Chapter 01

4.8K 255 36
                                    

PAKIBASA MUNA: Cliché at simpleng kuwento lang po ito. Kaya huwag po masyadong perfectionist. Kung ayaw mo nang ganito at hindi pasok sa taste mo, huwag mo nang basahin.


TUNOG ng alarm clock ang gumising kay Janeth. Umungol siya nang malakas. Antok na antok pa talaga siya dahil alas onse pasado na siya nakauwi kagabi kasama ang kanyang mga katropa galing sa birthday ng kanilang kaibigan na si Jill. Pagkauwi sa kanilang bahay ay hindi muna kaagad natulog si Janeth at inasikaso pa niya ang pagko-compute ng grades ng kanyang mga estudyante.

Kailangan na kasi nilang i-submit ang grades na iyon sa head coordinator ng Filipino dahil silang taga-Filipino Faculty na lang ang hindi pa nakapagsa-submit ng grades sa Principal. Ayaw pa naman ng kanilang Principal na naghihintay nang matagal. Kaya tinapos muna ni Janeth ang pagko-compute ng grades sa hawak niyang walong sections.

Agad namang kinapa-kapa ni Janeth ang kanyang bedside table para patayin ang nag-iingay niyang alarm clock. Pagkatapos ay matamlay siyang bumangon sa kanyang higaan. Kinusot-kusot pa ng kamay ang kanyang mga mata. Nang luminaw ang kanyang paningin ay bigla siyang sinapian ng baliw na kaluluwa nang masilayan niya ang nag-iisang malaking tarpaulin na sumasakop sa kalahati ng pader na katapat lang ng kanyang higaan.

Dali-dali niyang tinungo ang kinaroroonan ng tarpaulin na kung saan doon nakaimprenta ang malaking picture ng kanyang crush na crush na Principal. Hinaplos niya ang pisngi nito na para bang totoong tao ang kanyang hinahaplos.

"Good morning, mahal ko!" Masigla at nakangiting bati ni Janeth sa kanyang crush. "Alam mo ba, Zaldy? Napanaginipan kita. Magkasama raw tayong dalawa sa isang napakagandang pook na nakukumutan ng mga mababangong bulaklak. Isang pook kung saan pag-aari natin ang mundo at wagas tayong nagmamahalan." Kinilig siya sa kanyang sinabi.

Nagiging makatang Pilipina tuloy siya nang wala sa oras sa kanyang ka-corny-han! Haha!

"Napanaginipan mo rin ba ako? Kawawa ka naman, mahal ko. Paumanhin kung pinagod kita kakaisip sa akin. Hindi ko naman kasalanang ipinanganak ako na maganda, eh. Sadyang maganda lang talaga ang lahi namin kaya pagtiisan mo na lang ang ganda kong ito." Pinagtawanan ni Janeth ang kanyang sarili. Pagdating talaga sa kanilang Principal ay kung ano-ano talagang mga kalokohan ang bigla niyang naiisip.

Pero ano ba'ng magagawa niya? Crush na crush kasi niya ang binata. Kaya pagpasensiyahan na lang sana ni Zaldy ang kanyang kakulitan. Maiintindihan naman siguro ni Zaldy ang lahat dahil maganda siya. Cheret! Mayamaya ay tiningnan ni Janeth ang mga mata ni Zaldy na para bang sa kanya nakatingin kahit alam niyang sa camera nakatingin ang binata. She touched the tip of his nose habang kinikilig na nagsasalita.

"Ang tangos talaga ng ilong mo at ang guwapo-guwapo mo pa. Kailan ka ba papanget, ha, Zaldy? Kailan mo ba ako mapapansin na ako ang babaeng para sa 'yo? Pero hindi pa ito ang tamang panahon para makilala mo na may isang magandang dilag na tulad ko na may lihim na pagtingin sa 'yo. Kailangang manatili akong misteryosa sa 'yo para naman may thrill, 'di ba? Don't worry Zaldy, soon you will meet the pair of your heart and that is me. Janeth Frando-Imperial. Your soon-to-be-lovely-aristokrata-wife." Abot-taingang ngiting sambit niya.

Hindi naman nagtagal ay muling natawa si Janeth sa kanyang mga pinagsasabi. Pero in fairness, ha? Bagay na bagay talaga sa kanya ang apelyido ng kanilang Principal. Imperial. O, 'di ba? Apelyido pa lang, aristokratang-aristokrata nang pakinggan, kaya meant to be talaga sila ni Zaldy!

"O, siya, mahal ko. Papasok pa ang misis mo. Kailangan ko ring kumayod nang kumayod para sa magiging future natin para naman hindi ako lalaitin ng pamilya mo. Liligo lang ako, ha?"

Lumakad na si Janeth. Ngunit nakakadalawang hakbang pa lang siya nang muli siyang bumalik sa tapat ng malaking picture ni Zaldy.

"Pa-kiss ako, ha? Para naman inspired ako habang naliligo. Muah!" At binigyan pa ni Janeth ng halik sa labi ang tarpaulin ni Zaldy saka siya nagmamadaling pumasok sa loob ng banyo.

State of My HeartWhere stories live. Discover now