Chapter 18 - Accused

124 14 1
                                    

Ivan Lesnie's POV

The best night ever! Hinatid ko na si sa room niya. Sobrang saya niya ngayong gabi. Sulit naman pala ang pinagipunan kong ticket.

"Ivan, thanks talaga! Hinding hindi ko 'to makakalimutan." Sabi niya na ngiting ngiti.

"Kanina kapa nagtha-thank you ah. Di kaba nagsasawa? Sige ka, ka tha-thank you mo niyan baka singilin kita." Biro ko sabay tawa naming dalawa. "Oh, tulog kana. Goodnight!" Sabi ko sa kanya habang hinahaplos haplos ko yung ulo niya.

Pumasok na siya sa loob at ako naman ay dumaretso na sa room ko.

Hay, okay na kaya siya sa break-up nila ni Trevor. Sana oo. Chance ko na 'to.

Sa sobrang pagod ko humiga na agad ako sa kama. Feel na feel ko nayung kama ng may kumatok. Talaga naman oh! Anung oras naba? Abala!

Pagbukas ko may dalawang lalaking nakabalot yung mukha. Yung ginagamit ng mga kidnappers.

Tinakluban nila ako ng sako tapos tinali. Anak ng tokwa!

Siyempre sinubukan kong lumaban pero hindi ko kaya masyado silang malakas. Hinila nila ako sa hindi ko malamang lugar. Mabaho yung amoy nung lugar tas pagnagsalita ka e nage-echo.

Tinanggal nila ang sako ko sa ulo at nakita kong may dala dala silang kutsilyo at yung isa sa kanila ay may sugat sa may kaliwang kamay.

"Any last words, Ivan? Masyado na kasing malaki ang atraso mo sakin."

"Wait ano!? Atraso? Sino ba kayong dalawa?" Sabi ko. Sasaksakin niya na sana ako ng maramdaman kong lumuwag ang tali nila sakin.

Napigilan ko ang kamay niya at ngayon mukhang nauubusan nako ng lakas sa pagpigil dun. Konti nalang at malapit nang tumarak sa puso ko ang kutsilyong hawak niya.

Biglang pumikit ang mga mata niya at nawalan ng force ang paghawak niya ng kutsilyo. Pinukpok pala siya ng bato ng isa niyang kasama, yung may sugat sa kamay. Tumayo ako agad at itinulak ang tulog na katawan nung lalaking nagtangkang saksakin ako.

Tiningnan ko ang lalaking pumukpok sa kanya. Nakikita ko sa mata niya na ayaw niya talaga ng ginagawa niya.

"Ano!? Ano pag iniintay mo? Umalis kana bago ka pa siya magising ulit." Sabi niya sakin kaya agad nakong tumakbo palabas at bumalik sa room ko.

Gabriella Kayne Faulkerson's POV

Papunta nako ng canteen kanina nang makita ko si Jillian at Ella na pinaguusapan si Trevor.

"Kayo naman talaga yung bagay ni Trevor, hindi yung Ailene na yun. Congrats at kayo na." Sabi ni Ella kay Jillian na parang pinaparinggan talaga ako.

Parang ang sakit. Hindi ko maexplain pero parang para kay Trevor laro-laro lang ang lahat.

Tulad ngayon. Last time si Louise tas ngayon iba nanaman?

Hindi ko mapigilan yung pagiyak ko kaya para walang makakita sakin, dun nalang ako dumaan sa tagong daanan sa Dorm.

Oh my!

Si Lester, patay na at may saksak ng kutsilyo sa dibdib niya. Hindi ko kayang tingnan pero kaylangan ko 'tong sikmurain para matulungan ko siya.

Ewan ko kung paano ko siya tutulungan. Nawawala narin ako sa sarili ko.

Lumapit ako sa kanya at lalo pang napalakas ang iyak ko.

Sinong tao ang kayang gumawa ng ganitong karumal-dumal na pagpatay?

Nasusuka narin ako sa nakikita ko. Pero ano bang gagawin ko?

Hinawakan ko ang knife saka mabilis na hinugot yun.

"Waaaaaaaaaah!"

Nakatingin sakin si Ella at Jillian na nanlalaki pa ang mga mata.

Tiningnan ko kung san sila eksaktong nakatingin. Sa kamay ko na may hawak na kutsilyo. Napabitaw naman ako agad dun sa knife.

"I-ikaw! Ikaw ang killer na matagal nang hinahanap dito." Sabi ni Jillian.

"No! Nagkakamali kayo! Let me expl---" Di na nila ako pinatapos at tumakbo na sila palayo.

Hahabulin ko sana sila. But Lester needs help. Tinawagan ko si Trisha.

"T-Trisha, please puntahan mo ko dito sa likod n-ng Dorm. N-natatakot ako! Saka k-kailangan n-ni Lester ng t-tulong."

[what happened!? Sige papunta nako diyan. Wait for me.]

Binaba ko na ang phone. Hindi ko talaga matanggap ang nangyari kay Lester. Kitang kita ng dalawang mata ko ang sugat sa dibdib niya.

Ilang minuto pa kong nag-antay ng marinig kong paparating na sina Vea at Trisha.

Akala ko sila na talaga pero mali pala ko.

Sina Miss Anciro at ang iba pang kasamahan niya sa office na may mga kasamang pulis. Saka lang dumating si Vea at Trisha.

"Gabriella, hindi ko akalaing kaya mo 'tong gawin." Sabi sakin ni Miss Anciro.

"M-miss, maniwala k-kayo sakin. H-hindi talaga ako ang p-pumatay sa kanya." Sabi ko. "Miss, n-nakita ko lang n-na nakahandusay na s-siya dy--."

Di na ako pinatapos ng pulis at pinosasan nako. "Sa prisinto kana magpaliwanag!" Nanginginig pako sa takot ng sinakay nila ako sa sasakyan.

***

Trisha Smith's POV

Nakakagulat ang mga nangyari kanina. Sa mga inabutan ko kanina, parang si Gab talaga ang may gawa.

Pero hindi o yun kayang paniwalaan. Kilala ko si Gab. Hindi niya magagawa yun.

Nandito kami ngayon sa police station. Kinakabahan tuloy ako sa pwedeng mangyari kay Gab.

Nang ilabas nila si Gab galing sa isang selda. Di ko mabasa ang mukha niya. Nakatulala lang siya. Siguro di parin niya makalimutan yung nangyari kanina. Naupo siya sa upuan na nasa harapan namin ni Vea. Hindi siya samin nakatingin, sa kawalan, naiyak.

"Gab, anu ba talaga ang nangyari kanina?" Vea.

"N-nakita ko s-si Lester n-na nakahandusay s-sa sahig." Sabi niya habang nanginginig. "Duguan a-at patay n-na. A-kala ko may pag-asa pa s-syang mabuhay pag t-tinanggal ko yung k-kutsilyo sa puso niya."

Sa tingin ko talagang wala siya sa mga pag-iisip niya nun dahil sa nakita niya dahil bakit niya naman iisipin na tanggalin pa ang kutsilyo eh halata namang dead-on-the-spot na si Lester.

"Wala ka naman palang kasalanan, eh!" Biglang sabi ni Vea. "Wala silang karapatan na ikulong ka dito! Hoy! Palabasin niyo bestfriend ko! Dahil wala siyang ginawang masama!" Sinigawan niya pa yung mga pulis na nakapaligid samin. Pero wala lang silang paki-elam.

"Vea, tama na yan." Sabi ko. "Sasabihin ko nalang kay tita ang mga nangyari para makuha siya ng magaling na abugado."

"Wag ka mag-alala, Gab! Di ka namin hahayaang magtagal dito. Pinapangako ko yan." Dagdag pa ni Vea.

Binigay na namin kay Gab yung pagkaing dala namin para sa kanya. Mga ilang minuto pa pinaalis narin kami ng pulis at sobra na daw sa oras. Pinasok na ulit nila si Gab.

When You're GoneWhere stories live. Discover now