Chapter 29 - Sudden

54 10 0
                                    

"Ilabas sila!" Sigaw niya. Nakaramdam naman ako ng mga naggalawan sa paligid.

Ramdam kong marami sila dito.

"Anak!" Kilala ko ang boses na yun! Boses yun ni Mommy. No!

"Gab." Sabay namang tawag ni Trisha at Vea.

Kahit di ko sila nakikita dahil nasa dilim sila. Alam kong sila yun.

"Mommy? Trisha? Vea?"

"Sila nga." Sabi nitong kapatid ni Sky saka tumawa.

"Baby, anung ginawa nila sayo? Tell me, okay ka lang ba dyan?"

"Yes Mom, kayo dyan."

"Okay lang kami dito, dont worry."

"TUMIGIL NGA KAYO! TAHIMIK." Sigaw nung kapatid ni Sky. "Anung akala niyo mag-uusap nalang kayo at magkakamustahan? Pinipikon niyo ko! At dahil dyan sisimulan ko na ang larong sinimulan mo, Gabriella."

Natahimik kaming lahat dun.

"Let's start sa lalaking pinagpalit mo kay Trevor."

"H-Huh? Ano? Anung gagawin niyo sa kanya, hindi ko maintindihan!"

"Let's start the game. Ito ang game mechanics. Ang mga maglalaro ay kailangang kalabanin ang mga kasama ko. Kapag natalo sila, edi patay. Kung manalo naman, papatayin ko padi-"

"The F*CK! That's not fair!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki.

"Mr. Lesnie... this is my game. Ako ang gumawa which means wala kayong magagawa kundi laruin lang ito and face the challenges."

Tumingin sya sa mga alipores niya at nagsesenyasan na parang sinasabing simulan na.

Nilapit nila yung lalaki sa nakikita na gawa ng ilaw at saka tinanggalan ng tali.

Inaninag ko ang mukha niya. Ivan?

Kumuha yung mga lalaki ng kani-kanilang weapon. May katana, dagger at kung anu anu pa.

Doon nakaramdam ako ng kaba. Why? Bakit kailangang mangyari 'to.

Hinagisan din si Ivan ng katana nung isa. Hindi niya ito sinambot kaya bumagsak ito sa sahig.

"Let the games begin!" Sigaw nung kapatid ni Sky.

Apat agad silang naghandang sumugod kay Ivan at nakapaligid sila lahat sa kanya.

"Ivan! you dont have to do this. Papatayin din nila tayo!" Sabi ko pero parang wala siyang naririnig.

"Please, ititigil mo na to." Sabi ko saka tumingin sa kapatid ni Sky. Inirapan lang niya ko.

"PLEASE STOP THIS NONSENSE!"

Nung pasugod nayung apat napapikit nalang ako. Ayokong makita ang mga mangyayari.

Napamulat nalang ako ng marinig kong andaming nagtumbahan.

Oh my! Tumba na agad yung apat.

Parang imposible pero andun lang si Ivan. Wala pang kagalos galos.

Nag-slowclap si Bruha. Bruha nalang itatawag ko. Nakakapagod ulit ulitin ang kapatid ni Sky e.

"Napakagaling! Hahahaha. Tumba ang apat sa isang move lang." Hala! Anung ginawa niya? Hindi ko nakita.
Ang galing naman niya. Hindi ko alam na magaling pala si Ivan sa ganito.

Nangmakita ko ang pagkamatay ng tatlo parang sila sila rin ang pumatay sa sarili nila at dun ko napagtanto na siguro umilag siya kaya sila sila rin ang nagkasaksakan.

Hindi ko matingnan yung mga lalaki. Ayoko sa lahat ang nakakakita ng mga patay. Ayoko rin sa dugo o sa kahit anung tungkol sa horror o patayan.

"Itigil mo na 'to. Ayan na lumaban na sya. Palayain mo na kami!" Sabi ko kay Bruha.

"Narinig mo ko kanina diba? Sabi ko. Manalo matalo kamatayan padin ang magiintay sa inyo!"

"Nakikiusap ako say-"

"Shut up! I'm not weak as what you're thinking! I wanna die fighting!" Napatahimik ako dun. Ngayon lang nagalit ng ganto sakin si Ivan. Iba din ang aura niya.

Siguro galit nanaman sya sakin dahil ako ang sinisisi niya sa mga nangyayari sa kanya. Dapat lang naman talaga akong sisihin.

Tinuloy nila ang laban. Eto at may sumugod nanaman. Ilang oras na ang dumaraan at parang hindi nauubos ang mga lalaking nakakalaban niya. Nakikita ko na sa mukha ni Ivan ang pakapagod pero tuloy parin siya sa paglaban.

Nasugatan nadin siya. Sa katunayan, patuloy nagdudugo ang braso niya ngayon pati na ang iba pang parte ng katawan. Kada masusugatan siya tumutulo nalang ang luha ko ng hindi ko namamalayan at napapasigaw din ako.

Alam kong sobrang nasasaktan na sya. Pero parang wala lang sa kanya yun.

Nang maubos na ito. Siguro ubos na nga, kasi wala na siyang pinalaban kay Ivan. Nakita ko ang pagkamangha sa mukha ni Bruha.

"Hindi ko inakalang may ganyan kang talento. Sayang lang at hindi kita maiisali sa organization namin. Dahil kailangan mo nang mamatay!" Sarcastic na parang naaawa sya kay Ivan.

"Yun naba yun?" Sabi ni Ivan saka nag-smirk. Sa totoo lang hindi ko nakikita sa kanya si Ivan. Parang hindi nga sya si Ivan.

Ang laki ng pinagbago niya.

"Hindi pako tapos Mr. Lesnie. Ang gusto ko naman ngayon ay ako na ang pumatay sayo."

"Game!" Nakangiti pang sabi ni Ivan. Saka kinuha ang isang katana na puno na ng dugo sa sahig.

"Sofia!" Tawag ng isang boses. Kilala ko yung boses na yun.

Si Skyler!!

"He's dangerous. Baka mapatay ka niya." Paga-alala niya sa kapatid niya. Napakabait na kapatid.

"Kuya naman, alam ko ang ginagawa ko." Mayabang na sagot niya.

Kumuha rin siya ng katana sa sahig.

Nagsimula na sila maglaban. Sinugoď niya agad si Ivan pero agad yung nasalag ni Ivan.

Halos ganun nalang ng ganun ang nangyayari. Bwebwelo ang isa pagkatapos haharangin ng isa. Hindi sila nagbibigayan.

Hindi napansin ni Ivan, bigla nalang syang nasipa ni Bruha sa tyan kaya ayun medyo napaatras si Ivan.

Sasaksakin na sana siya ni Bruha pero nakatalon siya. Ang taas ng talon na yun. Napapanganga nalang ako.

Dahil sa pagtalon ni Ivan ng pababa na sya. Nasipa niya agad sa dibdib si Bruha. Ouch!

Napapanganga nalang ako. Masyadong mabilis ang ibang galaw na halos di ko na masundan.

Dahil sa pagkakasipa ni Ivan napahiga si Bruha. Dahilan para makabwelo si Ivan na saksakin si Bruha. Ramdam na ramdam ko na ang takot. Sasaksakin niya na sana pero bigla syang humina at unti unting bumagsak.

Nakita ko nalang na dumudugo na ang likod ni Ivan. Sh*t!

"Ivan!!" Sabay sabay na sabi naming lahat.

Naramdaman ko nalang ang pagkirot ng puso ko. Habang unti unting bumabagsak si Ivan parang paulit ulit na pinupunit ang puso ko at sinasaksak.

Ayoko na. Hindi ko na kayang makita 'to.

"No!" Unti unti nalang pumatak ang luha ko. Hindi ko na kaya 'tong nakikita ko.

When You're GoneWhere stories live. Discover now