Chapter 17

2K 184 4
                                    

KUMATOK si Janeth sa pinto ng Principal's Office. Gaya ng sinabi ni Zaldy ay pumunta nga siya sa opisina nito pagkatapos ng kanyang ika-apat na klase. Simula nang ianunsiyo ni Zaldy na siya ang girlfriend nito ay hindi na rin siya tinigilang tuksuhin nina Apple, Arlyn, at Alyssa. Nalaman din ng Tropang Empacho mula sa group text message ni Apple ang tungkol doon.

Kaya wala na namang katahimikan ang kanyang phone sa pag-iingay nang dahil sa mga usisera niyang kaibigan. Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay sobra siyang kinikilig to the nth forever power! Kahit na biro lang iyon ni Zaldy, hindi niya maiwasang pangaraping sana totoo na lang ang sinabi ng kanyang irog.

"Miss Frando . . ." nakangiting bati sa kanya ni Miss Sciren Esguerra, ang maganda at medyo istriktang Assistant Principal ni Zaldy. "Kanina ka pa hinihintay ni Mr. Imperial. Meron yata siyang ipagagawa sa 'yo."

Napalunok siya ng laway. Ano kaya ang ipagagawa sa kanya ni Zaldy?

"Sige, Miss Frando, paalis na rin ako. May ipinasa lang akong report kay Mr. Imperial." Nginitian muna siya ni Miss Esguerra bago tuluyang umalis.

Hindi rin naman nagtagal ay pumasok na rin sa sa loob ng opisina si Janeth. Nalula siya sa sobrang lawak ng opisina. Pakiramdam niya anumang oras ay parang mababasag niya ang sahig ng silid sa sobrang linis. Walang mababakasang dumi sa loob. Ni alikabok, wala. Sa loob ng limang taon, ngayon na lang uli napuntahan ni Janeth ang opisina ni Zaldy. Huling tapak niya sa silid na iyon ay noong mag-apply siya bilang guro sa SAHS.

Makikita rin sa ibabaw ng malaki at mamahaling cabinet ang iba't ibang trophies bilang achievements ng paaralan sa palagiang panalo sa mga patimpalak na nilalahukan, mga kuwadro ng certificates, gold medals sa iba't ibang activities, seminars, conference, and so on na sinasalihan ng kanilang paaralan. Sa mga nakikita niyang achievements ng St. Archangel High School, hindi niya maikakailang isang mahusay na leader and at the same time isang butihing Principal si Zaldy. Sa loob ng limang taon, pinamunuan ng binata ang paaralan nang maayos, organisado, at matiwasay.

Bago raw kasi umupong Principal si Zaldy sa SAHS, usap-usapan na raw noon mula sa mga matatagal nang guro ng paaralan na dating tapunan iyon ng drop outs, repeaters, at mga rebeldeng bata ang SAHS. Kung noon maraming mga guro ang nagre-resign sa paaralang iyon, ngayon ang SAHS na mismo ang kusang pinupuntahan ng mga guro. Nagpapasalamat din si Janeth dahil tinanggap siya ng paaralang iyon. Kung hindi, maaaring hindi niya makita at makilala ang lalaking hindi niya akalaing mamahalin niya sa kabila ng kakaiba nitong ugali.

"You're late, Janeth."

Nawala agad ang tuon ni Janeth sa pagbabalik-tanaw niya sa school at kay Zaldy nang marinig niya ang boses mismo ng taong kanyang iniisip. Kaagad namang niligon ni Janeth ang direksyong pinanggalingan niyon at nakita niya si Zaldy na nakatayo malapit sa bahagyang nakabukas na pinto sa kabilang panig ng silid.

Mayamaya ay lumapit sa kanya si Zaldy. "Alam mo bang ayoko sa lahat ang pinaghihintay ako?"

"Sorry naman, Sir. Napa-overtime kasi ako sa huling section na tinuruan ko. Masyado silang nag-enjoy sa El Filibusterismo. Kaya wala akong choice kundi mag-extend kami ng oras."

"Okay. You're forgiven."

"Saka ano bang gagawin natin ngayon dito sa opisina mo, Sir?"

"Tara sa Recreation Room." Sinenyas pa ni Zaldy nang bahagya ang ulo nito sa direksyon ng nakabukas na pinto.

"Ano'ng gagawin natin sa loob─oh my gosh, Sir! 'Wag po!" Sabay yakap ni Janeth sa kanyang sarili. "Virgin pa po ako, Sir!─Aray naman!" Nagkunwaring nasaktan si Janeth when he poked her forehead.

"We're not going to do what you're thinking right now." Saway sa kanya ni Zaldy.

Ay! Sayang! Chance na 'yon, eh!

State of My HeartWhere stories live. Discover now