Chapter 30 - Close to Death

52 10 1
                                    

Nakita ko nalang na dumudugo na ang likod ni Ivan. Shit!

"Ivan!!" Sabay sabay na sabi naming lahat.

Naramdaman ko nalang ang pagkirot ng puso ko. Habang unti unting bumabagsak si Ivan parang paulit ulit na pinupunit ang puso ko at sinasaksak.

Ayoko na. Hindi ko na kayang makita 'to.

"No!" Unti unti nalang pumatak ang luha ko. Hindi ko na kaya 'tong nakikita ko.

Lumapit yung lalaking bumaril sa kanya at nang mailawan siya ay nakita ko kung sinong demonyo ang pwedeng gumawa nun. Walang iba kundi si Skyler. Bakit ko ba siya pinagkatiwalaan?

Hayop siya. Este nas higit pa sya sa hayop. Pano nila nagagawang pumatay ng ganun ganun lang?

Gusto kong magwala. Pero wala akong magawa dahil nakatali ako. Wala nakong ginawa kundi umiyak.

Inabot ni Skyler ang kamay niya kay Bruha na agad naman nitong tinanggap at tumayo.

"Sinabihan na kita." Sabi ni Skyler.

"Mga hayop kayo!! Bakit niyo sya binaril!? Sinusumpa ko magbabayad kayo!!" Sigaw ko sa kanila.

Nagtinginan lang silang magkapatid at saka tumawa.

Lumapit sakin si Bruha.

"Masakit ba, Gabriella!!?" Nanlalaki ang matang tanong niya sakin. "Masakit bang mawalan ng taong minamahal mo?"

"Demonyo ka! Pano mo naaatim na pumatay ng tao--"

"Hayop ka! Tigilan mo yang ginagawa mo sa anak ko!" -Mom

"Humanda ka sakin pagnakawala ako dito!" -Trisha.

"F*ck! Wala kang karapatang ganyanin siya!" -Vea

Sinuntok niya kasi ako sa kaliwang pisngi. Pero hindi ko na yun nararamdaman. Dahil mas masakit ang emotional pain na nararamdaman ko.

Naramdaman ko din natulo na ang dugo mula sa labi ko.

"Masahol kapa sa demonyo!" Dinuraan ko siya sa mukha. Wala nakong pake kung saktan niya ko.

"G*go!" Sigaw niya.

"Bagay lang yan sa'yo!"

Hinawakan niya ako ng mahigpit sa mukha pagkapunas niya ng dura ko.

"Masahol pala sa demonyo, ah!" Iniharap niya ang mukha ko sa direksyon ni Ivan.

Tiningnan niya si Skyler at parang nakikipagcontact sa mata saka tumango.

"Ito ang mas masahol pa sa demonyo." Sabi niya saka ako nakarinig ng malakas ng putok ng baril.

Tang*na! Gusto kong isigaw pero wala nang lumalabas sa lalamunan ko. Pakiramdam ko mamamatay nako.

Patayin niya nalang ako oh!

Pano ba naman pinaputukan ng baril ni Skyler si Ivan kanina ulit sa ulo pa.

Ayoko na. Sobrang nasasaktan nako. Patayin niya nalang ako oh. Sobrang sakit na.

Nanginginig ako sa nakikita ko.

"Ayan ang mas masahol pa sa demonyong sinasabi mo!" Sabi niya saka binitawan ang mukha ko.

Wala nang ginawa ang mga mata ko kundi umiyak.

Wala na si Ivan.

At namatay pa sya sa sobrang brutal na paraan.

Ang sakit sakit!

Simusumpa ko, magbabayad kayo! Mararamdaman niyo ang pinakamatinding parusa na pwede niyong matanggap. Masahol pa sa kamatayan.

Sobrang higpit na ng pagkakasarado ng kamay ko. Pasalamat sila't nakatali ako kung hindi makakapatay talaga ako.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon