Chapter 12 - Third Wheel

222 17 1
                                    

Gabriella Kayne Faulkerson's POV

Nakarating na ko sa school, hinatid ako ni Trevor. Late nanaman. Nung nasa room nako, parang ang weird kasi nakangiti sakin si Miss Tapia tas yung classmates ko nakatingin sakin. Yung iba parang gusto akong i-congratulate yung iba naman parang inis sakin. Nang makaupo nako.

"Gabriella, ikaw ulit ang nag-rank 1 ngayon at dahil dun ikaw ang napili ko na tatakbo this year para maging President ng Student Council."

Yun lang? Yun nayung dahilan kung bakit ako tinitingnan ng ganito?

Sabagay maraming gustong maging pero konti lang ang pinapalad na piliin. Samin kasi di pede volunteer. Dapat pipiliin ka ng professors. Ngumiti nalang ako kay Miss as a reply.

LUNCH BREAK

Papunta nakong canteen ng makabangga ko si Ivan. Iiwas na sana ko ng nag 'hi' siya sakin.

"Uh... Um... Hi.." sagot ko saka siya nginitian na nag-aalinlangan

"Tara sabay na tayo maglunch." sabi niya sakin na parang walang nangyari kahapon. Ngiting-ngiti pa siya.

"Sige!" Sabi ko saka tumungo.

Andun na kami sa pinto ng canteen ng nakasalubong namin si Trevor.

"Gab, sama ka nalang sakin. Kain tayo sa resto. Yung favorite mo." Sabi sakin ni Trevor.

"Ahh.. Trevor. Sabay na kasi kami ni Ivan, e. Siguro next time nalang." sabi ko.

"O-kay. Next time, ah." Tumingin siya kay Ivan na parang mga lalaki lang ang nakakaalam ng ganung tingin at tinapik nya si Ivan sa balikat at tumingin sakin na parang sinasabing sige na.

Kumain na kami ni Ivan. Hindi ko ba alam naguguluhan ako. Nitong mga huling araw parang mas nagiging mas maalaga siya sakin.

Oh? Alam kong sasabihin niyong manhid ako. Pero hindi ako tulad ng ibang girls sa mga story na manhid. Ako, alam ko talaga na may feelings siya sakin. E, malamang sinabi niya na, e. Tss.

Hahaha. Pero sorry nalang kasi bestfriends lang talaga kami. Para nako kay Trevor. Walang kokontra. Hahaha.

Pero mahal ko na talaga si Trevor. Si Ivan naman mahal ko din kaso hanggang friends lang talaga, e.

"Akala ko sa kanya ka sasama." Nakatungong sabi niya.

"Bakit ko naman gagawin 'yun?"

"Kase.. alam mo na.."

"Ikaw ang unang nag-aya. Kaya bakit ko naman gagawin 'yun." Sabi ko saka siya nginitian.

Nang matapos ang klase pabalik na sana ako sa room ko kaya lang may nakabangga sakin.

"Sorry." Sabi niya sakin.

"Sorry din. Hehe. Pwede ba tayong manood ng sine mamaya kasama friends ko." Hala! Bakit ko dineretsto? Baka mahalata na ako nito.

"Uhmm. Sure. Beautiful." sagot niya saka nginitian ako ng pagkalaki-laki. Sabay akbay pa, "Masyado kabang nagwapuhan sakin at masyado kang direct-to-the-point."

"Huh? Anu bang sinasabi mo?"

"Asus.. kungwari kapa."

Gusto ko sanang paalis yung akbay kaya lang baka biglang magbago ang isip at hindi na sumama sakin.

Naglalakad na kami palabas ng school tapos may mga maarteng babae na humarang sa daan namin. Siguro alam niyo na kung sino yun. Natural si Sevinelli at Sofia

"Hey! Malanding babae! Nung una si Trevor tas ngayon si Prince!" sabi ni Sevinelli.

"Oo nga napakalandi mo. Baka nga gumagamit kalang ng gayuma para akitin sila dahil ang pangit mo naman, e!" Dugtong pa ni Sofia.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon