"Hayaan n'yo na 'ko!" I am still holding it.

"You're not going anywhere," I said.

Nag-struggle ako to dial Kuya's number on my left hand 'cause right-handed ako.

"Ano ka ba, miss?" he said and trying to go, but he couldn't kasi nga hinigpitan ko ang hawak sa shirt niya.

I accidentally fell to the bench kasi nga he is forcing to let go and nagawa niya kasi nabitiwan ko nga 'yong hem ng shirt niya.

"Aw!" I groaned.

"What the heck did you do to my sister?" my Kuya emerged from nowhere.

Oh, he was about to punch Kenneth when he grabbed his shirt.

"W-wait lang, Kuya," I told him.

"What?" tanong niya sa akin.

"Don't kill him, he's the one we're looking for," I explained to him.

"What?"

"Bitiwan mo 'ko," Kenneth said.

"He's Kenneth," I answered. He let go of his shirt and muttered an apology.

"Call Joan," Kuya asked me.

"Yes, kuya," I answered and immediately dialed Joan's number.

"Busy e, I'll call Cee," we exchanged numbers before splitting up our search parties.

"Okay,"

"Hey dude, why on earth did you decide to go here?" Kuya asked Kenneth.

"E kasi gusto kong lumayo sa Royce, ito lang ang naisip kong tamang lugar kung saan hindi ako masusundan agad ng kahit sino," Kenneth answered.

Huh! Ano namang feeling niya, sa ibang bansa siya pumunta and we can't find him? This was still part of the country, hello!

"Well, we did," my brother said and walked away.

"Pa'no n'yo nalaman na nandito ako e wala naman akong pinagsabihan?" he looked confused but calm.

"Joan figured it out," I said.

"Si Joan talaga, ang tagal na no'n," Kenneth muttered.

"What do you mean?"

"Noong mga bata pa kasi kami kapag badtrip ako, ang lagi kong sinasabi na pupunta ako sa hindi agad ako masusundan, dito 'yon sa Baguio," Kenneth said.

"Oh, I see," I replied.

"Kuya, they're coming," I said.

"Oh, okay, let's just wait for them," Kuya said when he stood next to me.

"Dude, where are you staying here?" kuya asked him.

"Ah, dito lang ako sa tabi-tabi natulog kagabi," Kenneth replied.

JOAN

Noong tumawag si Phoebe kay Cee para sabihin na kasama na nila si Ken, kumalma na ako at nakahinga na nang maayos dahil okay naman siya at wala siyang ginawang delikado.

"Ken!" sigaw ko.

"Joan!" sabi niya. Napatayo siya at sinalubong ako ng yakap.

"Ano ka ba naman? Pumunta pa talaga kayo dito, nakakahiya sa kanila," sabi sa akin ni Ken habang umiiyak.

"Ano ka ba? Pa'no kung may mangyari sa'yo dito? Matitiis ba naman kita?" sagot ko.

"Sorry sa lahat Joan, alam mo na 'yon," sabi niya.

"Alam ko rin," bulong ni Cee.

"You know it, too?" tanong ni Philip.

"Oo kaya, mag ex kaya ang dalawang 'yan, ano! Tapos niloko ni Kenne-"

"CEEra ulo!" sigaw ko.

Ayos na ang drama e, tapos babanat naman ang isang 'to, banatan ko 'to e.

"Sabi ko nga, 'di na ako magkukuwento," sabi niya.

"Come on, tell us more pa, I'm curious," sabi ni Phoebe na nakikinig din pala sa usapan.

"Ang masasabi ko na lang ay dati silang lovers," sabi ni Cee.

"Cee!" sigaw ko uli.

"Ay, naku, tara na. Tutal naman at nandito na tayo, mamasyal na tayo para naman makapag-relax," sabi ko.

"Tara kaya sa Mine's view, maganda do'n, galing ako kanina," sabi ni Ken.

Pumunta kami sa Mine's view at tama nga si Ken, maganda nga ang view, magandang mag-picture.

Nag-picture ang magkapatid na Philip at Phoebe habang si Cee naman ay inilabas din ang kanyang cellphone para kunan ang magandang view.

Si Phoebe, parang ewan, nagpo-pose ng kung ano-ano. Model siguro siya, hanep sa mga pose e.

CEE

Kinuha ko 'yong phone ko dahil sayang ang magandang view. Ayos din para sa souvenir. Sinisipat ko 'yong view pero 'di sinasadyang tumapat ang lente kay Mojow.

Ang laki ng ngiti niya habang kausap si Phoebe na kung ano-ano'ng kawirduhang poses ang ginagawa. Hindi ko maintindihan pero kinunan ko siya nang hindi niya nalalaman.

Pang-blackmail, tama, pang-blackmail 'to!

Tatawa lang, kita pa ang ngala ngala. Hindi ko napansin na nasa likod ko pala si Kenneth.

"Kuya Cee,"

Oh, Kenneth?"

"May gusto ka kay Joan, ano?"

--

Author's Note:
Vote and comment. Thank you!

It Started with a McFLOATDonde viven las historias. Descúbrelo ahora