(Nandito kami sa bookstore,)

"Ah, sige, hintayin n'yo kami r'yan,"

(Sige.)

'Pag baba ko ng phone ay dumiretso kami sa lugar na sinabi niya.

"Mojow, para mas mabilis nating mahanap si Kenneth, pa-print tayo ng photos n'ya, tutal naman marami kang koleksyon ng pictures n'ya," pang-aasar ko.

Malamang naman, 'di ba? Best friend niya 'yon tapos ex-boyfriend pa kaya malamang marami siyang photos.

"CEEra ulo ka!" sabi niya.

"He has a point," biglang sabi ni Philip.

"Na marami s'yang pictures na collection?" tanong ko sabay ngisi kay Mojow.

"No, I mean, the photos can help us find Kenneth faster," sagot ni Philip.

"Kung sabagay, kaya lang—" bitin na sabi ni Mojow.

"Kaya lang, ano?" tanong ko.

"Kaya lang, wala na akong pictures n'ya rito," sabi ni Mojow.

Mukha namang seryoso siya na wala nga siyang picture ni Kenneth na nakatabi sa kanya. E siguro pinagbubura na niya. Naka-move on na ba si Mojow kay Kenneth? Pakialam ko naman!

"Asus, ikaw pa, mawalan," pangbubuska ko nang maiba lang.

"Seryoso!" sabi niya at ewan ko pero naniniwala ako sa kanya.

"What's his Facebook account?" tanong bigla ni Philip.

"Huh?" tanong ni Mojow.

"I'll search his name, so we'll have a picture of him," sagot naman niya.

"Ah, Kenneth Castillo," sabi ni Mojow.

Pumipindot siya sa kanyang cellphone at makaraan ang ilang segundo ay nahanap na rin niya ang account nito.

"Found it," sabi ni Philip.

"Patingin nga," sabi naman ni Mojow.

"'Yan na nga," dagdag pa niya.

"Okay, saved. Let's go print this," sabi ni Philip.

Pina-print namin 'yong picture ni Kenneth ng ilang kopya at pinaghatian na namin para ikalat at ipagtanong sa mga tao.

Lumipat na rin kami ng location dahil mukhang wala naman dito sa mall si Kenneth.

Pumunta kaming Burnham park at naghiwa-hiwalay na kami para mas mabilis ang proseso. Ako at si Mojow naman ang magkasama tapos 'yong magkapatid.

"Oy, Mojow, makikita ba talaga natin 'yon dito?" tanong ko.

"Oo, basta magtiwala ka lang," sagot niya.

"Oh, sige, c-cr lang ako,"

"Sige, balik ka agad, ha? Dito muna ako,"

Pabalik na sana ako sa lugar kung nasaan si Mojow pero napatigil ako sa isang stall na nagtitinda ng mga bracelet na pares-pares. Ewan ko, may inner force na nagsasabi na kailangan kong bumili. Ewan, weird.

"Ate, magkano 'to?" tanong ko sa tindera.

"Tupipti lang, bibilhin mo?" sagot naman niya.

Teka, bakit ako bibili nito? Para saan? Para kanino? Ah, hayaan na nga, 250 lang naman, susundin ko na lang ang instinct na 'to.

"Kuya, bibilhin mo ba?" tanong uli ng tindera sa akin.

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now