Chapter 05

3.8K 213 14
                                    

MAINGAY ang sumunod na klase ni Janeth. Naiwan kasi niya sa kanilang faculty ang kanyang lesson plan. Pero dahil nananakit pa ang kanyang talampakan at lalamunan sa nagdaang sections na tinuruan ay naisip niyang ipahinga muna ang sarili bago pa mauwi iyon sa pamamamalat. Kaya pinagbigyan niya ang kahilingan ng kanyang mga estudyante na magdaldalan muna tungkol sa social at love life.

Habang abala si Janeth sa pag-i-imagine sa nakapaguwapo nilang Principal habang nakapangalumbaba siya sa teacher's table ay narinig niyang unti-unti nang lumalakas ang ingay ng kanyang mga estudyante.

"Class! Lumalakas na ang ingay ninyo! Gusto ba ninyong magtalakay na lang ako para mapakinabangan natin 'yang kaingayan ninyo?" Malakas na saway ni Janeth na kaagad ding tumahimik ang lahat nang masindak sa kanyang banta.

"Ma'am, may we go out?" Paalam ng tatlong babaeng estudyante nang lumapit sa kanya.

"Okay. You may go." Nang makaalis ang tatlo niyang estudyante para mag-CR ay bahagyang humikab naman si Janeth.

Ang boring ng buhay ko! I need inspiration! I need my inspiration over there . . .

Binalingan ni Janeth ang Principal's Office na katapat lang ng classroom nila. Sampung minuto na rin ang nakalilipas nang pumasok siya sa classroom ay hindi pa rin lumalabas sa loob ng office na iyon ang kanyang irog. Kaso parang wala yatang balak ang kanilang Principal na magpakita sa kanya. Wala sa sariling napabuntong-hininga si Janeth.

Maganda naman siya pero bakit hindi niya magawang palabasin ang butihin nilang Principal? Pakiramdam tuloy ni Janeth ang lungkot na ng kanyang buhay kapag hindi niya nasisilayan ang binata. Si Zaldy lang kasi kanyang inspirasyon para sipagin siya lalo sa pagtuturo. Tuluyan na bang nag-expire ang suwerte niya?

Mayamaya ay humahangos na pumasok sa loob ng classroom ang mga babaeng estudyanteng nagpaalam sa kanya para mag-CR.

"Ma'am!" Sabay-sabay na sabi ng tatlo kay Janeth.

"O? Ano'ng meron? Bakit parang hinahabol kayo ng sampung kabayo? Nag-CR lang naman kayo." Taka niyang tanong sa tatlong estudyante.

"Ma'am, naglilibot-libot po ngayon si Mr. Imperial sa lahat ng classrooms."

"Chine-check din po ni Sir kung nagkaklase ang mga teacher."

"Ano?!" Bulalas ni Janeth na sinabayan pa niya iyon ng pagtayo mula sa kanyang pagkakaupo sa silya.

Kaya naman pala walang lumalabas na guwapong nilalang mula sa Principal's Office ay dahil naglilibot-libot sa mga oras na iyon ang kanyang irog! At heto siya ngayon, nakatunganga lang habang hinihintay na magpakita sa kanya si Zaldy.

Mahusay ka talaga sa kapalpakan, Janeth! Itong pagde-daydream mo pa ang magiging mitsa ng pagkakasibak mo sa trabaho! Sisi pa ng kabilang bahagi ng isip ni Janeth.

"Tinanong din po kami ni Sir kung bakit kami pagala-gala sa oras ng klase."

"Kasi naman, magsi-CR na nga lang kayo, eh, kung saan-saan pa kayo nakararating. Ano'ng sinabi niyo kay Sir?" Pati si Janeth ay hindi na rin alam ang gagawin!

Kung bakit ba naman kasi mga dakilang lagalag ang mga estudyante niya? Oras pa naman ng Filipino subject at si Janeth ang teacher sa mga sandaling iyon. Kung nagkataong may napahamak na isa sa kanyang mga estudyante ay talagang malilintikan siya nang bonggang-bongga sa kanyang kapabayaan dahil siya ang nagbigay ng pahintulot sa tatlo niyang estudyante na mag-CR.

"Sinabi po namin kay Sir na nagsi-CR lang kami at ikaw po ang subject teacher namin sa mga oras na ito."

"Ma'am!" Tawag kay Janeth ng estudyante niyang lalaki na tagapasilbing look out ng buong klase. "Parating na rito si Sir!" Habang bahagyang nakasungaw ang ulo nito sa back door ng classroom.

State of My HeartOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz