Chapter 1 - Halloween Party

917 26 11
                                    

Gabriella Kayne Faulkerson's POV

"Ang kapal din naman ng mukha mo! Para sabihin ko sayo, yung dad mo boss ang dad ko!"

Pinapanood ko ngayon ang video ng pagaaway ng schoolmates kong si Kaila at Crizza na kumalat na sa internet

Nakatanggap si Kaila ng malakas na sampal galing kay Crizza, "How dare you para idamay ang tatay ko dito!? Saka bakit mo nilalayo ang usapan!? Chismosa ka! Yun ang issue dito. Kung ano ano ang ikinalalat mong tsismis tungkol samin ng boyfriend ko!"

Tinaasan siya ng kilay ni Kaila, "Bakit hindi ba totoo!? Na pinalaglag mo yang bata na nasa sinapupunan mo na bunga ng kalandian niyo ng boyfriend mo!"

Hindi na nakapagpigil si Crizza at sinabunutan na si Kaila. Wala man lang makaawat sa kanila. Grabe. "Papatayin kitaaa!"

Narinig kong may kumakatok. Abala! Nasa magandang part nako eh! Nakakatense kaya. Hahaha.

Teka? May kumakatok nang eleven ng gabi!?

Omo! Sinong kakatok ng ganitong oras?

Bago ko buksan ang pinto huminga muna ko ng malalim. Napanood ko na to sa mga kdramas. Gantong oras dumarating yung mga killers. Huhuhuhu.

Naman kasi eh. Magisa lang ako dito sa room tapos ganyan.

Pagbukas ko walang tao. Pero pagsilip ko sa gilid

"Gab!" Sigaw sakin ng isang mangkukulam.

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!" Sigaw ko.

Wait what? Akala ko action o mystery ang genre ng drama ko? Bakit naging fantasy?

Tinakluban niya ang bibig ko. Hindi ako makahinga. Katapusan ko na ba to? Huhuhu. Marami pa po akong pangarap sa buhay.

"Tama na kamo, Gab. OA na kasi." Sabi niya sabay tawa. Ngayon kilala nya pa ko? Waaaaaah! Ako ba main character?

Unti unti niya kong hinarap sa kanya. Eto na ba to? Yung hihigupin niya yung kaluluwa ko para maging bata siya ulit? Huhuhu. Ibig sabihin extra lang ako.

Hindi man lang ako nakapagpaalam sa mga mahal ko sa buhay.

"Vea!?" What the? Si Vea lang to? Inalog alog ko siya. "Loko ka! Ikaw lang pala yan. Tinakot mo ko."

Pasalamat siya kaibigan ko s'ya kundi nasuntok ko na siya. Hehe joke lang. Hindi naman ako nananakit. Mabait kaya ako.

"Vea naman, tinakot mo nanaman ako." Mahinahong sabi ko habang medyo hinihingal pa.

"Eh, sino ba kasi ang pinakamasarap takutin dito ikaw lang. Why so duwag kasi? Sa buhay ka matakot! H'wag sa patay!"

"Bakit ba kasi ganyan ang suot mo?"

"Mas magulat ka kung naka pang-fairy ako." Kahit kailan talaga. Tss.

May naramdaman akong malamig hangin sa may paanan ko. Bat ang lamig? Huhuhu. Pinapawisan na ang noo ko sa takot eh.

Hoy, Gabriella Kayne Faulkerson kasasabi niya lang diba? Sa buhay matakot. H'wag sa patay. Kailangan kong kumalma!

"Vea, naramdaman mo yun?" takot na takot na tanong ko.

"Ang alin?" Sa itsura niya wala talaga siyang nararamdaman. So kung ako lang ang nakakaramdam.. It means.. Nooooooooo!

Kasalukuyan palang akong nagiisip ng kung ano ano ng biglang may tumawa.

"HAHAHAHAHAHAHAHA—Ouch!" Sumipa si Vea kasabay ng narinig kong ouch.

"Aish!" Napakamot ng ulo si Vea. "Kahit kailan panira ka ng mga plano ko."

When You're GoneΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα