Chapter 25

1.9K 169 6
                                    

"ELA, my friend, wala na akong trabaho." Umiiyak na sabi ni Janeth sa kanyang kaibigan saka inisang lagok ang alak sa shot glass na kanyang hawak. Kasalukuyan siyang naroroon sa Zed's Bar and Restaurant.

"O, tapos? Anong gusto mong gawin ko?" Tanong nito sa kanya na tonong walang pakialam.

Nang mag-angat si Janeth ng kanyang ulo ay nakita niyang abala si Ela sa pagse-selfie. May pa-duck face, duck face pa itong nalalaman. Kaya ibinato ni Janeth ang basahang ginagamit pamunas ng mga wine glass ng counter sa direksyon ng kanyang kaibigan. Sumapol ang kawawang basahan sa mukha ni Ela.

"Epal ka, Janeth!"

"Epal ka rin! Kita naman mo namang masama ang loob ko. Pagkatapos may gana ka pang mag-selfie riyan? Kaibigan ba talaga kita?"

"So, kapag ba hindi ako nag-selfie ay makababalik ka pa ba sa trabaho mo?" Inirapan lang niya si Ela.

May punto rin naman kasi ang kanyang kaibigan. Hindi naman mababalik ang kanyang nawalang trabaho kung ihihinto ni Ela ang ginagawang pagse-selfie. Ginusto niyang mag-resign, aba'y dapat niya iyong panindigan!

"Kasi naman po, dapat nag-isip ka muna nang mabuti bago ka nagpadalos-dalos mag-resign. Aba! Kung hindi mo ba naman pinairal 'yang selos mo, eh, di sana, may trabaho ka pa ngayon."

Naikuwento na kasi niya kay Ela ang dahilan kung bakit siya ngayon nagmumukmok ng mga oras na iyon. Kung hindi ba naman kasi malaking pakshet ang Maeris na iyon ay hindi sana siya magre-resign. Grr! Kung wala nga lang sa sampung utos ng Diyos ang pumatay, baka kanina pa niya inihagis sa Ilog Pasig si Maeris.

"Kasalanan kasi ni Maeris 'yon! Pinagbintangan niya akong magnanakaw!" Giit pa ni Janeth.

"Bakit mo kasi pinatulan ang bruhang 'yon? Alam mo namang noon pa man ay papampam na babaitang 'yon. Attention seeker. Siguro, gusto ka lang niyang inisin ng mga oras na 'yon para ma-provoke ka at magipit sa sitwasyon. Kung hindi mo pinatulan ang kababawan niya, eh, di sana, nagsusulat ka pa rin ng objectives mo sa lesson plan. Hindi 'yong nagpapakalasing ka rito sa bar namin at ginagawang tanga 'yang sarili mo sa harap ko."

"So, tanga ako?"

"Hindi naman sa tanga ka, napakatanga mo lang."

"Ewan ko sa 'yo. Sa halip na kampihan mo ako, lalo mo lang pinapainit ang ulo ko!" Nakabusangot ang mukha na komento niya.

"Nagsasabi lang ako ng totoo at tanga ka." Grabehan! Ipagdiin ba naman daw?

"I hate you!"

"You're welcome."

Habang problemado si Janeth kung paano siya makahahanap ng trabaho ay um-order uli siya ng alak at makakain kay Ela. Madali namang makahanap ng trabaho ang isang gaya niyang guro. Ang kaso lang, dahil sa patuloy na nagiging modernisado ang mundo ngayon lalo pa at sinasakop na tayo ng technology, lumalaki naman ang standards ng mga paaralan para sa isang guro.

Oo nga, magaling siyang magturo, mahusay magbigay ng words of wisdom o payo, marunong gumawa ng larawang biswal, at alam ang tama at mali. Pero iba na kasi ang mga kabataan ngayong henerasyon. Maaga na silang nabubuhay sa technologies kaya naman kung hindi talaga sanay gumamit ng teknolohiya ay magpag-iiwanan ka sa pagtuturo.

Mahirap maging guro. Lalo na kung sobrang pasaway ng mga mag-aaral. Pero sa limang taong nagsilbi siyang napakagandang guro─cheret!─bilang pangalawang ina para sa kanyang mga naging mag-aaral ay nami-miss na niya ang mga bata. Kahit sabihin pa niyang walang mararating iyong mga mag-aaral na puro bulakbol lang ang ginagawa, minahal niya ang kanyang mga mag-aaral. Pagkatapos ay sisirain lang ng Maeris na iyon ang imahe niya sa mga batang nagtitiwala sa kanya na kaya niyang ituwid ang landas nila? Pakshet lang! Pakshet!

State of My HeartWhere stories live. Discover now