Chapter 19

1.6K 166 2
                                    

LUNCH BREAK. Habang abala si Janeth sa paglalabas ng kanyang lunch box, kutsara, at tinidor sa loob ng kanyang shoulder bag ay agad namang bumukas ang pinto ng kanilang faculty. Pagkatapos ay pumasok sa kanilang silid ang nag-iisang inggiterang nilikha ng langit kasama ang ever loyal nitong alalay.

Animo'y isang ramp model na naglakad ang dalawa palapit sa kanyang puwesto at para namang nanonood ng re-enactment ng Marimar ang iba nilang co-teachers sa kani-kanilang inuupuan na halatang naghihintay lang na magsampalan sila ni Maeris.

"Hello, Maeris. Kumusta?" Magiliw na pagbati ni Janeth kay Maeris kahit napipilitan lang siya. Agad namang tumaas ang isang kilay ni Maeris with matching arms crossing over her chest pa bago nagsalita.

"Bakit ka pa nagpakita rito? Alam mo bang bawal sa SAHS ang bad influence na gaya mo?" Mataray na tanong sa kanya ni Maeris.

"Hey, are you talking to yourself?" Mataray din niyang tanong kay Maeris.

Kung akala ng impaktang ito ay masisindak siya ng katarayan nito, puwes, ibahin siya ni Maeris. Sa dami ba namang matataray at maldita sa Tropang Empacho, alam na ni Janeth kung paano i-handle ang isang mataray at maldita na gaya ni Maeris. Malakas na ibinagsak ni Maeris ang dalawa nitong kamay sa aristokrata niyang mesa dahilan upang makuha lalo ng bruha ang pansin ng iba pa nilang co-teachers na walang pakialam sa nagaganap sa paligid.

Oh my gee! Her precious table! Her baby! Kung hindi lang talaga sumumpa si Janeth sa Teacher's Code of Ethics, ihahambalos niya talaga sa pagmumukha ni Maeris ang kanyang silya! Grr!

"Masama kang teacher! Dapat sa 'yo ipinakukulong." Galit na sumbat sa kanya ni Maeris

"Lalong hindi welcome ang gaya mo sa school na ito." Segunda naman ni Wela.

"Baka kayo ang ipakulong ko?" Halatang napalunok ng laway si Maeris. Proud to be pang sumandal si Janeth sa kanyang kinauupuan na animo isa siyang iginagalang na royal queen. "Kapag nalaman kong ikaw, Miss Peñaranda, ang dahilan sa likod ng pagkaka-suspend ko, I swear, itaga mo pa 'yan sa ilong ng katabi mo, magkikita talaga tayo sa korte."

Nakatanggap kasi si Janeth ng balita mula kay Alyssa kahapon na maaaring may kinalaman si Maeris sa kanyang pagkakasuspinde sa trabaho. Maging si Janeth ay napabalik-tanaw din sa nangyari nang utusan siya noon ni Maeris na dalahin ang mga folder sa faculty nina Macky. Maging ang kakaibang pakikitungo sa kanya ni Wela nang iwan siya nito sa silid na iyon. Hanggang sa dumating si Macky para harass-in siya.

Iyon naman ang tagpong naabutan ni Zaldy dahilan upang masuspinde siya sa kanyang trabaho. Saka kapansin-pansin din kay Maeris na hindi natuwa ang bruha sa kanyang pagbabalik sa paaralan. Kaya hindi na kataka-taka kung si Maeris man ang nasa likod ng kamalasang nangyari sa kanya.

Tinaasan lang niya ng kilay ni Maeris. "Hindi mo magagawa 'yon, Janeth. Dahil wala ka namang katibayan na ako nga ang gumawa niyon sa 'yo."

Inalis na rin ni Maeris ang pagkakatukod ng dalawa nitong kamay sa ibabaw ng mesa ni Janeth bago muling ipinagpatuloy ang iba pang sasabihin.

"Hindi naman mangyayari 'yon sa 'yo kung hindi ka dakilang malandi. Alam mo namang may gusto sa 'yo si Macky pero initsapuwera mo lang siya para makuha mo ang pansin ng Principal natin. Tell me, Janeth, ano bang gusto mong makuha kay Sir at dikit ka nang dikit sa kanya? Pera? Umangat ang posisyon? O, gusto mo lang ibandera sa buong St. Archangel High School na boyfriend mo ang Principal natin?"

"Wala sa mga nabanggit mo." Simpleng sagot niya kay Maeris. "Sadyang nagmamahalan lang kami ni Zaldy baby ko."

Isang malakas na uuuuuy ang narinig ni Janeth mula sa kanilang mga co-teacher.

"Will you shut up!" Naasar na saway ni Maeris sa kanilang co-teachers na agad din namang nanahimik.

Nagkibit-balikat lang si Janeth saka inumpisahang buksan ang kanyang lunch box upang simulan ang kanyang pagkain. Muli namang ibinaling ni Maeris ang pansin kay Janeth.

"Ano bang meron sa isang katulad mong mayabang na ilusyunada at nagustuhan ka ni Sir?" Nabubuwiset na tanong sa kanya ni Maeris habang abala na si Janeth sa paglantak ng pagkain at patay-malisyang nakikinig sa demands ng bruha sa mundo.

Mga inggitera talaga, oo!

"Dahil mabait ako."

"Whoa lang, ha? Saan banda, Janeth?"

"Sa puwet."

"You're a gross teacher I've ever heard!" Naiimbyernang komento naman sa kanya ni Wela.

"Hindi lang gross, malandi pa. Hindi rin ako makapaniwala na sa dinami-rami ng lugar ay talagang sa Mathematics Faculty mo pa naisip ipagkalat ang kakatihan mo. Dinamay mo pa si Macky." Paninisi pa ni Maeris kay Janeth.

Uminom muna sa tumbler si Janeth bago niya sinagot ang paratang na iyon sa kanya ni Maeris. "Huwag mong baligtarin ang kuwento at palabasing ako ang masama rito, Maeris. Alam kong alam mo kung sino ang nasa likod kung bakit napatalsik sa paaralang ito si Macky. Loko-loko si Macky, oo. Pero hindi naman kikilos ang sira ulong 'yon kung walang taong nagsulsol sa kanya na gawin sa akin ang bagay na 'yon."

Maeris rolled her eyes na tila walang pakialam sa mga pinagsasabi ni Janeth. "Magpakasaya ka lang, Janeth. Pero darating din ang araw na tuluyan ka nang mapapatalsik sa school na ito."

"Okay." Walang pakialam na sabi ni Janeth bago niya muling ibinaling ang kanyang pansin sa kinakain.

"Paano mo nagagawang umakto na parang wala lang sa 'yo ang nangyari? Paano?" Iritang-iritang tanong sa kanya ni Maeris dahil hindi nito nagugustuhan na tila walang pakialam si Janeth.

"Bakit? Gagayahin mo? Come on, Maeris. Don't plagiarize someone you're not. Ako lang ang aristokrata rito. Inggitera ka lang." Taas noong sabi niya kay Maeris.

"You witch! I hate you!"

"I hate you even more."

Sa sobrang inis ay walang nagawa si Maeris kundi irapan lang si Janeth bago umalis sa kanyang harap. Ganoon din ang ginawa ni Wela bago nito sinundan ang bruha at lumabas ng kanilang faculty. Marahil upang palamigin ang nadaramang inis ni Maeris kay Janeth.

Buong araw ay naging mainit ang ulo ni Janeth dahil sa naging sagutan nila ni Maeris. Lalo pang dumagdag ang inis niya kay Maeris nang muling maalala ni Janeth na walang anumang espesyal na nararamdaman para sa kanya si Zaldy. Buong akala pa naman niya na noong huling halikan siya ng binata ay nakatagpo na siya ng kapareha ng kanyang damdamin. Ngunit nagkamali siya.

Kaya naman sa tuwing magsasalubong ang landas nila ni Zaldy, si Janeth na ang gumagawa ng paraan para iwasan at layuan muna ang binata. She tried to divert her attention to her friends' weird beliefs. Pero mukhang hindi nakatulong ang ginawa niyang pambabalewala sa presensiya ni Zaldy. Dahil ang binata pa rin ang nais niyang masilayan bago siya tuluyang umalis sa school ng araw na iyon.

State of My HeartWhere stories live. Discover now