Chapter 16 - Problems

180 15 3
                                    

Gabriella Kayne Faulkerson's POV

Pagpasok ko sa Dorm. Nakita kong nainom si Trisha.

Kaylangan ba sunod-sunod ang kamalasan ngayong araw? Di ba pwedeng pagpabukas muna?

"Trisha! Tama na nga yan!" Sabi ni Vea sabay pilit na inaagaw ang inumin ni Trisha.

"Alam mo kasalanan mo lahat ng 'to eh. Umasa ako, na si Vincent na yung para sakin. Kasi lagi niya kong tinitingnan at minsan nagkakahulihan pa kami ng tingin. Kaso hindi eh." Sabi ni Trisha kay Vea.

"Anu bang pinagsasabi mo?"

"Manhid ka! Kaya di mo alam na gusto ka niya! Nakita ko kanina na pinaguusapan ka at siya ng mga kaibigan niya. Sabi, masyado nadaw malakas ang tama sayo ni Vincent kaya may surpresa sya sayo mamaya."

"Hoy, Trisha Smith! Tigilan mo nga 'yang kadramahan mo. Kailan kapa natutong uminom!?" Sabi ko saka ko kinuha ang iniinom niya at uminom din. "Aww!" Nabatukan ako ni Vea.

"Pangaral-ngaral ka pa diyan! Iinom ka din pala! Saka bakit basang-basa ka? Isip bata lang? Na-tripan mong maligo sa ulanan?" Ang ingay talaga nitong si Vea kahit kailan. Nakakabingi. Di ba niya nakitang may problema kami.

Veatrice Daniels' POV

Ano bang problema nitong mga lintek kong kaibigan?

Dapat ata, e ipagamot kona sa mental.

Inagaw ko kay Gab yung bote ng alak at inilagay sa lamesa.

"Hoy Gabriella! Maligo ka muna! At pag nagkasakit ka naman. Kame? Kami nanaman ang mag-aalaga sayo!"

Yung mukha ni Gabriella yung itsurang iiyak, "oo na."

Pagtingin ko naman kay Trisha tulog na siya. Hay, pag-ibig nga naman.

May kumatok sa pinto. Kaya agad naman akong tumayi para buksan 'yun.

"May nagpapabigay po sa inyo." Sabi nang isang lalaki sabay takbo. Bakit ang weird ng mga tao ngayon?

Tiningnan ko ang binigay niya, isang letter. Binuksan ko yun saka binasa.

Dear Vea,

Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa'yo na may nararamdaman ako para sa'yo. Ang hirap i-explain na bigla nalang akong na-fall sa'yo.

Kaya sana bigyan mo ko ng pagkakataong makilala ka pa ng lubusan. Hihintayin kita hanggang 9pm sa rooftop.

Vincent.

Huh? Manhid na ba ko kaya hindi ko alam na may gusto siya sakin? E, mas feel ko pa nga na may gusto sakin si Prince.

So, eto ang dahilan kung bakit nagagalit sakin si Trisha. Tss.

Teka..

Tiningnan ko ulit yung letter.

9pm. waaaaaaaah! Nakakaawa naman yung dun baka kanina pa nag-iintay.

Tumakbo ako sa rooftop.

Wow! Ganto ba ka-inlove sakin ang lalaking 'to at gagawin niyang ganto kaganda ang rooftop?

"Pre, sure kabang darating yun? Baka mamaya di sumipot yun!" Sabi nung isang lalaking kasama ni Vincent.

"Sige, pre baka inaantok kana. Pede kanang umuwi ako nalang magaantay sakanya." Sabi ni Vincent.

"Andito nako!" Sabat ko sa kanilang dalawa.

Nagtinginan silang dalawa. Na para bang may mali. "Diba ikaw yung kaibigan ni Vea?" Sabi ni Vincent. Nagulat ako dun ah. Ako si Vea eh. Wait. Hindi kaya...

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon