Chapter 16

1.8K 194 7
                                    

NAPAKAPIT nang mahigpit si Janeth sa braso ni Zaldy nang makababa na siya sa kotse ng binata. Kinakabahan kasi siya dahil kalat na sa buong school nila kung gaano raw siya kalanding guro dahil pareho raw niyang nilalandi ang Principal ng SAHS maging si Macky. Matapos kasi ang komprontasyon sa pagitan nila ni Zaldy kagabi ay ipinawalang-bisa na nito ang kanyang one month suspension. Pero nangako naman sa kanya si Zaldy na poprotekahan siya nito laban sa mga taong mahilig sa chismis. And that was the sweetest promise she had ever heard from him.

Nagtataka na nga rin si Janeth kay Zaldy dahil hindi man lang niya naririnig na magreklamo sa kanya ang binata dahil nakakapit siya sa braso nito na parang bata na binu-bully ng isang grade three student. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin maalis sa isip ni Janeth ang mga sinabi sa kanya ni Zaldy kagabi. Hindi niya alam kung totoo ba ang sinabi ng binata o binibiro lang siya nito. Pero kung biro man iyon ay talagang malaki ang naging impact niyon sa kanyang puso.

"Hi, Ma'am and Sir." Bati ng limang babaeng estudyante na nakasalubong nila sa hallway ng school building. "Good morning po."

"G-Good morning din." Nakangiti na ganting pagbati ni Janeth. Binati naman ng tango ni Zaldy ang mga estudyante. Pero nang makalampas na ang mga estudyante ay hindi nakaligtas sa pandinig ni Janeth ang palitan ng usapan ng mga iyon.

"Akala ko ba suspended si Ma'am? Bakit pumasok pa siya?"

"Aba, malay ko. Dapat hindi na lang siya pumasok. Bad influence kasi siya, eh."

"Oo nga. Malandi pa."

"Hindi sila bagay ni Mr. Imperial. Mas bagay pa sila ni Ma'am Maeris."

Nakaaasar talaga! Eh, ano naman kung hindi sila bagay ni Zaldy? Tanggap naman niya iyon. Ngunit ang sabihin ng mga malanditerang froglets na iyon na mas bagay ang kanyang irog kay Maeris? Naku! Maghahalo muna ang balat sa tinalupan! By hook or by crook! Grr!

"'Wag mo na lang silang pansinin." Narinig niyang komento ni Zaldy nang tuluyan nang makalayo sa kanila ang mga estudyante matapos lumiko ng daang binabagtas.

"Pasensiya na, Sir. Pero kilala ko ang limang 'yon. Hawak ko ang section nila kaya ibabagsak ko sila." Nakasimangot na sabi niya kay Zaldy. Mayamaya ay narinig ni Janeth ang pagtawa ni Zaldy mula sa kanyang sinabi. His laughter sounds like music in her ear.

"You're rude, Janeth." Nakangiting sabi nito sa kanya.

"Sa nakakainis sila, eh." Saka niya tinitigan si Zaldy. Mukhang napuna naman ni Zaldy na kanina pa siya nakatingin. Kaya mabilis ding pumormal ang anyo nito. Poker face talaga ang irog niya! Pero cute!

"Why are you looking at me like that?"

"Sabi na sa 'yo, Sir, eh. Mas lalo kang gumuguwapo kapag ngumingiti ka." She once again saw his smile and he patted her head. Aso lang?

"Don't worry, sa 'yo lang ako ngingiti nang ganito." Kinilig naman ang puso ni Janeth sa sinabi ng kanyang irog.

Mayamaya ay naramdaman ni Janeth ang paghawak ni Zaldy sa kanyang kamay nang huminto sila sa tapat ng nakasarang pinto ng kanilang faculty. Maingay sa loob at mukhang nagkakatuwaan ang kanyang mga co-teacher. Rinig na rinig din ni Janeth na siya ang paksang pinag-uusapan ng mga tao mula sa loob dahilan upang mawala ang magandang ngiti na nakapaskil sa mukha ni Zaldy. Mayamaya ay tuluyan nang binuksan ni Zaldy ang pinto. Mabilis huminto sa tawanan at munting pagdiriang ang mga nasa loob dahilan upang mabaling kina Janeth at Zaldy ang pansin ng buong faculty.

"Oh my gosh! Ang katawang-lupa ni Janeth ay nagbalik na!" Tuwang-tuwang nagpalakpakan naman mula sa kani-kanilang kinauupuan sina Apple, Arlyn, at Alyssa. Ngayon lang din napansin ni Janeth, pareho palang nagsisimula sa letter A ang initials ng mga pangalan ng kanyang co-teachers.

Samantala, nakataas lang ang kilay nina Maeris at Wela. Halata sa hilatsa ng mukha ng dalawa na hindi nagustuhan ang kanyang pagbabalik. Nagsimula na ring magbulung-bulungan ang ibang co-teachers ni Janeth dahil nakita na naman siya na kasama ang kanilang Principal.

"Sir, why is she here?" May himig ng pagrereklamo ang tinig ni Maeris nang tanungin ang kanilang Principal. "I thought she will be suspended for one month?"

"I changed my decision. Hanggang two weeks lang ang suspension ni Miss Frando."

"No way!" Sambit ni Maeris na halatang hindi nito matanggap ang pagbabalik ni Janeth.

"Yes way, Sir!" Sabi naman nina Apple, Arlyn, at Alyssa upang ipahayag ang suporta kay Janeth.

"And from now on, I don't want to hear any harsh comments against Miss Frando. Kapag nakarinig ako ng masama laban sa kanya, I'm gonna kick your butts out here. Nagkakaintindihan ba tayo?" Babala ni Zaldy sa lahat dahilan upang lalong manahimik sa kani-kanilang kinauupuan ang mga co-teacher ni Janeth.

Halata sa mukha ng mga co-teacher ni Janeth ang takot mula sa naging babala na iyon ng kanilang Principal. Hindi naman nagtagal ay lumipat ang pansin ni Zaldy kay Maeris.

"Nagkakaintindihan ba tayo, Miss Peñaranda?" May pagbabanta ang tinig ni Zaldy nang tanungin si Maeris dahilan para humulas ang kulay sa maganda nitong mukha.

"N-Naiintindihan ko po, Sir." Sabi na lang ni Maeris nang masindak sa malamig na tinig ni Zaldy.

"Siyanga pala . . ." mayamaya ay nakita ni Janeth na itinaas ni Zaldy ang magkahugpong nilang mga kamay. "Totoong girlfriend ko si Miss Frando kaya tigilan niyo na ang maling paratang na ibinabato ninyo sa kanya." Buong tapang na pahayag ng binata sa lahat.

Maging si Janeth ay nagulat din sa sinabi ng kanyang irog. Teka, kailan siya niligawan ni Zaldy? Kailan niya sinagot ang binata? Paano siya nito naging girlfriend? What? When? Where? Why? How? Grabe, ang dami-dami niyang tanong sa kanyang sarili! Nakakaloka!

Matapos iyong ianunsiyo ni Zaldy ay muli nitong ibinalik ang pansin kay Janeth saka siya ginawaran ng hinalikan sa kanyang pisngi at bumulong. "Gonna wait you in my office after your class."

"A-Ano'ng gagawin ko sa office mo, Sir?" Naging maligalig ang isip ni Janeth. 'Wag naman sana ang iniisip niya kung sakali. Ngunit kung iyon man ang binabalak ni Zaldy . . . aba'y bakit hindi? Haha!

"Basta. Bye, sweetie." Iyon ang huling sinabi sa kanya ni Zaldy bago tuluyang lumabas ng kanilang faculty habang si Janeth ay naiwang nakangiti sa kawalan.

State of My HeartWhere stories live. Discover now