Chapter 17 - Break-up

143 15 0
                                    

Gabriella Kayne Faulkerson's POV

FRIDAY. Araw kung sino ang mga nanalo para maging student council.

Sila Trisha at Vincent na. Hindi na pinalagpas ni Trisha ang pagkakataon kaya nung nanligaw si Vincent sinagot niya na agad.

Samantalang ako eto, pinoproblema kung pano ko makikipag-ayos kay Ivan at Trevor.

"Punta na kayo dun sa covered court, i-aannounce na daw ang mga nanalo." Sabi ni Miss. Tapia samin.

"goodluck, Gab!" Nakangiting sabi sakin ni Trisha.

"Alam kong ikaw ang mananalo! Woo!" Vea.

"Salamat sa suporta niyo, ah! Sige pupunta nako dun sa unahang upuan."

Papunta na sana ako sa unahan ng makita ko si Trevor na may kinakausap na ibang babae kaya napatigil ako.

Nagtatawanan sila hanggang sa bigla nalang hinalikan nung babae si Trevor. Naramdaman ko nalang na naguunahan ng tumulo ang mga luha ko.

Nang makita niyang nakatingin sakin yung babaeng kasama niya tumingin din siya sakin.

Tumakbo ako palayo sa kanila hanggang sa naramdaman kong may humawak sa kamay ko.

Nang makaharap ako sa kanya ay sinampal ko siya kaagad.

"Gab, let me explain!"

"Bitawan mo ko!" Pinipilit kong bawiin ang kamay ko sa kanya pero masyado siyang malakas.

"Makinig ka muna sakin, please." Tiningnan niya ko diretso sa mata, "Hihdi ko alam kung bakit pero bugla nalang niya ko hinalik---"

"Trevor, mahal mo pa ba ko?" Sabi ko sa isang mahinahong boses na.

"Gab, ano ba namang klaseng tanong y---"

"Sumagot ka nalang, Trevor! Mahal mo paba ko!?"

"Trevor, just tell her na hindi mo na siya mahal. Na ako na ang mahal m---" Andito pala yung kahalikan niya kanina. Hindi ko man lang napansin.

"Louise, shut up!" Sabi ni Trevor. Magsasalita pa sana siya pero pinutol ko na ang mga sasabihin niya.

"Ah, ganun ba? Fine, ok lang sakin. Alam ko naman kasi, una palang, na walang siseryoso sakin." Huminga ako ng malalim, "Hindi na kita pahihirapan pa, pinapalaya na kita. Break na tayo."

"What!? Kakasagot mo lang saki--"

Hindi kona siya pinatapos. Tumalikod nako at hinayaang lumabas lahat ng luha ko. Sana pala hindi ko muna siya sinagot.

Dumaretso nalang ako sa room, ramdam ko naman na nasa likod ko na sina Vea.

"Vea, may mali bako? Mali bang nakipagbreak ako sa kanya sa harap pa ng maraming tao?"

"Gabriella, wala kang mali tama lang ang ginawa mo. Saka mali din namang magbulagbulagan kalang kahit nakikita mong nakikipagflirt siya sa iba." Vea

Napatingin ako sa biglang pumasok sa room. Si Ivan. Bakit ngayon pa siya pumunta dito?

Lumapit siya sakin saka naupo sa tabi ko.

"Gab, tahan na. Hindi mo naman dapat iniiyakan ang mga ganung tao. Saka marami pa namang iba dyan eh." Ivan. Bakit parang wala lang nangyari.

Hindi na siya galit sakin?

"Salamat, Ivan ah."

"Syempre naman, bestfriend kita eh."

"Sige maiwan muna namin kayo ah. Balikan lang namin yung announcement sa baba para masabi narin namin sa inyo." Trisha.

Tumango ako.

When You're GoneΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα