Chapter 45 - Biological Father

62 7 0
                                    

Jacob Harris' POV

Ibang ibang Gabriella ang nakikita namin ngayon. Na kahit kami na halos ka-level niya lang ay takot na takot sa kanya.

Na parang isang maling galaw lang namin pwede niya na kaming kililan ng buhay.

Napuno na ang puso niya ng galit at poot.

Nagsimula na ang laban nina Steph at Mrs. Knight. Sa totoo lang.. Pinahirapan lang nila ang mga sarili nila dahil alam narin naming lahat dito ang resulta nito.

Nasugatan agad si Mrs. Knight. Samantalang si Steph ay pa-chill chill lang.

Maririnig mo ang mga mura ng Knights sa buong lugar. Nagkamali kasi kayo ng binagga noon.

Pero bakit ganun? Hindi ko magawang magalit sa Knights? Dahil ba kung hindi dahil sa kanila wala akong makikilalang Gabriella? Hindi ko makikilala ang babaeng mamahalin ko ng buong buo.

Tiningnan ko si Gabriella. Walang emosyon ang mukha niya pero nakikita ko sa mga mata niya na hindi niya gusto ang ginagawa niya. Pero bukod dun.. Makikita mo rin ang galit.

Bigla siyang naglakad palabas ng lugar na 'to.

"Crizzia." Tumigil siya pero hindi siya humarap sakin.

"Mauuna nako. Kayo ng bahala sa kanilang lahat." Sabi niya saka nagpatuloy sa paglalakad.

Pero ako lang ba? Pero parang basag ang boses niya. Dahil dun agad ko siyang hinabol.

Nasa labas na kami parehas ng maabutan ko siya.

"Gabriella." This time tinawag ko na siya sa pangalan niya. Tumigil siya kaya nagkaroon ako ng pagkakataong pumunta sa harapan niya.

Umiiyak siya. Bakit nasasaktan ako pag nakikita siyang ganito? Kung ako nasasaktan na ng nakikita siyang ganito, pano pa siya?

Niyakap ko siya.

"Sorry." Sabi ko, "Sorry dahil yakap lang ang naiibigay ko sayo tuwing ganito ka. Sorry."

Binalik niya sakin ang yakap. Ramdam ko din ang paghagulgol niya.

"Kung ayaw mo ng ginagawa mo, itigil mo na. Kung sinasaktan mo lang naman ang sarili mo e. Learn to forgive."

Kumawala siya sa yakap saka pinunasan ang luha niya. Ngumiti siya sakin, "May mga kailangan lang akong tapusin. Balikan mo na sila dun at ipatigil mo na."

Naglakad na siya palayo.

Napangiti ako. Hindi niya kayang pumatay basta basta kung hindi kailangan. Siya parin ang Gabriella na dating nakilala ko.

"Ahh!"

Shet! Ang mga Knights!

Tiara Steph Harris' POV

Walang ka-thrill thrill yung laban ko kanina. Mas nag-enjoy pa ata sila e. Kasi yung mag-amang Knights na ang kinalaban nila.

Isang palaisipan parin sakin ang pagtawag nitong babaeng 'to ng "Gabriella" kay Crizzia. Well, wala naman akong pake sa past niya at kung anong atraso sa kanya ng pamilyang 'to pero ang sinabi niya samin noong pangalan niya ay Shane.

Shayne Adams. Nage-exist kaba talaga? Sino si Gabriella kung ganon?

"STOP!" Gulat kaming lahat sa pagsigaw ni kuya ng sasaksakin na sana ni Princess si Sofia ata yun.

Epal din to si kuya e. Pabida.

"ANO!?" Halatang nabitin si Princess e.

Dahil sa ginawa ni kuya na paggugulo nagkaroon tuloy ng pagkakataon si Sofia na kuhanin yung nalaglag niyang katana kanina.

Shet! Wrong timing naman kasi ni kuya.

Napanganga nalang ako sa sunod na nangyari.

Akala ko.. Akala ko aatakihin niya si Princess but no. Sinaksak niya ang sarili niya. Well, kung ako ang nasa posisyon niya pipiliin ko na talagang gawin yan.

Sa gabi lang na to. Nawala na ang pamilya ng Knight sa mundo.

"Shet! Hindi nako umabot!" Napasabunot nalang si kuya sa buhok niya. Anong problema niya?

Gabriella Kayne Faulkerson's POV

Ngayong araw. Lilinawin ko na ang lahat. Tama na siguro ang ilang araw na pamamalagi ko dito sa Japan.

Naramdaman ko na na ang pagpasok niya sa pinto.

"Dono yō ni shite, otōsandesu ka? O Hisashi-buridesu ne. (How are you, dad? It's been a long time)" sabi ko saka unti-unting hinarap ang swivel chair na inuupuan ko sa kanya.

Walang kahit anong emosyon ang mukha niya. Parang expected niya 'tong scene na 'to. At wala nang nakakagulat sa inaarte ko ngayon.

"So, alam mo na pala?" Sabi niya saka nag-smirk. Darn. Pinipikon ako ng lalaking 'to.

Tumayo ako at nilapitan siya, "Dono yō ni anata o aete? (How dare you?) Ikaw ang dahilan ng lahat? Kung bakit namatay ang kapatid ko, si Ivan at ang iba pang mga inosenteng tao. Ikaw ang may kagagawan ng pagbabago ng ibang tao. Lalong lalo na ag pagbabago ko. Ikaw ang puno't dulo ng lahat!"

Hindi parin nawawala ang mga mapang-asar na ngiti niya, "Hindi ko na kasalanan kung malandi lang ang nanay mo o sadyang tanga lang siy--"

"F*CK YOU!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinawakan siya sa kwelyo saka itinutok sa may sintido ang baril na nasa may tagiliran ko kanina, "H'WAG NA H'WAG MONG TINATAWAG NA TANGA ANG NANAY KO AT LALONG LALO NA NA TAWAGIN SIYANG MALANDI! HINDI SIYA MALANDI, G*GO KA LANG!"

Wala ka manlang makikitang takot sa mga mata niya. Nag-smirk nanaman siya. Darn, bakit ang hilig niyang mag-smirk.

"Bakit hindi mo iputok yan?" Mapang-asar ang tono niya, "Hindi mo kaya?"

"TUMAHIMIK KA! ANYTIME PWEDE KONG PASABUGIN ANG UTAK MO!"

"BAKIT NGA HINDI MO PA GAWIN. KILL ME! C'MON, DO IT!"

Tinitigan ko lang siya. Ewan ko kung ano ang nangyayari sakin. Bakit nanghihina ako. Hindi ko maiputok sa kanya ang baril. Hanggang sa naramdaman ko nalang na unti-unti ko na siyang binibitawan

Tumawa siya, "I knew it! You can't! Look at you, Gabriella or should I say Crizzia? Siguro nga ilang taon kang nag-training para dito. Isang sikat pang organization ang nag-train sayo. But look at you! You're still the weak Gabriella that I know years ago. Manang-mana ka sa tatay mo!"

Bigla nalang tumulo ang mga luha sa mga mata ko habang hawak hawak ko na ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung dahil saan ang luha ko. Kung dahil ba sa tagal tagal kong nag handa para dito ay wala paring kwenta o dahil sa hindi ko parin nakamit ang hustisya para sa mga inosenteng nawalan ng buhay.

"H-How could you? You're my f-father?"

"The game is over, Gabriella. Binigyan kita ng chance pero sinayang mo." Nagkibit-balikat nalang siya.

Bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok ang mga underlings niya na pinatulog ko kanina.

"Now it's my turn." Hinawakan nako ng mga tauhan niya.

"GET OFF ME!"

Pilit akong kumakawala pero masyado silang marami at malakas. Naramdaman ko nalang na may tinusok sakin yung isa nilang kasamahan. Then, unti-unting nanghina ang katawan ko. Bumibigat narin ang mga mata ko pero pilit ko yung nilalabanan.

"I just want you to know.. that your real father is Sebastian Mitchell."

Yun ang huli kong narinig na sinabi niya saka ako nawalan ng malay.

(A/N: Why oh why, watty? Na-delete yung sinulat ko. Waaaaaaa. Kailangan ko pa tuloy ulitin. Ganyan ka wattpad ah. Nakakasakit ka ng puso.)

When You're GoneWhere stories live. Discover now