymark." Tukoy ni Apple sa isa pa nilang kaibigan na si Lovely at sa ex nitong si Reymark.

"Sus! Asa ka naman na magkakatuluyan uli ang dalawang 'yon." Sumandal si Janeth sa sariling silya.

"Sama mo talaga. Paano mo naman nasabi 'yan, aber?" Matapos uminom ni Apple sa tumbler.

"Kung walang magpapakababa ng pride, walang mangyayari sa dalawang 'yon. Oras lang nila ang masasayang kaya hangga't maaari ay 'wag na lang silang magkita pa. You know? Their wasting my time." Sabay roll eyes pa ni Janeth.

"Paano ka naman nasali sa love story ng dalawang 'yon?" Salubong ang kilay na tanong naman ni Arlyn kay Janeth.

"Wala lang. Para magkaroon lang ng silbi ang pagsasalita ko. Saka puwede ba? 'Wag na lang nating problemahin ang problema nila. Problema na nila 'yon at tayo, well, tagapagpagulo lang tayo ng love life nila."

State of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon