Chapter 19 - Sorry

74 13 0
                                    

Ella Henley's POV

Nasa morgue kami ngayon. Kasama ko ang mga magulang ni Lester. Napakasakit ng mga pangyayari. Parang kailan lang nung naging kami nI Lester. Tas ngayon wala na siya.

"Lester naman eh, akala ko ba walang iwanan. Anung ginawa mo?" Sabi ko habag umiiyak sa harapan ng bangkay niya. "Wag ka mag-alala, mabubulok sa kulungan yung Gab na yun! Pagkatapos ng ginawa niya sayo!"

Kitang kita ko na sobrang nasaktan din ang parents ni Lester. At alam kong hahanap at hahanap sila ng hustisya sa nangyari kay Lester.

Naaalala ko parin ang mga pangyayari kanina.

*Flashback*

Nasa may canteen kami ni Jillian at pinaguusapan namin ang tungkol sa pagkapanalo ng school sa isang event nang makita namin si Gabriella.

"Kayo naman talaga yung bagay ni Trevor, hindi yung Gabriella na yun. Congrats nga pala, ah!" Sabi ko kay Jillian kahit di naman talaga sila, para lang maramdaman ni Gabriella na ganon lang kabilis nakamove-on sa kanya si Trevor.

Pinanlakihan ko pa ng mata si Jillian para sakyan niya yung trip ko.

Tumigil sandali si Gabriella pero tumakbo lang siya papunta sa may tagong daan sa Dorm.

Nakipaghighfive sakin si Jillian. "Galing mo talaga!" At saka tumawa kaming dalawa. "Oh, let's follow her. Para makita natin kung pano siya umiyak at magmukmok!"

Tumawa ulit kaming dalawa. "Maganda ngang idea yan." Sinundan na namin si Gabriella. At nagulat nalang kami sa mga sumunod na nakita namin.

Gabriella killed Lester! Ang boyfriend ko!

Veatrice Daniels' POV

Andito ako ngayon sa prisinto kasama sina Gab, Vea, Tita Shannel at ang kararating lang na si Trevor.

Tch! Anun bang ginagawa niya dito!? Na nakaka-bwiset yung mukha niya!

"Anong ginagawa mo dito, huh!? Pagkatapos mong ipagpalit si Gab sa ibang babae?"

"Anu ba Vea, hayaan mo na muna siya. Hindi yan ang issue ngayon." Pagpapakalma sakin ni Trisha.

E, sa nakakainis talaga, e!

Pinilit kong pigilan ang galit ko. Nag-focus nalang ako kay Gab.

Nakakausap na ngayon ng maayos si Gab. Di tulad ng dati na nakatulala lang at pautal-utal magsalita.

Ngayon, iyak nalang siya ng iyak. At kahit na anong pagcocomfort namin kanya ni Tita Shannel wala parin siyang tigil sa kaiiyak.

Siya nga pala, si Tita Shannel ang mommy ni Gab. Kauuwi nya lang galing abroad. Umalis siya nung 1st year college na si Gab at pinatira nalang siya sa Dorm para may kasama narin daw siya.

Pag daw kasi pinatira pa sa bahay nila, magiging malungkot lang ang buhay ni Gab. Lalaki siya na ang yaya niya lang ang nagpapalaki sa kanya.

Umuwi siya galing abroad dahil nga sa sinabi ko sa kanya na nakulong si Gab, agad naman siyang nag-reply sa message ko at umuwi.

Trevor na hanggang ngayon ay nakatayo parin at hindi magawang lumapit kay Gab.

"I-Ikaw!?" Nanlaki ang mata ni Trevor at bigla nalang tumakbo sa labas.

Ayan! Tama nga yan! Matakot ka sa mommy ni Gab. Ang landi mo kasing g*go ka!

"Ah, k-kilala niya ba ko?" Tanong ni Tita Shannel. Sino ba naman ang hindi magtatakha sa tanong ni Trevor.

Tanong ba o statement? Ah, ewan!"

"Ah, hindi ko po alam, eh." Trisha.

"Baka natakot lang po na pagalitan niyo kasi nga po ex siya ni Gab." Sabi ko naman.

"Siguro nga.." Sabi ni Tita na na nakalagay pa ang hintuturo sa kanang pisngi.

Biglang iniba ni Tita ang topic. "Siya nga pala, papunta na daw si Attorney. Magaling yun. Siguradong magagawan niya 'to ng paraan." Ngumiti lang si Tita sa kanya. Ginantihan din naman ni Gab ng ngiti pero yung mapait na ngiti.

***

Gabriella Kayne Faulkerson's POV

Hindi ko maiwasang mabalik ang trauma ko sa mga nangyari. Ilang araw din akong naparalisa sa mga nangyari at ngayon lang ako nakarecover.

Hindi ko maintindihan ang lahat. Kung bakit kailangang umabot sa ganitong sitwasyon na kailangan kong makulong nang walang kasalanan? Makasaksi ng mga ganitong pangyayari at kung anu-ano pa.

Hindi ko rin maintindihan si Trevor. Pumunta siya dito kanina tapos biglang aalis.

Gabi na ng biglang dumating siya.

"Gab.." sabi niya na parang medyo nahihiya.

"Bakit?" Walang emosyong sabi ko sa kanya.

"I'm so sorry." Parang paiyak niya nang sabi pero pinipigilan lang niya.

"Bakit ka nagso-sorry?"

"D-Dahil, wala ako sa tabi mo nung mga panahong kinailangan mo ko."

"Trevor, ano bang sinasabi mo?" Ang gulo niya kasi, sa totoo lang.

"Nung, napagbintangan ka. Dapat ako yung unang nagtanggol sayo. Dapat di kita hinayaang makulong." Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa sa mesa.

"Trevor, wala kang kasalanan. Hindi mo na responsibilidad na ipagtanggol ako. Trevor, wala na tayo."

"P-Pero, kasa-sagot mo lang sakin. Bakit naman ata ang bilis? Bakit parang wala pa tayong isang linggo, wala na tayo agad?"

Tumawa ako. Pero yung klase ng tawa na pansin mo parin ang lungkot, "Diba ikaw din naman? Wala paring isang linggo ang panghihiwalay natin, may iba kana."

"Iba?" May pagtatakha pa sa mukha niya.

"Kayo na ni Jillian, diba?"

"Jillian!? Jillian Perez? Ni hindi ko nga siya gaanong kilala, e. Tapos sasabihin mo relasyon kami?"

"Wait, Trevor. Huminahon ka nga! Yun ang narinig kong pinaguusapan nila ni Ella."

"Pero hindi ko talaga alam yun, Gab.. please, believe me."

"Pinaniniwalaan naman kita, Trevor."

"Pinaniniwalaan mo ko? So it means, binibigyan mo ko ulit ng chance para mapakita sayo na mahal talaga kit--"

Hindi ko na siya pinatapos. "No, Trevor. Not now. Marami pakong problema ngayon."

Biglang dumating si Ivan, "Gab! Ginugulo ka nanaman ba ng lalaking 'to?" Ang sama ng tingin niya kay Trevor.

"Gab, alis na ko, ah. Ayokong pumatol sa mga ganyang klaseng tao eh." Tumayo na si Trevor sa pagkaka-upo niya at binangga niya si Ivan.

Ang sama ng tinggin nila sa isa't isa. Yung tipong nagpapatayan na sila sa tingin lang.

"Gab, kamusta kana?" Tanong naman ni Ivan sakim pagkaupo niya.

"Okay lang ako. Sana lang talaga mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Lester."

"Gab.."

"Hmm?"

"Nakita ko yung katawan ni Lester bago siya dalhin ng mga otoridad, may sugat siya sa kaliwa niyang kamay."

#WYGSorry
@aileneswift

When You're GoneWhere stories live. Discover now