Chapter 20 - The Investigation

73 15 0
                                    

Gabriella Kayne Faulkerson's POV

Nakita ko yung katawan ni Lester bago siya dalhin ng mga otoridad, may sugat siya sa kaliwa niyang kamay."
"Anung meron?"

"A day before he died. May nagtangka saking pumatay. Dalawang lalaki at yung isa dun ay may sugat din sa kaliwa niyang kama-"

"So, sinasabi mo ba sakin na si Lester yun? Teka, bakit di mo sinabi sakin agad at hindi ka nagreport sa mga pulis?"

"Natakot lang ako na baka balikan nila ako."

"Pero bakit naman nila pagtatangkaan ang buhay mo?"

"Hindi ko rin alam. Pero alam kong hindi gusto ni Lester ang ginagawa niya nung gabing yun. Kung si Lester nga yun. Nung sasaksakin na kasi ako nung isang lalaki may pinukpok siyang bagay dito saka ito nakatulog."

"Hindi kaya pinilit lang siyang gawin, pero nakunsenya siya kaya pinatakas ka niya."

"Exactly, at sa tingin ko kaya siya pinatay ay dahil trinaydor niya kung sino man ang nagtangka sakin."

"Sino naman ang magtatangka sa'yo?"

"Sino lang ba ang may galit sakin? Edi si Trevor."

"Pero sa tingin ko di niya kayang gawin yun."

"Pero kung hindi siya, sino?"

Gabriella Kayne Faulkerson's POV

Isang palaisipan parin sakin ang pagkamatay ni Lester, kasabay ng may magtangka sa buhay ni Ivan.

Si Trevor nga kaya? Panu niya magagawa yun? Hindi siya klase ng tao na mukhang papatay...

"Faulkerson, may bisita ka." Sabi sakin ng pulis at dinala ako sa visiting area. Nakita ko si Atty. Estolas kasama si Ivan.

"Ms. Faulkerson, have a seat." Sabi ni Atty. Kaya naupo nako sa harapan nilang dalawa, "Ayon sa pinagimbestiga ko nakakita siya ng isang pares ng gloves hindi kalayuan sa crime scene. May kasama itong T-shirt at shorts at ito ay duguan."

Pagkasabi niya inabot niya saking envelop at pagkabukas ko. Ang laman noon ay ang mga pictures at report ng imbestigation.

"Wait!" Sigaw ni Ivan. "Patingin nga ako niyan."

Ini-abot ko sa kanya ang pictures. Nakikita ko na may kakaiba sa tingin niya. Hindi kaya may alam siya.

"Parang pamilyar sakin 'tong mga damit na 'to. Pati 'tong gloves."

"Pamilyar? Saan mo nakita?"

"Wait, aalahanin ko..." natulala siya habang iniisip hanggang sa nakita ko ang expression na parang nakuha na niya ang sagot, "Yan din ang suot ng lalaking nagtangka sa buhay ko."

So, confirmed na. Na ang taong pumatay kay Lester ay ang taong nagtangka rin sa buhay ni Ivan.

"Pero isa lang ang alam ko... si Lester talaga ang kasama niya ng gabing yun. Dahil narin sa sugat niya sa kaliwang kamay."

Nagsalita si Atty. "Bakit di nalang natin palabasin na self defense lang ang ginawa mo sa kanya dahil pinagtangkaan ka niyang patayin, tutal may witness nanaman tayo, siya.." sabay turo niya kay Ivan.

Biglang nag-init ang dugo. Ayokong magsinungaling sa korte. At isa pa di ko talaga pinatay si Lester. "PWEDE BA ATTY., KUNG NAHIHIRAPAN KA SA KASO KO, THEN QUIT! HINDI KO KAYLANGAN NG ABUGADONG GUSTO LANG MAGIMBENTO NG KWENTO. ANG GUSTO KO YUNG KAYA TALAGANG PAGLABAN ANG KLIYENTE NIYA!!!!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Di ko na napansin na nakatayo na pala ako at dinuduro-duro ko na siya.

When You're GoneWhere stories live. Discover now