Chapter 18

1.8K 174 5
                                    

"HE THINKS that I am just a charity and a lost child who begs for his love." Sinasabi iyon ni Janeth habang naluluha siyang nag-o-open up sa Tropang Empacho sa loob ng Yummy Bakeshop ni Lovely.

Buo uli ang kanilang tropa. Talagang inabala ni Janeth ang kanyang mga kaibigan mula sa kani-kanilang trabaho. Kahit na abala ay sumaya ang puso ni Janeth dahil talagang iniwan ng kanyang mga kaibigan ang kanilang mga gawain para saluhan siya sa kanyang pagluluksa sa puso niyang sugatan at sawi.

Mabuti na lang at Sabado ng araw na iyon kaya nakasama sina Apple at Arlyn. Naghintay si Janeth na may magko-comment sa kanyang pahayag, ngunit wala. Kaya naisip niyang ipagpatuloy ang kanyang emo speech habang tinutuyo ng tissue ang kanyang nanunubig na mga mata.

"Akala ko pa naman noong hinalikan ako ni Zaldy ay pareho kami ng nararamdaman kahit hindi niya sabihin. Pero nang malaman kong ginagawa lang niya 'yon para tulungan lang ako, ang sakit pala. Sana sinabi na lang niya sa akin ang totoo, hindi 'yong pinaasa niya ako─ang puso ko na mamahalin din niya ako pabalik. Ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko!─"

"BEAUTY . . ." naputol ang pag-e-emote ni Janeth nang sa pag-angat ng kanyang ulo ay nakita niya si Thalia na inilalatag ang salitang nabuo nito sa Scrabble. "Double word."

"Okay! Ako na titira!" Isang nakalolokong ngiti ang pinakawalan ni Emjane.

Kilala nila si Emjane, sa likaw palang ng bituka nito sa pagkain, alam nilang may hindi maganda itong gagawin sa larong iyon. Hindi nga sila nagkamali at dali-dali nitong idinugtong sa dulo ng letter Y ang FOOLS.

"BEAUTYFOOLS. Triple double word─oh my gosh! Panalo na pala ako? I can't believe this! This is history!" Nagdiriwang na pahayag ni Emjane na kaagad namang umani ng iba't ibang bayolenteng reaksyon sa buong tropa.

"Madaya ka, Emjane! Walang ganyang salita!" Reklamo kaagad ni Apple na pinakamagaling sa Scrabble.

"Oo nga! BEAUTY at FOOLS ay dalawang mga salita na magkaiba ang kahulugan." Naiiling-iling na segunda naman ni Arlyn.

"Ang laki-laki na ninyo, spelling palang ng BEAUTYFOOLS ay hindi pa ninyo alam? Mga abno ba kayo?"

Binato nga ni Arlyn si Emjane ng piraso ng scrabble word. "Baliw! B-E-A-U-T-I-F-U-L ang tamang spelling ng BEAUTIFUL at hindi BEAUTYFOOLS na alam mo. Saang pre-historic ka ba nanggaling at ang pangit ng spelling mo?"

Dahil pare-parehong cum laude ang mga kaibigan ni Janeth ay tila nagkaroon ng reenactment ng Clash of the Titans ang peg ng tropa. Walang sinuman ang nagpapatalo sa argumento. Lahat may palusot, lahat may katuwiran, lahat mandaraya! Haha!─

Pero mga anak ng tokneneng! Naglalabas siya ng sama ng loob sa mga kaibigan niya, pero ang mga walang hiya! Kaya pala walang komentong naririnig si Janeth ay dahil abala pala ang mga kaibigan niya sa paglalaro ng Scrabble!

"Mga leche kayo!" Naasar na sabi ni Janeth sa mga ito dahilan upang tumigil sa harutan ang kanyang mga kaibigan.

"Hoy, Janeth! May problema ba?" Tanong sa kanya ni Thalia.

"Eh, kung lapain ko kaya kayo ngayon, 'no? Kita naman ninyong naglalabas ako ng sama ng loob kay Zaldy for ruining my love story, 'tapos, kayo naglalaro lang ng Scrabble? How dare you! Ano'ng klase kayong mga kaibigan? Ni hindi man lang ninyo pinakinggan ang problema ko! Ang sama ninyo! I hate you, guys!"

"Janeth .  . ." seryosong sabi ni Emjane sa kanya habang nakasampay pa ang isang kamay nito sa kanyang balikat. Katabi niya kasi si Emjane. "Tubol lang 'yan. Kaunting push mo pa, makakaraos ka rin diyan."

Tumataginting na halakhak ang kumawala mula sa kanyang mga lokaret at sira ulong kaibigan. Iyong pakiramdam na gusto niyang manabunot? Oo! Gusto niyang sabunutan si Emjane!

State of My HeartWhere stories live. Discover now